Chapter FiftyOne
Kyle's POV
Pagkatapos naming magpagamot hindi muna ako pumunta sa room ni Lorraine. Mukhang kailangan muna naming mag-usap ni Nathan.
"Huwag kang magalit sa nakita mo kanina, mali ang iniisip mo. Niyakap ko sya dahil magpapaalam na ko sakanya. Susunod ako kay Daddy, bukas na ang alis ko papuntang Rome at huwag kang mag-alala may kasunduan na kami ni Lorraine."
"Kasunduan? Anong kasuduan yun?"
"Na hindi na ko babalik ng Pilipinas... Kung..."
"Kung ano?" Tumingin sya sakin at ngumiti pagkatapos nun umiling sya.
"Samin na lang ni Lorraine yun. Basta binabalaan kita, huwag na huwag mo syag lolokohin Kyle kung ayaw mo syang mawala sayo. Alagaan mo sana sya."
Naglakad na sya paalis habang yung dalawang kamay nya nasa bulsa nya. "Nathan!" Tinawag ko sya pero hindi sya lumingon. "Kahit anong mangyari magkaibigan parin tayo, sana makita mo sa Rome yung babaeng makakasama mo habang buhay." Tinaas nya lang yung kamay nya para magpaalam tapos nagpatuloy sya sa paglakad hanggang sa hindi ko na sya nakita.
Bumalik na ko sa taas at nakita kong nag-uusap yung tatlo.
"Oh hi kuya, are you okay now? Sabi ng doctor pwede na daw lumabas si ate Lorraine ngayon. Na settle ko na yung bill."
"Okay sige." Lumapit ako kay Lorraine para alalayan sya. "Are you okay now?" Tumango lang sya bilang sagot. "Kung ganun halika na uwi na tayo."
"Sige paunahin mo na yung dalawa. May sasabihin kasi ako sayo."
"Ano yun?" Tinignan ko yung dalawa at naka intindi naman sila kaya lumabas muna sila.
"Yung nangyari kanina.."
"Don't worry sinabi na ni Nathan sakin ang lahat. I'm sorry kung ganun yung naging reaction ko kanina, hindi ko sinasadyang gawin yun sa harap mo."
"Naiintindihan ko. Sorry din kasi nakita o kaming ganun."
"So.. yun yung sasabihin mo?"
"Meron pa sana.."
"Sige ano yun??"
"Si Jacob kasi.."
"Gusto mo ba doon na lang sya sa bahay tumira kasama natin?"
"Ha??"
"Alam ko na kay Nathan sya nakatira ngayon at dahil aalis na bukas si Nathan aalis na din sya doon, tama?"
"Sabi ni Nathan okay lang naman daw kung doon si Jacob, kaya lang nakakahiya naman kasi. Kaya kung okay lang sana sayo habang hindi pa nakakahanap ng bahay si Jacob doon muna sana sya sa atin."
"Okay lang sakin yun, atleast may kasama ka na sa bahay. Hindi ka na mabo-boring."
"Salamat Kyle." Lumapit sya sakin at niyakap nya ko ng mahigpit. "Ang swerte ko at ikaw yung napangasawa ko."
"Mas maswerte ako sayo. Mas sobrang saya ko dahil ikaw ang napangasawa ko. Mag promise ka sakin na kahit anong mangyari hinding hindi mo na ko iiwan ha?" Yumakap lang sya sakin ng sobrang higpit at hindi sya sumasagot. "Umiiyak ka ba?" Hindi parin sya sumasagot. Tinatanggal ko yung pagkakayakap nya sakin para makita ko yung mukha nya pero sobrang higpit ng kapit nya. "Anong nangyayari sayo honey? Are you okay?"
"Natatakot kasi ako Kyle.."
"Nothing to worry honey, you'll be fine basta inumin mo lang yung mga gamot na ibinigay ng doctor tapos iwas na langg sa mva food na mag co-cause sayo ng allergy, okay?" Umupo ako sa kama sa may tabi nya at pinunasan ko yung luha sa mga mata nya. "Huwag ka nang umiyak hindi bagay sayo. Basta lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari hindi kita iiwan, kahit ipagtabuyan mo pa ko, kahit iwan mo pa ko susundan parin kita. Kasi.." Yumakap ako sakanya. "Sabi nila kapag nakatadhana ang dalawang tao, kahit saang lupalop pa ng mundo sila magtago mahahanap at mahahanap parin nila ang isa't isa."
BINABASA MO ANG
Status: Single But Married [Unedited♥]
Romance"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the heart" ~Helen Keller