Malakas ang kabog ng dibdib ko habang binabagtas namin ng lalaking nagbigay ng sulat sa akin kanina na napag-alaman kong tito ni Ash ang daan papasok sa loob ng bahay nila. Ang kabang kanina ko pa kinakalimutan ay muling nabuhay ng masalubong ko ang masamang tingin ng isang babaeng kabababa lamang sa hagdan. Ngayon ko lang din napansin ang mga namumugtong mata ng mga taong napatingin sa akin sa pagdating ko. May ilan ang malungkot na ngumiti ng makasalubong ko ng tingin ngunit mayroon din ang tiningnan lang ako ng masama. Katulad na lamang ng babaeng kaharap ko na ngayon.
"How dare you show your face in front of everyone huh?!" Nanggagalaiting saad nito habang patuloy na nakatitig sa akin ang galit at masamang tingin nito sa akin. Napatungo na lang ako sa kaba at hiyang nararamdaman dahil sa atensyong nakukuha.
"What are you saying? Actually ganyan din ang sinabi mo sa akin nung nakaraan pero wala naman akong naintindihan." Mahinahong saad ko dito ngunit bawat salitang lumalabas ata sa bibig ko ay nagti-trigger sa galit na nararamdaman niya.
"Stop acting like your so innocent when in fact you just doesn't want to faced the reality!" Hindi ko alam kung paano niya nagawang isabay sa pagsigaw ang pagkawalang gana sa boses nito. It's like she's frustrated and tired at the same time. It also seems that she wanted to let her anger go but she still wants to hold herself from doing it. I experienced doing that so i already knew how hard it is.
Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganito na lang kagalit ang nararamdaman nito sa akin at kung ano ba ang nangyari dito. Bakit lahat 'ata ng makita ko, pag hindi umiiyak ay katatapos lang umiyak. Their eyes are still swollen and it cant deny the fact that they cried a lot. Ngunit sa anong dahilan? Bakit pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan sa mga namumugto nilang mga mata.
"Ano ba talagang nangyari? Why does everyone seems to cried a lot? Why are you mad at me? Even those persons i don't know and i never really met seems mad at me based on their stares. Pero bakit? Enlighten me please? I- i don't know w-what's happening h-here." Nauutal na saad ko at sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay nasalubong ng seryoso kong mga mata ang masama nitong tingin.
"H-hindi mo alam? Huh! Eh paano mo nga ba malalaman kung ilang beses mo lang naman siyang i-ipinagtabuyan." Sarkastikong saad nito ngunit hindi nito napigilan ang pagkabasag ng boses sa pagsasalita. Maya-maya lang ay sunod sunod ng naglandas ang mga luha sa mga mata nito. She looks like a miserable girl who lost the most precious thing she have. Hinayaan ko lang itong umiyak sa harapan ko dahil hindi ko alam kung paano ko ito ico-comfort sa mga oras na 'to. Isa pa ay wala talaga akong idea sa mga posibleng nangyari kaya hindi ko alam kung ano ba ang mga bagay na dapat kong sabihin upang mapagaan ang kalooban niya.
Ilang sandali lang ay pinunasan na nito ang mukha na basang basa ng luha at muli akong tinitigan ng masama. Her stares are giving me chills. Ramdam ko ang magkahalong lamig at galit sa mga titig nito bagaman hindi ko direktang masalubong ang mga mata nito. Narinig ko pa ang ilang ulit nitong pagpapakawala ng malalalalim na buntong hininga na animo pinapakalma ang sarili bago muling tumunghay sa gawi ko. Her expression is a bit calmer than earlier. Mukhang nakatulong ang paghingang ginawa nito kanina para mapakalma ang sarili.
"You wanna know what happened? Then brace yourself dahil ipapakita ko sayo kung ano ang nangyari." Mariing saad nito bago nagsimulang maglakad patungo sa hindi ko alam kung saan. Sinenyasan naman niya akong sumunod sa kanya at agad din naman akong tumalima.
Bawat hakbang ko ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. May marathon ba ngayon at tila nagkukumahog sila sa pagtakbo sa dibdib ko. Isa, ramdam na ramdam ko ang mga maririing titig ng bawat taong nadadaanan namin habang papasok sa isang pintuan. Dalawa, hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo para lang maiwasan ang mga titig ng mga ito sa akin. Tatlo, pangatlong hakbang. May natitira pa akong huling hakbang bago makapasok sa pintuan. Hindi ko alam kung ano ang maaaring madatnan ko sa loob ng pintuang 'yon ngunit may konting ideya ang pumapasok sa isipan ko, pero kahit kailan ay hindi ko pahihintulutan ang ideyang 'yon na maghari sa isipan ko hangga't hindi ko nakikita ang totoo. Isa, dalawa, tatlo... hooh! This is it! Wala ng atrasan.