Chapter Fifty

25.2K 334 27
                                    

Chapter Fifty

 

 

Lorraine's POV

Pag mulat ko ng mga mata sa umaga si Kyle agad ang nakita ko. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Ngumiti ako sakanya sabay bati nya sakin ng..

"Good morning honey"

"Good morn--" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko sana dahil hinalikan nya ko ng mabilis sa labi. Sa sobrang gulat ko pati reaksyon late, tumalikod ako at tinakpan ko yung bibig ko ng kumot. "Hindi pa ko nag tooth brush."

"It's okay honey. Kahit na hindi ka pa mag tooth brush sa buong buhay mo i will still kiss you every morning, everyday and forever" Ngumiti sya sakin at tumayo na sya. "Breakfast is ready honey I'll go ahead."

"Huh??" Tnigan ko yung relo sa side table at nagulat ako sa oras "8:30 NA???" Tumango tango lang si Kyle. "Kung ganun.. Bakit nandito ka pa?? diba dapat kaninang seven ka pa umalis papuntang trabaho??"

"Hinintay kasi kitang magising. Ayokong umalis ng hindi nagpapaalam sayo."

"Pero sana hindi mo na lang ako hinintay na late ka tuloy." Nakakapagtaka naman, hindi naman ako ganito kahaba matuog dati ah.. Siguro dahil masarap lang talagang matulog sa kama na to ehe.

"It's okay honey. Pwede naman akong pumasok ng late.. O kaya naman.." Umupo sya uli sa kama at lumapit sakin. "Pwede rin naman hindi.." Mas nilapit pa nya yung mukha nya sakin. Hmmh.. ang bango nya naman.. Pwede bang dito ka na nga lang?? Waaaaaaaaaaah ano bang sinasabi ng isip ko!!

"Sige na umalis ka na. Super late ka na."

"Pinapa alis mo na ko?"

"Late ka na kasi. Umalis ka na."

Humiga sya sa kama at yumakap sakin. "Parang ayoko na tallagang pumasok ngayon. Sulitin ko na kaya yung pagka late ko?"

"Ano bang sinasabi mo jan?? bumangon ka na nga jan. Para kang bata eh."

"Ayoko na kasing pumasok eh. Pakirandam ko kasi hindi ko kayang hindi ka makita bawat oras bawat minuto at bawat segundo"

"Tama na nga yan Kyle, ang OA mo na masyado. Bumangon ka na nga jan" Tumayo na ko sa kama "Mag totooth brush lang ako tapos ihahatid kita sa labas ha."

"Pero ayoko na ngang pumasok. Tinamad na ko"

"Papasok ka. Hintayin mo lang ako." Pumunta na ko sa cr at nag tali ng buhok para makapag hilamos. Pagpasok ko sa cr nakarandam ako ng pagkahilo dahilan para mapakapit ako sa doorknob. Biglang lumabo yung paningin ko, anong nangyayari?? Ang sakit din ng ulo ko. Hindi ko na lang papansinin siguro dahil hindi na ko nakakainom ng mga gamot na binigay sakin ng doctor.

Tingin ko kailangan ko na talagang puntahan si Jacob para kunin yung mga resta ko, ayoko muna sana syang puntahan dahil umiiwas din ako kay Nathan hindi ko kasi alam kung anng sasabihin ko sakanya. Wala akong mukhang maihaharap sakanya.

Status: Single But Married [Unedited♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon