Chapter Five
"There she is."
Sabi nya ng may ngiti sa labi nya. Marunong naman pala syang ngumiti pero hindi sya ngumingiti. Akala ko pa naman nagkulangan siya ng isang facial expression sa mukha. Bigla naman akong kinabahan sa titig ng mama nya sakin. Sana lang hindi ako himatayin dito.
"Halika dito Hija." Sabi nung tatay nya sakin.
"Ah sige po" Lumapit ako sakanila at uupo na sana ako pero biglang nagsalita yung tatay niya.
"Bakit hindi ka umupo sa tabi ni Kyle?"
"Ah pasensya na po." Tumayo ako ulit at umupo ako sa tabi ni Kyle. Wow ha! maka Kyle?
"Relax ka lang okay?"
Bulong nya sakin. Tumango naman ako at tumingin sa mama niya. Kinakabahan talaga ako ngayon hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harapan nila.
"Are you nervous?" Tanong ng mama nya sakin habang binababa yung tasa ng kape.
"Po?" Hindi naman sa nabingi ako kaya lang nabigla lang siguro ako kaya yun yung nasabi ko. Pero narinig ko naman talaga sya.
"Huwag kang kabahan Hija, mabait ang asawa ko nakita mo naman kanina diba? siya pa yung nag asikaso sayo"
"Ah opo. Pasensya na po kayo sa kilos ko. Ngayon ko palang po kasi kayo nakaharap kaya kinakabahan po ako."
"Tama yan just be your self."
Bulong uli nya sakin. Ano ba yan! mas lalo akong ninenerbyos kapag nagsasalita tong lalake na to sa tabi ko. Alam kong pinapalakas nya lang yung loob ko pero lalo lang akong nate-tense sakanya eh.
"Let's talk about the wedding" Sabi nung tatay nya.
"No darling, I just want to know her first."
Napalunok ako sa sinabi ng mama nya. Mukhang mahirap makisama dito huhuhu.. Pero sabi nga ng lalaking to 'just be your self' kaya kaya ko to'.
"Where are your parents? anong trabaho nila? alam ba nila na ikakasal ka sa isang Montefalcon? kasi sa nakikita ko sayo hindi ka mukhang galing sa isang mayamang pamilya."
Pano na ba to? ang dami nyang tanong hindi man lang ba ako tutulungan ng lalaki sa tabi ko? sabi nya sya yung bahala sakin ako naman yung kawawa. Basta bahala na kung magalit man sya sa sagot ko basta sasabihin ko yung totoo.
"Ang mga magulang ko po mam.. Nasa probinsya po sila, yung pong tatay ko dati po syang nag di-deliver ng mga halaman kaya lang na stroke po sya at paralyzed na po yung kalahating katawan nya kaya hanggang second year college lang po yung natapos ko. Yung naman pong mama ko kasambahay po sya at kung minsan tumatanggap din po sya ng mga labahin. Napunta po ako dito dahil naghahap po ako ng trabaho kaya lang sa kasamaang palad naloko po kami ng mga kasama ko."
BINABASA MO ANG
Status: Single But Married [Unedited♥]
Romance"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the heart" ~Helen Keller