Wala sa pagpipilian ni Zephy ang sahig kaya wala siyang ibang magagawa kundi tabihan si Edric sa iisang kama. Sa isang gilid nakapuwesto ang anak ni Chancey, sa gitna ng kama si Edric, at sa kabilang gilid naman si Zephy.
At dahil nakatalikod sa kanya si Edric, nagpapasalamat siyang mas focus ito sa batang aalagaan dapat niya kaysa sa kanya. Nakatulog tuloy siya nang mahimbing na hindi niya inaasahan.
Lumipas ang buong gabi na hindi naistorbo si Zephy sa pagtulog, kaya paggising niya nang alas-tres, napatitig agad siya sa kisame at naalalang nasa ibang bahay nga pala siya.
Napatingin siya sa kaliwa, payapang natutulog doon ang anak ni Chancey. Paglingon niya sa kanan, naabutan niyang bukas ang lampshade sa office table ni Edric na tanging liwanag sa madilim na silid. Mukhang abala ito sa pagbabasa at pagsusulat. Nakabukas na rin ang laptop nito roon at seryosong-seryoso ang mukha.
Napatingin siya sa sarili. Suot pa naman niya ang pulang T-shirt at may kumot pang nakabalot sa kanya. Nakalingon siya sa batang katabi nang dahan-dahang bumangon, takot na magising ito dahil sa maliit na galaw lang. Pag-alis sa kama, nailipat naman niya kay Edric ang atensiyon.
"Morning, Mr. V." Basag pa ang boses niya nang batiin ito.
"It's too early for you to rise, human."
Mula sa katabing side table, kinuha niya roon ang isang wooden round chair at hinatak patapat sa mesa kung saan nagtatrabaho si Edric. Naupo siya roon at nangalumbaba habang gusot ang mukha, nagpapalipas ng oras dahil bagong gising pa.
"Ang aga mo namang magtrabaho. Natulog ka ba?" tanong niya kay Edric habang nakatitig sa nakakalat na papeles sa mesa. Puro iyon sulat, mga side note at post scripts sa original content, at masasabi niyang napakaganda ng sulat-kamay nito. "Parang calligraphy ang penmanship mo, Mr. V." Napatingin siya sa kamay nito. Hindi mahaba ang mga kuko nito gaya ng inaasahan niya noon para sa mga bampira. Kung hindi lang pula ang mga mata nito at mahaba ang pangil, iisipin lang niyang normal na tao lang ito.
"Di ko ine-expect na maaabutan kita ngayong nagtatrabaho, Mr V. Anong oras kang nagising?"
"Why were you asking me questions when I woke up? Is that even your concern, human?" sagot nito, palipat-lipat ang tingin sa laptop at sa mga dokumentong sinusulatan habang binabasa.
Napanguso si Zephy sabay simangot. Nagtatanong lang naman kasi siya.
"Ang dami mo namang notes sa proposal ng mga Hidli," pagturo niya sa pahinang nabasa na niya bago pa nito makita. "Pero kahit din naman ako, tatadtarin ko sila ng inline feedback. Ang dami kasi nilang request. Kinakatwiran nila na malapit na raw ang pagbukas ng testament kaya kailangan na nilang mag-ipon ng resources habang maaga pa."
Napasulyap tuloy si Edric sa kanya habang nakayuko ito sa ginagawa.
"Ten percent ang nire-raise nilang pagtaas ng supply, hindi mababalanse 'yan kapag nag-audit. Kaya nga sabi ko sa notes ko sa 'yo, hindi 'yan magandang i-approve unless magmi-meet sa allowance for excess supplies ang inire-request nila."
"The witch was a good assistant for Van. But when we talk about systems, you could have worked for the chairman's office better than her," sabi ni Edric at nagpatuloy na sa ginagawa.
"E, working naman kaya ako sa chairman's office. Ang galante nga ng mga taga-Prios, nakapagpatayo ako ng bahay sa Regina para sa parents ko dahil sa work ko."
"Humans worship money. You're working in a place where souls and lives are commodities."
"Yeah." Napabuntonghininga si Zephy at ibinagsak ang sarili pasandal sa inuupuan saka nagkrus ng mga braso.
BINABASA MO ANG
Prios 5: Prios Extinction
FantasySa pagkamatay ng Hinirang na si Donovan Phillips at ng anak ng adang si Chancey, muling magbabalik ang kinatatakutang propesiya ng mga mata-ang pagkawasak ng buong Prios. Hindi mapipigilan ang panahon sa matagal nang itinadhanang maganap. Magawa ban...
