Chapter FourtyFour

20.9K 284 19
                                    

Chapter FourtyFour

Lorraine's POV

Pag-gising ko nakita ko si Jacob sa harapan ko at mukhang alalang alala. "Jacob?"

"Ate Lorraine!!" Lumapit sya sakin at niyakap nya ko ng mahigpit. 

"Teka Jacob nasasakal ako, ano bang nangyari?"

"Sobra mo kaming pinag alala ni kuya Nate ate."

"Pinag-alala?? Pasensya na, bigla lang kasing umikot yung paningin ko tapos wala na kong maalala. Si Sheena pala, asan na sya?? kasama ko kasi sya kanina sa mall eh."

"Si ate Sheena, wala sya dito. Dalawang araw ka na dito sa ospital ate, natakot nga kami ni kuya Nate kasi sabi ng doctor kapag hindi ka pa nagising delikado na yun."

Hindi ako makapaniwala. Ibig sabihin pala dalawang araw na kong natutulog sa ospital??? "Bakit? Ano raw ba yung nangyari sakin sabi ng doctor?"

"Dahil lang daw sa pagkaka bagok ng ulo mo, diba nga may amnesia ka? kaya siguro ganun. Lalabas muna ko sandali ate ha sasabihin ko lang sa doctor mo na nagising ka na."

"Sige." Bakit ganun yung itsura nya?? malungkot ba sya o pagod lang sya galing trabaho?? hindi ko mailarawan.

Saktong pagbukas nya ng pinto dumating si Nathan. Nagulat sya nung nakita nya ko at agad syang lumapit sakin.

"Gising ka na Lorraine. Salamat naman. Kumusta yung pakirandam mo?? Anong masakit sayo?? Nagugutom ka ba?? gusto mo bilhan kita ng makakain??"

"Ano bang nangyayari sayo?? Okay lang ako. Wala namang masakit sakin kaya wala ka ng dapat ipag alala."

"Sigurado ka??" Tumango ako sakanya. Tapos niyakap nya ko, syempre niyakap ko din sya.  "Mabuti naman at maayos na yung pakirandam mo." Kumalas sya sa pagkakayakap nya sakin at hinawakan nya yung mukha ko. "Lorraine.."

"Hmmh??"

"Mag promise ka sakin."

"Mag promise na ano??" Tumingin ako sakanya.

"Na hindi ka na maglilihim sakin. Especially sa nararandaman mo."

"Wala naman akong ililihim sayo eh. At tungkol sa nararandaman ko.. Kung yung feelings ko para sayo ang tinutukoy mo, magtiwala ka lang sakin. Okay??"

"Alam ko naman yun. May tiwala ako sayo.. Pero sana kapag nasasaktan ka na at nahihirapan, sabihin mo sakin. Ayoko kasing isang araw magising ako tapos pagsisihan ko wala akong nagawa para sayo."

"Ano bang sinasabi mo jan? okay na nga ako. Wala ka namang dapat pagsisihan dahil ginagawa mo naman ang lahat. Tama na nga yang drama, kailan ba ko uuwi?? ayoko na kasi dito sa ospital"

Status: Single But Married [Unedited♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon