Chapter 8

5 2 0
                                        

Nakakatawa lang isipin kung gaano kagaling maglaro ng tadhana sa buhay ng isang tao. Dadating tayo sa puntong inaakala natin na maayos lang ang lahat pero nagkakamali pala tayo ng akala. At kung kelan dumating tayo sa puntong inaakala natin na maaayos na natin ang lahat, tsaka naman dumadating ang problema.

"Miss Ashley Ortega" tawag ng adviser namin sa pangalan niya sa pangatlong pagkakataon ngunit muli itong nabigo. Tatlong araw na simula ng huli ko siyang nasilayan, maging ng ibang nakakakilala sa kanya. May mga nagsasabi na lumipat na daw ito ng school. Meron din naman na nag-quit na daw ito dahil sa mga issue na kumakalat tungkol sa kanya. But i know her, hindi siya basta aalis kahit gaano pa karami ng taong bumabatikos sa kanya. But what is her reason for not attending classes for three straight days.

"Wala pa din ba si miss Ortega? Wala bang nakakaalam sa inyo kung anong nangyari sa kanya?" Muling tanong ng aming guro na saktong napadapo ang paningin sa akin. "Miss Ramos, wala ba siyang nasasabi sayo?"

Nabaling ang atensiyon ng lahat sa akin at ramdam ko ang mga nakakailang nilang mga tingin. Alam ko naman na lahat ng naririto sa classroom ay alam ang sitwasyon naming dalawa ni Ash maliban kay Ma'am. Napapabuntong-hininga akong nag-angat ng tingin kay Ma'am Jasmine na ngayon ay nag-aabang sa sagot ko.

"Ma'am... hindi ko po alam," saad ko sa mahinang boses, "hindi ko na po siya nakakasama at nakakausap ngayon eh." Mabuti na lang at napigilan ko ang pangangatal at pagpiyok ng boses ko habang nagsasalita. Ramdam ko naman ang mga tingin ng mga kaklase ko at ang biglang pananahimik ng paligid. It's funny on how this simple scene became awkward because of our situation.

"Bakit? Hindi ba't magkaibigan kayo? I just saw the both of you together last week na nakatambay sa may park," naguguluhang saad nito habang nakatitig sa akin ang nagtatanong nitong mga mata. Napalunok na lang ako para pigilan ang mga luhang anytime ay pwede ng bumagsak sa mata ko.

Sino nga ba namang magaakalang magiging ganito kabilis na magbabago ang sitwasyon naming dalawa. We became inseperable simula ng maging magkaibigan kami. Kaya hindi na ako nagtataka sa nakikita kong pagkagulat na nakarehistro sa mukha ng aming guro. She's one of the teachers who witnessed how inseperable our bond is kaya talagang nakakagulat na marinig na hindi na kami nag-uusap dalawa.

"Pero wala ba talagang nakakaalam sa inyo kung nasaan si-" hindi na nito naituloy ang sasabihin ng biglang may kumatok sa pinto ng room. Sabay-sabay kaming napatingin dito at nagulat ako ng makita kung sino ang kumakatok mula sa labas. "Wavery?" Bulong ko sa aking sarili habang gulat paring nakatingin sa may pinto.

"Good morning ma'am, may letter po palang ipinapaabot sa inyo ang parents ko." Saad nito sa mahina at garalgal na boses. I can see how swollen her eyes is kahit pa nilagyan niya ng concealer ang mga eyebags niya. Maputla din ito at tila ilang araw ng hindi nakakatulog. "Pasensiya na po pala kung ngayon ko lang ito nadala." Nanginginig ang boses na muling dagdag nito. Bago yumuko bilang tanda ng pag-galang bago umalis.

Dahan-dahan namang binuksan ni Ma'am Jasmine ang letter at binasa ito gamit ang mga mata lang. Lahat tuloy kami ay nagtataka at nag-aalala sa nakikita naming pamumuo ng luha sa mga mata nito. She is a jolly and joker kind of a teacher and a person kaya nakakapagtaka na makita ang halos mangiyak-ngiyak na mata nito habang binabasa ang sulat.

"Ma'am okay ka lang po ba? Ano pong nangyari? At para saan po 'yang sulat?" Sa wakas ay may naglakas-loob din na magtanong ng tungkol sa nilalaman ng sulat. Nag-angat naman ito ng tingin sa amin matapos basahin ng buo ang liham at marahang ngumiti sa amin. Ngunit hindi kami malilinlang ng mga ngiting 'yon dahil alam namin kung gaano kalungkot ang mga mata nito. "Wala.. wag niyo akong pansinin. Nadala lang ako sa nangyari sa isang estudyante na namatay dahil sa sakit na matagal na pala niyang patagong iniinda." Saad naman nito at kita ko kung gaano kalungkot ang mga mata nito na bahagyang lumingon sa gawi ko.

"Eh sino po ba 'yong estudyante na 'yon ma'am? Nakakaawa naman po pala lalo na ang pamilya niya kung ganon." Muling pagbabakasakaling tanong ng kaklase kong si Adrian ngunit ngiti at iling lang ang isinagot sa amin ni ma'am. "Pasensiya na kayo ah, ipinagpaalam na kasi ng mga magulang nito na 'wag na lang ipagbigay alam sa buong school ang nangyari sa kanya. Inabisuhan lang nila kami para hindi na namin hanapin pa ang bata." Bakas pa din ang lungkot, panghihinayang, at pangungulila sa boses nito. Siguro ay naging malapit dito ang estudyanteng tinutukoy ni ma'am kaya ganito na lang ang naging epekto ng nalamang balita sa kanya.

Sa hindi inaasahan ay bigla kong naalala si Ash, isa kasi ito sa mga estudyanteng naging malapit kay Ma'am Jasmine kahit saglit pa lang silang magkakilala. There is just this thing about her that can make you feel comfortable when you're with her. Napapangiti na lang ako habang inaalala na kung gaano ito ka-cute at kainosente tingnan eh, may itinatago pala itong napakalaking kakulitan at kalokohan sa katawan. Pero habang binabalikan ko ang mga pangyayari hanggang sa pagkekwento ni ma'am kanina ay binabalot ako ng matinding kaba.

'Ano ka ba self.. 'wag nga'ng kung ano-ano ang iniisip mo. Walang masamang mangyayari sa kanya.' Bulong ng isip ko sa kabila ng matinding kabang bumabalot sa dibdib ko. Tama! Hindi dapat ako nagiisip ng kung ano-ano dahil alam kong hindi 'yon mangyayari. Isa pa, napaka-healthy niya pa ng huli kaming magkita kaya alam kong hindi maaaring siya 'yung tinutukoy ni ma'am. Napakadami namang estudyante ang kaclose ni ma'am Jas kaya posibleng isa sa kanila ang tinutukoy nito.

"Pero 'wag niyo na lang munang isipin 'yon. Alam ko naman na kahit hindi ipaalam ng mga magulang niya ang pangyayari sa buong school ay malalaman at malalaman niyo pa din 'yon. I just respect their decision, so... im sorry but i won't speak unless necessary." Pinal na saad nito bago muling inayos ang sarili at isinipit sa loob ng notebook na dala ang papel na naglalaman ng sulat. "So start na muna tayo sa klase? Hindi ibig sabihin na may ganitong nangyari ay ititigil ko na din ang pagtuturo ko." Muling saad nito ngunit ang paningin at atensiyon ko ay nasa notebook na pinag-ipitan niya ng sulat.

Ano kaya ang laman ng papel, at sino nga kaya ang estudyanteng tinutukoy ni ma'am? Nakaka-curious ngunit alam ko na wala kaming choice kung hindi ang mag-abang sa balita. We can't forced someone to tell us what was really happening or what was really happened. The only thing that we can do is to wait for the right time for us to know the truth.

P A G S I S I S ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon