"Tumayo ka nga diyan! 'Wag kang lampa kung ayaw mong mas malintikan ka samin"Ganyan ang mga salitang bumubungad sa akin araw-araw tuwing pumapasok ako. Halos nakasanayan ko na nga ang karahasang nararanasan ko sa kamay ni Estella tuwing pumapasok ako sa eskwelahan. It's like she's the living devil in school, na siyang nagpapahirap sa pagaaral ko. Nagpapakabait naman ako pero hindi ko alam kung bakit lapitin ako ng demonyo. At kahit anong iwas ko, nahahanap at nahahanap pa din niya ako.
Kailan ko kaya mararanasan ang mabuhay at makapag-aral ng tahimik, yung walang mga bullies na nagpapahirap ng pagpasok ko sa araw-araw. Palagi ko 'yong pinagdarasal na mangyari. And maybe God heared my prayers the next day.
Papasok na ako sa school bitbit ang isang tambak na mga gamit ko. Nagsabay-sabay kasi ang projects at paperworks ko sa iba't ibang subject kaya ang dami kong dala ngayon. Pagkapasok ko pa lang agad ko ng namataan ang grupo nila Estella sa usual spot nila. Lilihis na sana ako ng daan para makaiwas sa gulo, ngunit mukhang ang gulo 'ata mismo ang kusang nakakahanap sa akin.
"Look who's here, at saan ka naman pupunta?" Saad nito habang nakataas ang mga kilay.
Wala pa man ay nakikinita ko na ang gulong posibleng mangyari. I am silently praying na 'wag niyang mapagdiskitahan ang mga projects ko dahil tiyak na mapapagalitan ako ng profesor namin. Napaka-terror pa naman 'non at hindi ngumingiti kahit isang beses sa mga estudyante niya.
Unti-unti siyang lumalapit sa akin kaya bahagya akong napapaatras sa bawat hakbang na ginagawa niya. Nakita ko ang bahagya nitong pagsulyap sa mga dala ko at ang pamumutawi ng mga ngisi niya na alam kong hinding-hindi ko mapagkakatiwalaan kahit kailan.
"Ang ganda ng dala mo ah? Pwedeng akin na lang?" Halos tumigil na ako sa paghinga habang unti-unti niyang inilalapit ang kamay niya sa project ko.
Dahil sa matinding kaba ay bahagya ko siyang naitulak na ikinagulat niya, maging ng mga nakakita sa pangyayari. Hindi ko naman sinasadya 'yon eh. Natatakot lang talaga ako na baka kung ano ang gawin niya sa project ko.
Dahan-dahan naman itong tumayo at sinalubong ako ng masama niyang titig. Nanginginig na ang mga kalamnan ko habang lumalapit ito na hindi natatanggal ang masamang titig sa akin. Parang naging slow-mo ang pagtaas ng kamay nito sa paningin ko. Ilang pulgada na lang ang layo ng mga palad nito sa mukha ko kaya naipikit ko na lang ang mga mata ko at hinintay na lang ang paglapat nito sa pisngi ko. Ngunit ilang segundo na ang lumipas ay wala akong naramdaman na kahit ano. Iilang bulungan ang naririnig ko pero hindi ko naiintindihan ang pinaguusapan nila. I even heard gasps from the crowd kaya marahan kong iminulat ang mga mata ko. Una kong napansin ang takot sa mata ng mga alipores ni Estella habang nakatingin sa babaeng sumalag sa sampal na dapat ay sa akin.
"Long time no see Estella hindi ka pa rin talaga nagbabago," nakangiti man ay mahahalata mo ang pagiging sarkastiko sa pagsasalita nito.
Dumaan naman ang inis sa itsura ni Estella pero makikita din ang takot sa mga mata nito.
"At mukhang n-nagbago ka na, ki- kinakalaban mo na ako ngayon" bagaman sarkastiko ang pagkakasabi nito ay hindi niya naiwasan ang pagkautal sa boses niya.
Biglang naging tahimik ang kanina ay maingay na paligid at lahat ng mga mata ay nakatuon na lang sa dalawang babaeng naguusap. Animo'y isa silang palabas at napaka-intense na eksena ang kanilang inaabangan. Halos manlaki ang mga mata ko nang biglang tumingin sa akin ang babaeng kausap ni Estella. Hindi ko siya kilala at hindi ko pa siya nakikita sa loob ng school noon, siguro ay isa itong transferee.
Dahan-dahan naman itong naglakad papunta sa direksiyon ko kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nagpapawis na din ang kamay at noo ko habang pinagmamasdan ko ang bawat hakbang niya.
Nang makarating sa harapan ko ay bahagya itong ngumiti sa akin at bigla namang nawala ang takot na nararamdaman ko sa simpleng ngiti niyang 'yon. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinila ako palayo sa grupo nila Estella.
Nang makalayo na kami ay tumigil ito sa paglalakad at tiningnan ako sa mga mata.
"Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" Bakas ang pagaalala sa mga mata nito kaya bahagya akong napangiti bago umiling.
Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa hiyang nararamdaman. Ito ang unang beses na may nangahas na tumulong sa akin at humila paalis mula sa mga kamay ni Estella. At natutuwa akong dumating siya kanina dahil baka kung ano na ang nagawa nila sa akin. Nagmamadali pa naman ako dahil kailangan ko nang maipasa ang project ko kay Sir Antonio-- oh shoot!
Napasulyap naman ako sa wrist watch ko at nakitang malapit ng mag-time. Agad naman akong bumaling ng tingin sa kanya at bahagyang hindi na mapakali. Napansin niya naman agad ito at tinanong ako kung anong problema.
"Sorry kasi-- ano- magpapasa pa kasi ako ng project kay Sir Anton eh," nakayuko kong saad sa kanya.
Ngumiti naman siya sa akin at nagpresintang sumama patungo sa office nang striktong Profesor namin. Napag-alaman ko din na classmates kaming dalawa.
Bihira lang ang mga taong pinagkakatiwalaan ko kaya kahanga-hangang naging magaan agad ang loob ko sa kanya. Ang light lang ng aura niya at masayang kasama. Hindi din nawawala ang mga ngiti niya sa labi sa tuwing nagsasalita ito. Sa unang tingin ay aakalain mong masungit o mataray ito pero kasalungat pala ito ng totoo niyang ugali. Mabait, masiyahin at mapagpakumbaba ito hindi katulad ng ibang estudyante na wala ng ibang ginawa kundi mambully ng kapwa estudyante.
She's far different from any other girls i know. Hindi siya maarte at madali mo lang siyang makakasundo kung mabait ka sa kanya.
"Ky, baka matunaw na ako niyan," saad nito na bahagyang natawa sa sinabi.
Agad namutawi ang kahihiyan sa akin ng malamang napansin niya na tinititigan ko siya. Napayuko na lang ako sa kahihiyan at hindi na makatingin sa kanya kahit alam kong nakatingin siya sa akin ngayon. Mas lalo pa itong natawa sa iniasta ko bago mas lumapit sa akin at hinawakan ako sa baba ko para iharap sa kanya.
"Stop being shy, simula ngayon kaibigan mo na ako kaya 'di mo na kailangan mahiya pa sakin" napatingin ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Siya? Gustong maging kaibigan ako? Teka-- bakit?
As if on cue, bigla niya ulit akong hinawakan sa mga balikat ko at ipinaliwanag sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya at bahagyang hinawakan ang mga kamay nito na nakapatong sa balikat ko.
"Thanks Ashley--" pinutol niya agad ang sasabihan ko
"Just call me Ash since you're now my friend," muli akong ngumiti sa kanya at sabay na kaming naglakad patungo sa classroom.
Nang makarating sa tapat ng room ay bigla itong huminto na nagpatigil din sa akin sa paglalakad papasok.
"Simula ngayon hindi mo na kailangan matakot sa mga nambubully sayo. Dahil hangga't kasama mo ako, hindi ako makakapayag na may mananakit sayo" Bigla muli itong ngumiti sa akin--a reassuring smile.
And with that, alam ko na dininig na nang Diyos ang panalangin ko. Dumating na ang taong tatanggap sakin at tutulungan akong makaahon mula sa mga mapanakit na kamay at bibig ng ibang tao.