Chapter Thirteen

30.8K 406 8
                                    

Chapter Thirteen

Nandito na kami sa hotel. (Hello! kanina pa kayo nasa hotel no!) Ay oo nga pala, sorry naman miss Author ha. (Okay. Abswelto ^_^) Okay ulitin natin. Nandito na kami sa room kung saan ako naka check-in, kakatapos lang ng dinner namin kasama yung parents nya at nasesermon ako ngayon dito. huhuhu...

"Ano na?! Magsasalita ka ba o hanggang mamaya ka na lang mananahimik jan?!"

"Sorr--"

"Hindi yon! I need your explanation, baka sakalaing matanggap ko pa yung sorry mo."

Kainis naman kasi yung nangyari sakin sa araw na to. Kapag sinabi ko sakanya baka hindi naman kasi sya maniwala. Ano ba!!!!!! Lord please help me... wow English ^_^..

"Kung ayaw mong--"

"Eto na nga! magsasalita na.. Ano kasi.. Kanina--"

"May ginawa ka na naman no?"

"Kaninang umaga kasi bago ako pumunta dun sa pinag aaplyan ko may nakita akong hinohold-up kaya tinulungan ko, tapos dinala ko sa ospital"

"Wow.. Hindi ko alam na bayani ka na pala ngayon. Kailangan na ba kitang ipatayo ng rebulto?"

"Nagsasabi ako ng totoo!"

"Bakit naglakad ka lang ba papunta sa trabaho mo?"

"Naka taxi ako kaya lang traffic kaya bumaba ako, kaya lang may naramdaman akong sumusunod sakin kaya napunta ako dun sa may eskenita kung saan binubugbog yung lalake. Nasaksak nga sya kaya dinala ko sya sa ospital"

"Oh tapos?.. Ang tagal naman ata?"

"Nag donate ako ng dugo.."

"Wow.. Bayani ka nga."

Tinignan nya ako at pumalakpak pa sya. Okay din tong lalaking to ha, ewan ko kung pinag titri[an ako oh ano.

"Naniniwala ka na?"

"Mejo valid na rin yung reason mo.."

"Talaga?!"

"Pero.."

"Ba't may pero?"

"Hindi ganun ka-convincing"

"Bakit?"

"Wala kang evidence"

"Ha?! Kailangan pa yun?!"

"Ano sa tingin mo?! Isipin mo na lang yung pagod ko dahil sa kaka---- Wala never mind. Basta kailangan may proba ka bago kita patawarin"

"Sige, bukas dadalhin kita sa ospital"

"Ayoko."

"Ha?! sabi mo bigyan kita ng proeba."

"Oo nga, pero ayoko dun"

Ka asar talaga to' yung na nga yung proebang hinihingi ang arte pa. Pano ko kaya sya makukumbinsing hindi ako nag sisinungaling????!!

"Uuwi na'ko"

"Teka alam ko na!"

"Ano."

"Teka lang..."

Kinuha ko yung bag ko para kunin yung kwintas nung lalake kanina. Siguro naman pwede na yun.

"Dala ko yun kanina eh. Sandali lang.."

"Ano ba kasing hinahanap mo?"

"Nandito lang yun eh.."

Nasaan na ba yun.. Ang alam ko hawak hawak ko pa yun kanina.. Nilabas ko lahat ng laman ng bag ko. Bakit wala? Kinabahan tuloy ako.

Status: Single But Married [Unedited♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon