Habang tumatagal, lalong nagiging malaking bagay sa mga taga-Prios ang pagpunta at pagtatagal ni Zephy sa South.
Una nilang inisip na walang magiging balakid para dito dahil isa itong tao. Walang epekto ang ilang mga harang sa norte patungong south sa mga tao, pero hayun si Zephy at naapektuhan gawa ng marka ng numen.
Ngunit hindi rin nila inaasahan na dahil lang doon ay maging ang marka ng numen ay maaapektuhan din sa pagbalik ni Zephy sa South.
Wala pang buong dalawang araw at dalawang gabi pa lang siyang nagtatagal sa hilaga nang kailanganin na nilang bumalik na naman sa ospital para magpatingin.
Maliban sa araw na iyon ng pag-inom ng dugo ni Sigmund kaya dapat nitong manatili sa ospital buong maghapon para sa obserbasyon, pinatingnan na rin ni Edric si Zephy dahil sa mga nangyayari dito.
"She can smell my scent now, Uncle Las," sabi ni Edric habang nakatayo at nakakrus ang mga braso. Naroon siya nakapuwesto sa likod ni Zephy na nakaupo sa bukod-tanging visitor's chair sa harapan ng office table ni Alastor. "Do you have any idea how can we fix this?"
Nagkibit agad si Alastor. "Do you see that as something alarming, Ed?"
"I don't want to smell her blood rise like my former secretaries. It annoys me. Do something about it."
Natawa nang mahina si Alastor at napailing habang may sinusulat sa record ni Zephy para sa Day 2 observation dito.
"Eddy, the mark of the numen really affects Zephania. It's not as easy as you think since this is the first time it happened to our family. We don't have any records to review or sources to compare—we're still keeping an eye on her, Ed. If you are interested in reviewing the other records, I recommend consulting Poi for guidance. We have no records of this case here in Bernardina, but the Historical Commission might have something related to the dead sigils of the sorcerers and how it functions accordingly to its host."
Madaling kausap si Alastor. At hindi ito basta-basta nagrerekomenda nang walang mabigat na konklusyon. Alas-diyes pa lang ng umaga, bibisita na sina Edric at Zephy sa Historical Commission. Hindi madalas doon si Edric. Bilang ang pagkakataong naroon siya. Laman naman niyon palagi si Zephy bago ito umalis dahil doon ito nalipat sa pamamahala ni Poi.
"Pero okay lang naman ako," katwiran ni Zephy habang nagpapaliwanag ng nararamdaman niya sa katawan. Panay pa ang kilos ng mga kamay niyang kung ano-ano ang ginagawa para lang maihayag ang nais sabihin.
"You're not, human," simpleng sagot ni Edric na nakatitig sa harapan.
"Baka ano lang, nadala lang ako ng emosyon kagabi."
"I can smell your emotions, human. Your blood can't lie to me."
"Malay mo, nagkaroon lang ng something sa circulatory system ko! Ang OA mo talaga."
Mula sa Bernardina, babalik lang ang daan ng puting limousine sa kalsadang iniikutan ng Helderiet Woods sa Belorian Avenue. Dere-deretso lang iyon hanggang matumbok ang dulo na malapit sa likod ng dagat kung saan nakatirik ang malaking gusali ng Historical Commission.
Palampas pa lang sila sa Onyx nang may maramdaman na namang kakaiba si Edric. Pasimple pa siyang sumilip sa nakasarang bintana ng limousine at tiningnan ang langit.
Ilang taon na rin mula nang huli niya iyong maramdaman. Hindi siya sigurado kung nararamdaman ba iyon ng ibang miyembro ng pamilya ngunit sigurado siyang masyado iyong malakas para balewalain.
Huminto ang limousine sa parking lot ng Historical Commission. Katabi iyon ng mismong gusali kung nasaan ang archaeology building at sanctum ng mga tinatawag nilang shifters.
BINABASA MO ANG
Prios 5: Prios Extinction
FantasySa pagkamatay ng Hinirang na si Donovan Phillips at ng anak ng adang si Chancey, muling magbabalik ang kinatatakutang propesiya ng mga mata-ang pagkawasak ng buong Prios. Hindi mapipigilan ang panahon sa matagal nang itinadhanang maganap. Magawa ban...
