Chapter 7

5 2 0
                                        

Matapos ang mga pangyayari kahapon ay nakaramdam ako ng paninibago sa pakikitungo niya. Hindi na ito lumalapit sa akin. Hindi na niya ako tinitingnan kahit pa nagkakasalubong kami sa daan. At hindi na niya ako sinusundan at kinakausap ulit. Nakakatawa lang dahil ako naman ang humiling nito sa kanya, pero ako itong naninibago at nalulungkot nung sinunod niya.

"Bakit kasi kailangang maging ganito ng sitwasyon eh," bulong ko sa aking sarili. Im just staring silently at the calm blue sky. Naaalala ko kung gaano siya ka kalmado at kaganda habang pinagmamasdan ko ang ulap. Tila hinahatak ako nito para pakalmahin at patuluin ang mga luha ko at the same time.

Nami-miss ko na siya ng sobra, pati ang mga pinagsamahan naming dalawa. 'Yung pagiging tahimik at masungit niya madalas na nagiging malambing at baliw kapag nalulungkot ako. "Damn, i missed her so much" saad ko sa nanginginig na boses. Hindi ko na nga namalayan na umiiyak na pala ako eh.

"Nakakatawa no," napatingin ako sa isang babaeng nagsalita sa tabi ko. Payat ito at maputi, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, mapupula ang mga labi at makapal ang kilay. Mahaba ang buhok nito at maamo ang mukha ngunit may higit pang nakakuha ng atensyon ko bukod dito. Para bang nakita ko na siya o may kamukha siya pero hindi ko matandaan kung sino at saan ko nakita. Natigil lang ako sa pagiisip ng marinig ko ang mahina ngunit sarkastikong tawa nito.

"Bakit ka umiiyak?" Saad nito at tiningnan ako na para bang sinasabing 'ikaw naman ang may kasalanan kaya ka nagkakaganyan ngayon kaya 'wag kang umiyak',

"Alam mo... hindi niya deserve ang mga nararanasan niya ngayon," saad nito sa malamig na boses, "nevermind, wala na din namang mababago kahit sabihin ko pa 'to---sabi nito habang diretsong nakatingin sa akin ang malamig nitong mga mata---but remember this, naging totoo siya sayo pero it's your choice to not listen" pagkasabi nito ay tumayo ito mula sa pagkakaupo sa tabi ko at naglakad palayo.

Pero hindi pa ito tuluyang nakakalayo ng tumigil ito sa paglalakad at muling tumingin sa direksiyon ko. "Remember my name, i'm Wavery Lopez. Alam ko na soon magkikita at magkikita ulit tayo" saad nito sa malamig ngunit malungkot na tono bago tuluyang umalis sa harapan ko. Tila binalot ng katahimikan ang paligid nang makaalis ang babae. Ang kaninang lungkot at pangungulilang nararamdaman ko ay nadagdagan ng takot at pangamba sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Dahil lang siguro ito sa mga sinabi niya.. oo, 'yon nga lang ang dahilan" pagpapagaan ko sa sariling nararamdaman ngunit mas lalo ko lang 'atang naramdaman ang takot. Siguro nga nasanay na akong kasama si Ash kaya ako nagkakaganito. Pero bakit nga ba hindi ko na lang siya kausapin diba? Maybe mabibigyan niya ako ng valid reason kung bakit niya nagawa 'yon kapag kinausap ko na siya. Baka mababawasan na ang pago-overthink ko at mas malinawan na ako kapag nagpaliwanag na siya.

Im still hoping na maaayos pa din namin ang pagkakaibigan namin. She's the kind of friend i never wished to have pero ibinigay. Masungit at tahimik lang 'yon madalas pero napakaswerte ko dahil naging kaibigan ko siya. She's the most understanding person i'd ever met in my entire life. At kung pagiging tanga ng matatawag ang gagawin ko, then im willing to be called a fool. Ayoko ng magpadalos-dalos ng desisyon.

Naglalakad ako ngayon pauwi ng bahay ng mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na pigura ng isang tao.

'Is that wavery?' Anas ng utak ko habang pinagmamasdan ito. Aligaga itong naglalakad at parang kaunti na lang ay mawawala na ito sa katinuan. Sa itsura nito ngayon, sa palagay ko ay mayroong nangyaring hindi maganda. Pabalik-balik itong naglalakad sa may gilid ng kalsada na malapit sa tinutuluyan ko habang pabalik-balik ang tingin sa relo at cellphone nito. Ilang sandali pa ay umilaw ang cellphone nito senyales na may nag-text o tumatawag dito. Halos hindi ito magkamayaw sa pagpindot sa cellphone nito at muntik pang malaglag kung hindi lang ako naging maagap at nasalo kaagad ito. Bahagyang tumingin sa akin ang malamlam nitong mga mata ngunit agad ding umiwas at dali-daling kinuha ang cellphone para sagutin ang tawag.

"How is she?!" Aligasgas na tanong nito sa kabilang linya. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nito at hindi ko na din  narinig ang sinabi ng kausap nito. "N-no! You're just kidding... r-right?" Saad nito sa nanginginig na boses at dito na nagsimulang mag-unahan sa pagtulo ang mga luha nito.

"No, n-no... no.. please tell me yo-you're.. you're just---she stops to take a breath---you're just kidding right?" Umaasang saad nito. "Hindi pa siya patay diba? Sabihin mo sa'kin na prank lang 'to katulad ng dati... i wouldn't be mad, just tell me it's just... a prank" pahina ng pahina ang boses na saad nito.

Ilang segundo lang at tila bigla itong nanghina at nawalan ng balanse ang katawan at tuluyan na itong napaupo sa lupa habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata. Kung pagmamasdan mo siya ngayon ay mukha itong nakakaawa. Para siyang isang batang naiwan ng kanyang mga magulang sa isang lugar na hindi siya pamilyar at wala siyang kakilala maski isa. Habang pinagmamasdan ko siyang umiiyak na nakahandusay sa sahig ay may kabang umusbong sa dibdib ko. There's no exact reason why i felt this basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako and at the same time ay kinakabahan habang pinagmamasdan ko siya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat, "sshhh.. everythings gonna be fine" pampalubag loob ko dito ngunit tinabig niya lang ang kamay ko at tinitigan ako ng masama. "Stop acting like you really care. You know what... just get lost. Wag mo 'kong pakialaman dahil di ko kailangan ng pake mo"

Tila may tumusok sa dibdib ko ng marinig ko ang mga salitang 'yon mula sa kanya. Ganon pala kasakit kapag nasabihan ka ng hindi ka kailangan ng isang tao no? In my case, doble 'yong sakit dahil nasabi ko din 'yon sa isang taong importante sa akin. I don't wanna imagine what she felt that time and i wanna beat myself for hurting her. For hurting my bestfriend.

"Don't you dare show your face to me ever again! I will never ever forgive you.. and remember that!" Sigaw nito bago nagmamadaling nanakbo papalayo sa akin. Sa tono ng boses at pananalita nito ay masasabi kong may halong galit ang mga sinabi nito. Ngunit bakit? Ano bang nagawa ko? Ano bang kasalanan ko?

P A G S I S I S ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon