Chapter 5

6 2 0
                                    

Ang pag-e-enjoy na inaasahan ko ay biglang nagbago. Hindi ko akalaing magagawa niya 'yong bagay na 'yon. Siguro nga ay nagkamali na naman ako nang napagkatiwalaan.

"Oh Kyla, nasaan na ang tagapagtanggol mo? Iniwan ka na no? Boring ka daw kasi," pangaasar sa akin ni Estella isang araw na nakasalubong ko siya. She really knows how to ruin my mood every single days. Akmang magsasalita na ako para barahin siya ng makasalubong ng mata ko ang mga tingin ng isang babaeng naglalakad papasok. Iniiwas ko na lang ang paningin ko sa kanya at saka bumaling sa taong kausap. "Wala akong tagapagtanggol. And i don't care about her, so can you please move aside dahil naiirita ako sa mga pagmumukha niyo." Bago ako tuluyang umalis ay napatingin muli ako sa babaeng nagmamasid sa amin sa malayo. I stared back at her glaring eyes at dito ko nakita ang sakit na bumabalatay sa kulay tsokolate nitong mga mata. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata nito na tila hindi nakakatulog ng maayos. Bago pa man ako balutin nang matinding pag-aalala ay iniiwas ko na ang paningin sa kanya at akmang magpapatuloy na sa paglalakad ng bigla kong marinig muli ang tinig ni Estella.

"Heto na pala ang reyna eh. Ano? Ang saya mo na siguro ngayon no? Sabi ko naman kasi sayo eh, masayang magpakalat ng sikreto ng ibang tao." Natatawang saad nito at kahit hindi ako nakatingin ay nararamdaman ko ang mga titig na ipinupukol sa akin ng isang tao. Naramdaman ko naman ang unti-unting pangingilid ng mga luha ko kaya nagmamadali akong umalis sa eksena at nagtungo sa girls restroom. Nang mawala na sa paningin ng mga tao ay dito na dire-diretsong nagbagsakan ang mga luha ko. Ang bigat sa dibdib na nararamdaman ko simula kanina nang magtama ang aming mga mata ay idinaan ko sa pag-iyak. I still can't believe na magagawa niya akong traydorin. Tanging siya lang ang nakakaalam nang sikreto ko at siya lang ang napagsabihan ko nito kaya wala nang pwede pang magpakalat nito kung hindi siya lang. Pero masakit eh, sa loob ng ilang taon ay wala akong ibang pinagkatiwalaan. Hindi ko hinahayaang may ibang taong manghimasok sa buhay ko. Pero nang dumating siya ay nagbago ang lahat. Nagawa kong muli ang magtiwala at maging masaya. Sa isa pang pagkakataon ay naranasan ko ang pakiramdam nang magkaroon ng isang mabuting kaibigan—O ng inakala kong isang mabuti at totoong kaibigan. Pero ang lahat ng 'yon ay isa lamang palang pagpapanggap. Lahat ng mga sinabi at ipinakita niya ay isa lamang malaking kasinungalingan.

Unti-unting bumabalik sa akin ang mga pangyayari three years ago. Ang mga masasakit na salita at pangyayari na muling naungkat dahil sa isang malaking pagkakamaling nagawa ko—ang pagkatiwalaan siya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanginginig ang katawan ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman, nang biglang bumukas ang pintuan ng cr na pinasukan ko. Dito ay nasilayan kong muli ang mukha nang taong naging dahilan kung bakit muli akong sumaya—at lumuha sa muling pagkakataon. Ang sakit na nararamdaman ko kanina ay mas lalo atang lumala nang makita ko siya ng malapitan. Tahimik lang kami at tinititigan ang mata ng isa't-isa. Walang nangahas na magsalita sa aming dalawa pero mararamdaman mo ang tensyon na nag-uumpisa ng mabuo sa pagitan namin. Muli na namang nanlabo ang aking paningin dahil sa mga luhang nagbabadya na namang pumatak. Unti-unti nang nanghihina ang aking mga binti at tuluyan na akong napaupo sa sahig na hindi tinatanggal ang paningin sa mata nito. Nakikita ko naman ang magkahalong awa at sakit sa mga mata nito pero i know better now. Hindi na ako maaring magpaloko sa mga mata at kilos niya. Dahil ngayon ay alam ko na ang intensyon niya para iligtas ako at kunin ang tiwala ko. I shouldn't have trusted her—or even anyone in the first place, pero nagpadala ako sa mga ipinapakita niyang kabaitan at malasakit eh. In the end ay ako pa rin pala ang talo. Ako ang naloko at muling nasira dahil sa pagtitiwalang ibinigay ko sa kanya.

Nananatili pa rin akong nakatitig sa mga mata niya habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. Siguro ay pinagtatawanan na niya kung gaano kamiserable ang itsura ko ngayon. "Bakit—i breath deeply para mawala ang panginginig ng boses ko—bakit mo nagawa 'yon?" Hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanya at nag-iwas lamang ito ng paningin sa akin nang hindi sinasagot ang tanong ko. Nanatili lang itong tahimik at panaka-nakang sumusulyap sa akin. "Bakit mo ginawa 'yon" mahinahon ko pa ring tanong sa kanya ngunit mababakas mo ang pait sa tono ng pananalita ko.

Nananatili pa rin itong tahimik at walang kibo. Hindi na rin nito nagawa pang tumingin sa gawi ko at nanatili lamang itong nakatungo. "Bakit mo sabi ginawa 'yon! Bakit—pinagkatiwalaan kita eh." Dito na  pumiyok ang boses ko at muling umagos ang mga luha sa pisngi ko. Dito na siya muling tumingin sa akin at nakita ko ang namumula nitong ilong at mga mata dala ng pag-iyak.

"Hindi—hindi ko magagawa 'yon-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil alam kong magsisinungaling lang din naman siya. "Tama na! Tama na please? Pwede bang kahit ngayon lang, kahit ngayon lang magpakatotoo ka naman sa'kin" hinihingal na saad ko at hindi ko na muling hinayaan ang sarili kong mapatingin muli sa mga mata nito. Nakakatakot kasi na baka muli na naman akong madala at tuluyan na namang mapaniwala sa kasinungalingan niya. She's indeed a great pretender, ni hindi ko man lang naramdaman na nagsisinungaling siya sa akin kahit isang beses. Mukha kasi siyang totoo eh, lahat ng sinabi niya ay mukhang makatotohanan. Pero sa huli ay kasinungalingan lang din pala.

Mapait akong tumingin sa kanya na ngayon ay lumuluhang nagmamaka-awa sa akin at paulit-ulit na sinasabing hindi niya magagawa ang isang bagay na kagagawa niya lang. "Pwede ba Ashley, kung inaakala mong mapapaniwala mo pa akong muli sa mga kasinungalingan mo ay tumigil ka na... dahil HINDI! Hinding hindi mo na ako muling mahuhili sa mga bitag mo." Dahan-dahan naman itong lumapit sa akin at desperadang lumuhod sa harapan ko. "Ky- gagawin ko ang lahat. Nakikiusap ako, sabihin mo sa akin ang dapat kong gawin para paniwalaan mo lang ako." Nanginginig ang boses na saad nito sa akin. Ang dating matapang at seryosong Ashley ay hindi mo na makikita sa ngayon. Ang makikita mo na lang ngayon  ay ang isang mahina at desperadang babae na nagmamakaawang wag siyang iwan. Pero hindi na ako muling magpapadala sa mga ka-dramahan niya, dahil alam kong isa na naman ito sa mga pakulo niya para muling makuha ang simpatya ko.

"Stop it you selfish bitch. Kahit anong gawin mo ay hindi mo na ako muling madadala sa mga kasinungalingan mo."

P A G S I S I S ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon