Chapter Eighteen
Lorraine's POV
Pag-uwi sa bahay ay mali sa hotel pala humiga agad sya dun sa kama, matutulog na naman sya?? Kung sabagay kaninang umaga pa kami namamasyal at halos wala kaming pahinga.
"Kyle pahiram naman ako ng camera titignan ko yung mga pictures"
"Anjan sa table"
"Salamat"
Kinuha ko yung camera sa mesa at tinignan ko yung mga pictures na kinuha nya kanina. Kainis naman to!! puro wacky yung mga kuha nya sakin hindi kasi marunong magbilang.
Mamasyal kaya ako?? May nakita kasi akong park malapit lang dito sa hotel, kukuha ako ng maraming picture chaka video para ipadala ko sa pamilya ko.
"Kyle pwedeng mamasyal sandali??"
"Hindi"
"Jan lang sa dinaanan nating park sa malapit"
"Hindi"
"Sige na naman.."
"Matulog ka kung wala kang alam gawin"
"Sige na babalik ako agad"
"Wala ba talagang kasing tigas yang ulo mo??"
"Pramis sandali lang talaga ako"
"Bumalik ka bago mag seven, naka reserve tayo sa restaurant sa baba"
"OO PRAMIS!! SALAMAT!!! Pwedeng hiramin tong camera??"
"Alis na.."
"Sige mabilis lang ako, salamat talaga Kyle ha?? Hulog ka talaga ng langit sakin"
"Ang tagal magpaalam"
Umalis na ko at iniwan sya baka kasi magbago pa yung isip nya huwag pa kong payagang mamasyal. Pagbaba ko sa hotel in-on ko na yung camera at sinet sa video.
"Hi Tay nay!! Nandito po ako sa Singapore ang ganda po dito tay nay tignan nyo"
Pinaikot ko yung video para makita nila yung Singapore hehe. Grabe ang ganda lang talaga dito. Nakakasawa na ba yung kakasabi ko ng maganda?? Talaga naman kasi eh.
Namasyal pa ko at nagpicture picture dito, pano ba naman kasi yung Kyle na yun ganun magpicture hindi man lang nagbibilang ayun tuloy wacky ang kinalabasan.
Nung napansin kong dumidilim na bumalik na ko sa hotel mahirap na, naalala ko yung sinabi ni Kyle na baka hindi na ko makabalik sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Status: Single But Married [Unedited♥]
Romance"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the heart" ~Helen Keller