Ilang araw na ang nagdaan at halos mag-iisang linggo na, hindi pa rin pumapasok si Ash. Nagsisimula na din akong mag-alala sa kanya. Kahit hindi naman magkalayo ang bahay na tinutuluyan namin ay bihira ko na din siyang makita—o mas dapat 'atang sabihin na hindi ko na siya muling nakita pa kahit isang beses. Hindi ko naman magawang dalawin ito dahil nakikita ko pa lang ang bahay nila sa malayo ay pinanghihinaan na ako ng loob. Nakakapagtakang hindi man lang ito lumalabas o di kaya naman ay pumapasok sa school. Sa pagkakaalam ko ay sobrang mahalaga para dito ang pag-aaral dahil minsan na niya itong ipinagsawalang-bahala. Her elder sister does the same at base sa naging kwento niya ay napariwara lang ang buhay nito. But luckily, naayos din naman—although maaga nga lang itong nagkaroon ng anak matapos mabuntis at takbuhan ng dati nitong boyfriend.
Pero ang pinaka-nakakapagtaka para sa akin ay kung bakit hindi na muling naitanong ng mga teachers lalong-lalo na ni Ma'am Jasmine ang matagalang pagkawala nito.
'Nadala lang ako sa nangyari sa isang estudyante na namatay dahil sa sakit na matagal na pala niyang patagong iniinda'
'Ipinagpaalam na kasi ng mga magulang nito na 'wag na lang ipagbigay alam sa buong school ang nangyari sa kanya. Inabisuhan lang nila kami para hindi na namin hanapin pa ang bata'
Hindi ko maintindihan ang kabang biglang umusbong sa dibdib ko ng maalala ang mga sinabi ni ma'am Jas noong nakaraan. Ang bigat ng dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko ay nasu-suffocate ako sa paligid kahit mag-isa lang naman akong nakaupo dito. Napaka-peaceful tingnan ng paligid at maaliwalas ang hangin ngunit tila kinakapos ako ng hininga sa pagiisip ng mga posibleng nangyari. Ayokong mag-overthink. God knows how much i doesn't want to overthink about it, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Para bang mayroong sariling isip ang katawan ko at ito ang sinusunod nila.
Namalayan ko na lang na nasa harap na ako ng isang maliit na balon na napapalibutan ng makukulay at magagandang mga bulaklak at halaman. It's really so peaceful here pero tila nagwawala ang puso ko sa kabang nararamdaman. Napatungo ako sa balon at nakita kung gaano kalinaw ang tubig nito. But what caught my attention is the single drop of tears flowed from my face down to the water. Hindi ko na namalayan ang pamumuo ng luha at ang pagumpisang pagtulo ng mga ito sa mata ko. Ang naaalala ko na lang ay nag-aalala ako sa mga posibilidad na maaring sa kaibigan ko—sa nag-iisang totoong kaibigan ko. And with that thought, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko sa muling pagtulo ng mga luha sa mata ko. Tila nakikipagkarera ang mga ito sa isa't isa at naguunahan sila sa pagtulo sa mga mata ko.
I don't really wanted to think about it at ayokong tanggapin kung sakali man na ganoon nga ang nangyari. I can't. I just can't.
Kasalukuyan akong nakatayo sa gitna ng napakagandang hardin ngunit tila isa akong nilalang na nagluluksa sa pagkawala ng mahal sa buhay kung titingnan mo sa ngayon. Im almost drowned by my tears, emotions and my thoughts when someone just appeared and held me on my shoulders.
"You must be Ky," a man told me then she handed me a piece of paper wearing a sad smile, "she wants me to give it to you just in case she can't make it. Please brace yourself iha, i'll get going." Muling saad nito bago ako nito tinalikuran.
"Sandali lang po!" Sigaw ko dito ng akmang lalayo na ito sa akin, "kanino po nanggaling ito?" Tanong ko dito ngunit nilingon lamang ako nito nang isang malungkot na ngiti bago muling tumalikod at naglakad papalayo sa akin.
Pero bago pa man ito tuluyang mawala sa paningin ko ay muli itong nagsalita. "She told me not to tell you this but i guess seeing you this miserable made me do it. If you wants to see her even just for the last time... then you must come with me," hindi man nito nabanggit kung sino ang tinutukoy niya ay tila nakilala na ito ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit nagtitiwala ako sa sinabi nito at sumama ako sa kanya kahit hindi ko siya kilala. But one thing is for sure, nagtitiwala ako sa sinasabi ng puso ko. Alam ko din naman na hinding hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya nakikita kahit isang beses man lang.
Habang naglalakad papalapit sa destinasyon ay hindi ko mapigilan ang kabang nararamdaman ko. Makikita ko lang naman siya ah? Makikita ko na ulit siya pero bakit iba ang kabang nararamdaman ko ngayon. Naiiyak ako sa tensyong nararamdaman ko sa dibdib ko. Natatakot ako sa maaari kong makita o madatnan kahit alam ko naman na siya lang din ang makikita ko. Pamilyar sa akin ang daang tinatahak dahil ito ang daan papunta sa subdibisyon na parehong tinitirhan namin. Ngunit hindi katulad ng ibang subdibisyon ay hindi mga mayayaman ang nakatira dito, siguro ang ilan ay nakaaangat sa buhay ngunit hindi kasing yaman ng sa ibang subdivision na talagang pang high class ang datingan.
Habang papalapit sa bahay nila ay may napansin akong tila kakaiba. Tila mas marami 'atang tao ngayon dito unlike noong mga panahon na nakakasama ko pa siya palagi. Habang naglalakad ay palingon-lingon lang ako sa paligid at hindi ko napansin na may makakasalubong na pala ako kaya nabangga ko ito. "Pasensiya na po, hindi ko sinasadya." Saad ko dito ngunit hindi man lang ako nito nilingon at nagtuloy tuloy lang ito sa paglalakad papalayo sa bahay. Ngunit may isang bagay akong napansin ng magkabunggo kami kanina. Umiiyak ito.
Dahil sa kuryosidad na nararamdaman ay muli ko pang inilinga ang paningin sa paligid ng bahay hanggang sa mapadako ang paningin ko sa taas na bahagi na bahay. Gulat akong napatingin dito at tila hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa ng makita ko ang isang pamilyar na mukha na muling bumuhay sa kabang nararamdaman ko kani-kanina lamang.
