Chapter 4

5 2 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas simula ng makilala ko si Ash. It somehow made me feel important and safe kapag kasama ko siya, but im also a bit scared everytime na mag-isa na lang ako. Natatakot akong dumating ang araw na iiwan na din niya ako at lolokohin katulad ng nangyari sa'kin sa nakaraan. Natatakot akong maging masaya dahil baka mas masakit ang maging kapalit.

Life is unfair right? Kung kailan kasi tayo nagiging masaya na doon naman dumarating 'yong mas malaki at mabigat na problema. Habang inaalala ang nakaraan ay hindi ko maiwasang maisip na may naidulot din namang mabuti 'yong mga paghihirap na naranasan ko. It made me became stronger and it molds my life better.

"Ayan ka na naman sa pag-iisip mo," napapitlag ako sa gulat sa bigla niyang pagsasalita sa gilid ko. "'Diba sabi ko naman sayo, you doesn't have to worry anything when you're with me."

Nakangiti ito habang marahang nagsasalita sa harapan ko. Inaamin kong unti-unti na akong nadadala ng mga kabutihang ipinapakita niya. Unti-unti ko na din siyang pinagkakatiwalaan kahit na may takot pa ding naninirahan sa puso ko. Sa loob ng ilang araw na nakakasama ko siya ay nakikita ko kung gaano siya kabuting tao. She rather starved to death than to see someone dying for foods. Minsan ko na din siyang nakitang ipinagtatanggol ang iba naming schoolmates na nabu-bully ng mga sigang lalaki sa school. She somehow reminded me of myself back then---which i already abandoned years ago. She may looks strong and brave on the eyes of other people but for me, she's way softer.

I sighed when i realized that i just stared at her for minutes without responsing to her words. She waved her hands in front of me before she talked, "helloooo, ayos ka pa ba?" Sabi nito habang patuloy pa rin sa pagwagayway ng kamay sa harap ng mukha ko. Natauhan naman ako dahil dito 'saka nabalik sa reyalidad.

I cleared my throat before i speaked, "sorry, okay lang ako... may naalala lang ulit."

I can see how the playful look on her eyes changed with a painful look, but she automatically back it from being playful ng makitang nakatingin ako sa kanya. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nagiging ganun nang dahil sa'kin. It pained me seeing her like that because i, too, mastered the playful look despite the pain growing within my heart. Nasanay na kasi akong malakas ang tingin nila sa akin eh, nasanay akong ako ang sinasandalan nila kapag may problema because they think of me as their older sister.

"Btw, nakita ko kahapon 'yong crush mo na nakatingin sayo, yiieee." Nakita ko kung paano dumaan ang gulat sa mukha niya ngunit hindi ko mapapalampas ang bahagyang pamumula nito na tila napisang kamatis. I slightly chuckled when she automatically cleared her throat para mawala ang kilig na nararamdaman.

Isang bagay na natutunan ko sa buhay base sa experiences ko. When awkward and sad moments are trying to enveloped your conversation, then might as well change the topic. At 'yon nga ang ginawa ko. I just talked about her crush para mabago ang mood ng usapan namin kanina.

"Stop that shit talks. Hindi ko crush 'yung lalaking 'yon no," pilit niyang pinagtatakpan ng pagsusungit ang pamumula ng kanyang mukha.

"You know, you can admit it. Para namang hindi mo 'ko kaibigan niyan eh" seryosong saad ko dito ngunit sa loob loob ko ay natatawa na ako sa pagkakangiwi ng itsura niya para lamang mapagtakpan ang katotohanan. Kung tutuusin ay hindi madaling basahin ang naiisip niya, o kaya naman ay ang mga ginagawa niya, pero siguro ganun talaga kapag parehas kayo nang pinagdaanan. Kahit pa pilit niya pang itago sa'kin ang katotohanan ay unti-unti ko pa din itong nababasa sa mga mata at kilos niya.

"Hindi ko nga siya crush!" Desidido at seryosong saad niya na aakalain mo talagang totoo. Pero dahil isa na sa gawain ko noon ang magpanggap ay alam na alam ko na ang mga galawan niya. "Hayss, fine... crush ko na nga siya, okay na?"

Natawa na lang ako sa pagkairita sa boses niya habang binibigkas ang mga salitang 'yon. "Stop laughing nothing's funny," subalit sa halip na sundin ang sinabi nito ay lalo lang akong napabunghalit ng tawa.

Tinitigan naman ako nito ng masama kaya natatawa man sa itsura niya ngayon ay pilit ko itong pinigilan. Pinagmukha kong seryoso ang aking itsura kahit na halos sumakit ang tiyan ko sa pagpipigil ng tawa.

"Okay, okay im not gonna laugh at you... it's just your cute when blushing" i said and let out a small chuckles. Pero dahil alam kong naiinis na siya sa pang-aasar ko ay automatic na tumigil na ako sa pagtawa. "Anyway, ano nga pala ulit 'yong topic natin sa Mathematics kahapon?"

I can feel how she became tensed ng marinig ang tanong ko. I know that she's smart but a way weaker kapag math na ang pinag-uusapan. She'd rather sleep than solve math problems and equations. "Nang-aasar ka ba, Kyla Micshel De guzman" saad nito sa nagbabantang boses. At kapag ginagamitan na niya ako ng ganung boses ay alam na alam na agad ng katawan ko ang dapat gawin. I run as fast as i can papalayo sa kanya. "No. Sto-p.. im- haha, im not- swe- swear!" Hinihingal na saad ko na may kasama pang pagtaas ng dalawang kamay tanda ng pagsuko. Tumigil din naman siya sa paghabol sakin ngunit kinurot niya ako sa tagiliran sa huling pagkakataon.

"Aray! Namimisikal ka na talaga ah" pagrereklamo ko dito na inirapan lang naman niya. "Di mo na talaga ako lab, sinasaktan mo na 'ko eh" nakangusong saad ko at nakatanggap naman ako ng isang mahinang batok mula sa kanya.

"Ang arte mo ah, anong drama yan? Wag mo 'kong baliktarin dahil hindi 'yon mangyayari" masungit na saad naman nito sa akin kaya napatawa na lang ulit ako. "Bakit ba ang sungit mo ah? Meron ka ngayon no?" Hindi naman ako nito sinagot at nanatili lang itong tahimik. Dito na ako nag-alala sa kanya. She's a talkative person at hindi ito nakakatagal ng hindi dumadaldal, kaya nakakapanibago ang pananahimik at pagiging sobrang sungit nito.

"Okay lang ba Ash?" Tumingin naman ito sa akin at binigyan ako ng isang tipid na ngiti. "Okay lang ako, pagod lang din dahil sa problema sa bahay." Lumapit naman ako dito at marahang tinapik ang balikat nito.

"Just rest if you wanted to. Wag mo kasing masyadong pinapagod at ini-stress ang sarili mo, baka magkasakit ka pa niyan." Panenermon ko naman sa kanya na nginitian lang ulit nito. "Magpapahinga din naman ako, siguro 'pag naayos na ang mga problema, mag-eenjoy na muna ulit ako."

"Much better," saad ko habang nakangiti, "sige na.. tara na sa room at baka dumating na si terror" at sabay na nga kaming nagtungo sa classroom habang nagkukulitan.

P A G S I S I S ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon