Chapter 2

8 2 0
                                    

"What is friendship?"

Yan ang mga katanungan na kasalukuyan naming tinatalakay sa ESP. Iginagala naman ng aming guro ang kanyang paningin at bahagyang tumigil ng mapatingin sa direksyon ko. Nasalubong ko naman ang mga mata nito ng ilang segundo at akma na sana akong magiiwas ng tingin ng nauna na siya at saka tinawag ang babaeng nakaupo sa may likuran ko.

"Friendship? Para sa akin po ito po 'yong tipong hindi kayo mag-iiwanan anuman ang sitwasyong kakaharapin niyo. Hindi lang po sa masasayang sitwasyon kundi pati sa mga kalungkutan at kasawian ng bawat isa. Real friends stays with you not just in happiness but also in worst moments." Proud na sagot naman nito sa katanungan ng aming guro.

Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako sa mga tinging ipinupukol sa akin ng aming guro pagkatapos sumagot ng isa kong kaklase. I felt really bothered about it at hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan. Mabuti na lamang at makalipas ang ilang minuto ay tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng classroom ng makita kong bumalik ang teacher namin sa lamesa dahil may naiwan itong gamit niya. Muli, sa pangatlong pagkakataon ay tinitigan na naman ako nito na lalong nakapagpadagdag sa kabang nararamdaman ko.

"Iha, magiingat ka sa mga desisyong gagawin mo," saad nito at binigyan ako ng isang makahulugang tingin bago umalis. Naiwan naman akong tulala at parang nakikipagkarera ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

Nabalik naman ako sa reyalidad at bahagya pang napaigtad ng may mga kamay na humawak sa balikat ko. Paglingon ko ay nasalubong ko naman ang maamong mukha ni Ash na nakangiti sa akin. She looks like an angel smiling at me as of the moment. Sinuklian ko naman ito ng isang tipid na ngiti at sabay na kaming lumabas. Ilang beses kong napapansin ang mga pasimpleng sulyap nito sa akin at ang pagkunot ng noo nito sa tuwing nag iiwas ng tingin.

"What happened? You looked bothered," nagtataka at nagaalalang saad nito. Ramdam kong kanina pa niya ito gustong itanong, siguro ay nararamdaman na niya ang pagiging balisa ko simula kanina ng lumabas kami ng classroom.

Nginitian ko naman ito bago ako nagsalita. "Wala naman. Pagod lang siguro 'to" tanging isinagot ko na lang para hindi na ito mag alala pa sa akin.

Sa mga titig nito ay para bang sinasabi niyang hindi pa rin siya kumbinsido sa naging sagot ko ngunit hindi na din naman ito nang-ungkat pa at tumahimik na lamang. Marahil ay nahalata na niyang hindi ko ito gustong pagusapan.

Tahimik lang kaming naglalakad ng mapadaan kami sa hilera ng mga nagtitinda ng street foods na kung tawagin nila ay night market. Napangiti naman ako ng mapansin ang nakahilerang tuhog ng isaw sa isang stall na malapit sa amin. Nakangiti naman akong nagbaling ng tingin sa kasama at saka ko hinawakan ang kamay nito at hinila ito palapit doon. Hindi naman ito nagpapilit at kusa na ding sumama sa akin palapit sa tindahan.

"Hello po kuya. Magkano po sa isaw," nakangiting bati ko kay manong na may-ari ng stall na nilapitan namin. Bahagya din naman itong ngumiti pabalik sa amin, "five pesos ineng ang isang tuhog."

Kumuha naman ako ng one hundred pesos sa bulsa at ibinigay iyon lahat kay manong. Pero siyempre hindi naman purong isaw lang ang binili ko. Bumili din ako ng dalawang cup ng chicken skin, apat na barbeque at dalawang palamig. At yung natitira ay puro isaw na 'yon. Matakaw akong kumain ng street foods pero sabi nila ay hindi daw ito healthy kaya hindi ako palaging kumakain nito. Mga nakakadalawa o tatlong beses lang sa isang linggo.

Nang makitang luto na ang lahat ng binili namin ay iti-nake out na lang namin ito at dinala sa malapit na park. Sariwa lang ang hangin dito sa ganitong oras kaya masarap tumambay at magpahinga. Umupo naman kami sa isang bench at ipinatong ko muna ang mga binili namin kanina bago ito hinati at saka kami nagsimulang kumain. Nagkukwentuhan lang kami ng mga kalokohan habang kumakain ng biglang mapunta sa seryosong usapan.

"Bakit nga pala hindi ka nakikipagkaibigan sa school?" Kuryosong tanong nito sa akin. Alam ko naman na maitatanong at maitatanong niya ito sa akin kung kaya't hindi na ako nagulat ngayon.

"Meron kasi akong kaibigan noon, sobrang mahal ko 'yon at pinagkatiwalaan pero sa huli ay siniraan niya lang ako sa pamilya at ibang tao." Nakakalungkot alalahanin ang mga nangyari sa nakaraan. Sa loob ng tatlong taon ay namumuhay na lang akong mag-isa at hindi umaasa sa tulong ng ibang tao. Hindi na ako muling nakipagkaibigan at itinakwil na din ako ng sarili kong pamilya. Magmula noon ay natuto akong kumayod para mabuhay at makapag-aral.

Nakita ko naman na bahagya itong nalungkot at napatungo. Nang silipin ko naman ang mukha nito ay nagulat ako ng makitang may mga luhang tumutulo galing sa mata nito. Napasinghap pa ako ng tumingala ito at nagtama ang aming paningin. Naguunahan sa pagtulo ang mga luha nito kaya nagalala na ako sa kanya.

"Anong nangyari? May nasabi ba akong mali? May masakit ba sayo? Ano? Sabihin mo sakin please," natatarantang saad ko dito na sinuklian naman nito ng mahina ngunit ramdam kong halos pilit na tawa lamang kaya mas lalo naman akong nagalala dito. Umiling naman ito sa akin bago pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang likod ng kamay. Matapos nitong masiguro na wala ng tumutulong luha ay 'saka pa lamang ito muling humarap sa akin at binigyan ako ng isang marahang ngiti.

"Huwag kang mag-alala.. hangga't- n-nabubuhay ako ay hindi ka na mag-iisa." Nakangiting saad nito at ramdam ko ang pagiging sinsero nito sa sinabi. Binalot naman ng tuwa ang puso ko sa narinig mula dito kung kaya't hindi ko na napigilan pa ang sarili na lumapit at yakapin ito. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napaiyak, hindi na dahil sa lungkot o sakit kundi dahil sa saya dahil nagkaroon akong muli ng taong masasandalan sa oras ng kalungkutan at makakasamang magcelebrate sa oras ng kasiyahan.

P A G S I S I S ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon