Malaking bagay para sa buong Prios ang kinabukasan ng anak ng numen. Dito nakasalalay ang kahihinatnan ng buong norte sa mga susunod pang dekada.
Hindi tipikal na isinasama si Zephy sa mga meeting ng pamilya lalo pa't isa siyang tao, at ang tao para sa mga taga-Prios ay mga pagkain. O kung maging bahagi man sila ng kompanya, hindi sila pinalalampas sa pagiging mababang empleyado lamang.
Alas-dos ng hapon nang magpatawag ng general meeting ang buong board, at kasama na si Zephy sa nabigyan ng memo para dumalo.
Matagal na siyang nakakadalo ng mga meeting, pero karamihan doon ay para sa sirkulasyon ng produksyon ng buong Prios at mga kompanyang bumubuo rito. Unang beses niyang dadalo sa pagkakataong iyon bilang bahagi ng pamilya—at hindi lang basta bahagi ng pamilya ng mga Vanderberg kundi bilang tagapangalaga ng Itinakda.
Nasa 50th floor ang meeting place, nakasuot ng formal maroon suit and skirt si Zephy habang naka-bun ang kulot niyang buhok. Hindi na siya nag-abala pang mag-makeup nang makapal at naglapat na lang ng pulang lipstick at face powder sa mukha. At dahil pormal na siyang ipinakilala bilang bahagi ng pamilya ng mga Vanderberg, kinailangan na niyang tumabi kasama si Edric na nakasuot ng maroon suit and tie.
Sanay si Zephy na nakikita ang board. Halos lahat ng mga ito ay kilala na siya at alam kung paano siya magtrabaho. Kung tutuusin, di-hamak na mas pabor ang mga ito sa kanya kaysa kay Chancey kahit pa tao siya. Alam naman niyang may sama pa rin ng loob ang buong pamilya sa pagiging Dalca ng kaibigan niya.
Habang naghihintay makarating sa 50th floor ang elevator, hindi na naiwasang magsalita ni Zephy patungkol sa oras ng pagdalo nila.
"Edric, alam mo namang palaging maaga nang thirty minutes ang pamilya every meeting, di ba?" sabi niya rito.
"This is a family affair, human."
"Oo nga, pero mas maganda kung inagahan natin."
"If the agenda of the meeting involves you, you don't want to be there earlier than the call time, or else they will ask you to go out for a walk. Once you go inside that meeting room, all you have to do is listen to their decision because that's already final."
Napatingala si Zephy sa narinig at may naisip agad siyang eksena noon na kapareho ng sinabi nito.
Natatandaan pa niya noong magkasama sila ni Chancey na nag-o-organize ng mga secretary na iha-hire sa dating opisina niya sa Prios.
"Mr. Phillips, maaga po yatang nag-start ang meeting ng board. Nasa conference room na po kasi silang lahat. Dapat po yata, umakyat na kayo ni Chancey."
"Mamaya na," sabi pa ni Chancey sa kanya. "Hayaan mo silang mag-usap doon. Palalayasin lang kami ng mga halimaw sa itaas."
Saka lang niya napagtantong kaya pala kahit sobrang aga kung magtipon ng mga board, palaging eksaktong oras lang dumadalo ang kaibigan niya at ang chairman. May dahilan pala kaya ganoon.
Pagdating sa meeting place, walang ibang nakikita si Zephy kundi ang malawak na city view ng buong north sa kanang bahagi ng glass wall habang tinatakpan ng makakapal na asul na kurtina ang bahagi ng bintanang maaaring silipan ng araw. May mahabang mesang gawa sa salamin ang nasa gitna at naroon ang mga inaasahan niyang makikita sa meeting.
Kompleto na ang lahat at mukhang sila na lang ang hinihintay. At dahil sinabi ni Edric na tungkol sa kanila ang meeting, mukhang hindi na niya kailangan pang magsalita.
Pag-upo nila sa kabisera ng mesa na may dalawang blangkong upuan—na mukhang inilaan talaga para sa kanilang dalawa—saka lang siya sinakop ng kaba sa dibdib dahil lahat ng tingin ng mga ito ay napunta na sa kanya.
BINABASA MO ANG
Prios 5: Prios Extinction
FantasySa pagkamatay ng Hinirang na si Donovan Phillips at ng anak ng adang si Chancey, muling magbabalik ang kinatatakutang propesiya ng mga mata-ang pagkawasak ng buong Prios. Hindi mapipigilan ang panahon sa matagal nang itinadhanang maganap. Magawa ban...
