"Kelan ka ba titigil sa pagsunod sa'kin ha?" Anas ko dito gamit ang naiinis na tono. Tumingin naman ito sa akin at bahagyang ngumiti, ngunit nababasa ko ang lungkot at sakit na nakabalatay sa mukha nito. She cleared her throat once again before she speak, "kapag patay na ako."
Natigilan ako sa narinig na sagot mula rito. Tila may pumukpok ng martilyo sa aking dibdib na may kasamang maliliit na karayom na unti-unting tumutusok dito. Hindi ko na alam ang dapat na maramdaman, nagagalit ako dahil sa mga ginawa niya pero aaminin kong dahil sa narinig na sinabi nito ay napagtanto kong hindi ko din pala kayang mawala siya. Bahagya akong tumikhim bago muli itong inirapan. I suddenly felt uncomfortable because of her answer. Pakiramdam ko ano mang oras ay maaari siyang mawala. Sa halip na isipin ang sinabi nito ay nagpatuloy na lang ako sa pag-lalakad. Hindi ko na din naman siya pinigilan dahil parehas lang kami ng daang tinatahak, patungo sa room. Ramdam ko naman ang pagsunod ng mga mata ng bawat estudyanteng nadadaanan namin at ang pagbubulungan ng mga ito.
'Tch.. bakit ba ang hilig nilang magbulungan pero naririnig naman ng iba ang dapat ay 'bulong' na ginagawa nila'
I almost rolled my eyes upon hearing those 'loud whispers' about us. Pero hindi ko na ang mga ito pinatulan pa kahit nakakabingi silang pakinggan. I'll just waste my time and energy kapag ginawa ko 'yon.
At kung minamalas ka nga naman... mula sa pwesto ko ay bigla kong natanaw ang grupo ni Estella na nakatambay malapit sa may hagdan papunta sa room namin. At katulad ng nakasanayan, bigla na lamang itong lumingon sa gawi ko na animo'y isa akong magnet at nahahatak ko ang pakiramdam niya. I can see how she smirked evily ng makita nito kung sino ang nasa likuran ko.
"Well well well, what a nice scene" anas nito na mababakas ang pang-uuyam sa tono ng pananalita. Mula sa pagtingin sa akin ay lumipat ang mga mata nito sa taong nasa likuran ko. She smiled wickedly while looking at her. "O'wow! Kinakaya mo pa rin talagang sumunod-sunod sa kanya despite of what you did huh,"
Hindi ko ito narinig na nagsalita kahit isang beses para ipagtanggol ang sarili mula sa pangbabatikos ng iba. She rather smiled weakly at them or just stayed silent and listen to their sentiments. Hindi ko nga alam kung manhid na ba siya o wala lang talaga siyang pakialam. I sighed at the back of my mind at nagtuloy na lang sa paglalakad. If i payed them attention, then magsasayang lang ako ng energy at laway sa kanila.
I still heared them talking---Estella rather---kahit nakalayo na ako sa kanila. "Ang galing mo din umarte no? You still looked so innocent kahit na alam na ng lahat ang ginawa mo." She said, chuckling. Parang gusto ko na lang din matawa sa pag-e-effort niyang magsayang ng oras at laway sa pakikialam sa buhay ng ibang tao. I wanna give her an award too, Best in ruining other's lives award. Ang nakakatawa lang ay salita siya ng salita pero mukhang walang pakialam ang kausap niya. Akmang hahayaan ko na lang sila don ng bigla kong marinig ang boses niya. "Hindi ka ba napapagod na makialam sa buhay ng iba ha Estella?! Kasi ako, pagod na.. pagod na pagod na akong masira ang buhay dahil sa inyo. But yeah, sira na din naman ako bakit hindi ko pa sagarin diba? Maybe next life magiging magaan na ang mundo sa'kin."
Nang marinig ko ang mga yapak niya paakyat ay 'saka pa lang ako nagtuloy sa paglalakad papunta sa room. Bigla namang tumahimik ang paligid ng tumapat ako sa may pintuan. Hindi naman sinasadyang napatingin ako sa bandang gilid ko at dito ko nakita ang babaeng kanina lang ay nakikipag-usap sa baba. I can see horror and fear in her eyes. "Do you perhaps-"
"You doesn't have to be scared if i heared your nonsense conversation or not. It still doesn't matter to me now." Malamig na saad ko habang nakatitig sa mga mata nito bago tahimik na nagtungo sa upuan ko. May iilang mga bulungan pa rin akong naririnig kahit na nasa loob na ako ng classroom. But unlike sa mga naririnig kong mga bulungan sa labas kanina, mild lang ang mga maririnig mo dito sa classroom. Halos hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi nila. Pero nararamdaman ko naman ang mga titig nila sa likuran ko.
Hindi ko na lang pinansin ang mga naririnig na bulungan sa paligid hanggang sa dumating na ang teacher namin sa next subject. Unang dapo pa lang ng paningin ko dito ay nagkaroon na naman ako ng kakaibang pakiramdam. Katulad ng unang beses na magtama ang aming paningin, i can still feel the intensity of his stares towards me. 'Yung mga tinging tila ba nagbababala at pinag-iingat ako.
"Good day class. Alam ko naman na aware kayo na malapit na ang finals and starting today ay bibigyan ko kayo ng task. You must write what you feel towards a person either friends, family, boy/girlfriends, enemies, etc., isulat niyo 'yon for a week at 'saka niyo ibigay sa kanila during weekends. Please note that you have to record it when you gave it to them, then send it to me using messenger."
Samo't-saring reaksiyon at opinyon ang narinig ko pagkasabi ni sir ng requirements niya sa ESP. Aware din kasi ang gurong ito kung gaano katamad gumawa ng written task ang mga kaklase ko, at malamang na ginawa niya itong task na 'to para parusahan na naman kami sa pagsusulat. Siya lang kasi ang tanging teacher na nagbibigay ng mga sulatin sa amin. Naalala ko pa last year, pinagsulat niya kami sa isang buong notebook ng mga mahahalagang bagay na natutunan namin sa subject niya simula first sem. At masasabi kong hindi lang kamay kundi pati na din ang utak ko ay pinadugo nito sa pag-iisip ng mga naging topic namin simula noong una. Hindi naman siya terror since ESP teacher nga siya. I can say na siya 'yong tipong strict pagdating sa mga assignments at tasks pero napakabait at palakaibigan naman niya. Minsan nga lang ay may pagkamisteryoso ito at nakakatakot kausapin dahil sa mga mata nitong tila nangungusap at may gustong ipahiwatig sa'yo.
"Sir paano po kapag negative ang naging feedback ng pagbibigyan namin?" Lakas-loob na tanong ng kaklase kong si Mark, ang tinaguriang hearthrob ng buong ABM-12. Seryoso naman itong tiningnan ni sir at bahagya pa itong napabuntong-hininga bago iginala ang paningin sa buong klase. "Well, you can just send me the screenshot from the video you recorded then you can send that to me. I don't wanna invade anyone's privacy at pwedeng 'yung patunay na lang na ibinigay niyo ito sa kanya o sa kanila---kung marami ang pagbibigyan niyo---ang ipakita niyo sa akin."
"And also, i wanna remind you guys that you should always be aware of the things you decide to do. 'Wag kayong magpadalos-dalos sa mga ginagawa niyo at pag-isipan niyo munang mabuti bago kayo magdesisyon." Mahinahon ngunit nagbababalang saad nito nang muling nagtama ang aming mga mata. Sa buong klase niya ito sinabi ngunit malakas ang pakiramdam kong sa akin niya talaga iyon sinabi.
Hindi ko alam kung bakit may sumibol na matinding kaba sa dibdib ko matapos ipaliwanag ni Sir Mendoza ang requirements niya this grading period, lalo na 'yung huli nitong sinabi. It's like he's always gaving me a warning look and words na mas nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Natatakot na tuloy akong magdesisyon dahil pakiramdam ko magkakamali lang ako.
"Don't be too nervous, im always rooting for you Ky. Goodluck!" Biglang untag naman ng isang babaeng hindi ko maintindihan kung bakit lumalapit pa din sa akin sa kabila ng panlolokong ginawa niya. "I don't believe in luck and im not nervous at all." Malamig na tugon ko naman na nakapagtanggal sa mga ngiti nito at nakapagpatigil dito.
"And please... just please leave me alone. I don't need your encouraging words dahil lalo lang akong nawawalan ng gana. I hope it'll be the last." Pagkasabi noon ay tuluyan na akong umalis at iniwan siyang tulala sa labas ng classroom namin.
__________
Sabi ko sa new year na ako maga-update but yeah, sinipag ako ngayon so hehe hope mag enjoy po 'yung mga nagbabasa ng story ko and thanks for giving my story your precious time<3 Luna appreaciated it a lot!
