Chapter 27: Stars Aligning

479 38 0
                                    

The news spread like wildfire. Naging laman agad ng balita ang sinabi nila Ephraim sa conference. It was a subtle blow for Princess Elena and her family. The world knows how much I was hated on after several interviews with Elena, hinting that I was the third party. At ngayong nagbigay na ng opisyal na pahayag ang kampo ni Ephraim, tila bumaligtad ang mundo.

I was, again, an instant celebrity, and some of those who hated me switched sides. The royal family protecting an ordinary person like me? That is a big deal. Samu't saring mensahe nanaman ang natanggap ko mula sa mga kakilala pero hindi ko na muna iyon pinansin.

Sa balita ay may iilang sibilyan na tinanungan ng opinyon tungkol sa nangyayari. May iba na panig sa prinsipe at may iba na panig sa prinsesa. Ang iba nama'y neutral lang.

To save my mental health, I decided not to read anything on social media. Sa katunayan ay hindi ko din lubusang maproseso ang nangyari, at hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireact doon.

I'm both relieved and scared. Relieved dahil nagkalinawan na kami ni Ephraim, at takot dahil sa mga susunod na posibleng mangyari. Masaya din ako na suportado kami ng pamilya niya, hindi kagaya sa mga telenovela na mismong ang royal family ang kalaban ng nga bida.

On the other hand, pumutok din ang isang mabilisang interview kay Princess Elena at sa ina nito na parehong piniling huwag mag-kumento. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para sa prinsesa. Maaaring galit dahil siya at ang pamilya niya ang may kagagawan nito.

I still could vividly remember how she acted when she talked to me. She caused all the issues about us when it could have been settled in private. I have no one to blame but her and her family.

They were pushing Ephraim to the edge. They pushed me to the edge. My mental heath was detoriating and I almost ruined my relationship with Ephraim and my own family.

Bago mag-simula sa mga dapat na gawin gaya ng pag-iimpake at paglilista ng mga plano ay lumabas muna ako ng kwarto. Napatuwid si Cooper nang makitang lumabas ako. Nakita ko ang relief sa mga mata niya nang mapansin sigurong gumaan na ang hitsura ko.

Nginitian ko siya at simpleng sinabi na bababa na ako para kausapin sila Mommy. I have to tell them that Ephraim is coming for me at na sasama ako sa pag-uwi niya sa Por Zakaria. Hindi ko alam kung ilang araw siya magtatagal dito pero malakas ang kutob ko na baka hindi iyon abutin ng araw dahil abala sa kanilang kaharian.

Bukod roon ay kailangan ko rin humingi ng tawad sa mga nasabi ko kina Kuya at Mommy na nakakasakit. I don't mean those hurtful words pero nasabi ko na ang mga iyon at hindi na iyon mababawi pa. Kahit pa mag-sorry ako, I'm sure I'd be guilty for many more days.

Words once said could never be taken back. Mas masahol pa ang sakit na nabibigay ng salita. It goes straight through the heart like an invisible knife ripping through it.

Dahil madalas na matrigger ako lately, I had to mentally note that I should be careful with my words from now on. Or at least, kalmahin muna ang sarili bago mag-salita. That's hard to do when on a breakdown but I have to try.

Kabado akong bumaba ng hagdan. Tanging ang tunog ng telebisyon ang aking naririnig. Nang dumungaw sa sala ay nakita kong naroon si Mommy at nakanood sa TV, habang si Kuya ay abala sa laptop.

I cleared my throat once I'm down the stairs. Sabay silang napalingon sa akin, kaya napayuko ako. I was so ashamed of what I did, and I could not look at them straight.

"Ieva..." my mom called very softly. Narinig ko ang pagkawala ng sound ng TV, hudyat na pinatay niya iyon.

"Are you feeling better now, Ieva?" si kuya naman ang nagtanong. Dahan-dahan akong tumango.

I Fell For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon