Chapter 12: The Royal Dinner

1.1K 78 2
                                    

"Hoy, tangina, ang landi mo!" Demetria screamed so loud, I had to pull out one side of my Airpods! Kitang-kita ko ang ningning sa mga mata niya. Her eyes speaks, Pasagap chismis!

Humalakhak siya at pakiramdam ko gusto niya na akong kurutin at paghahampasin kagaya nang lagi niyang ginagawa noon kapag kinikilig sa lovelife ng iba. Parang mas kinilig pa siya sa akin nang sabihin ko ang nangyari kanina.

"Saan kayo nag-kiss? Shet sana all may jowang prinsipe, for real! Napakalandi mo. I'm so proud." She even tried wiping her fake tears and clapped slowly for me para ipakitang proud nga siya sa akin.

Nailing na lamang ako. Kahit kailan talaga ay sobrang hyper nitong si Demi. "What do you think nga? For real na talaga?"

It felt so surreal kasi. I wasn't expecting him to confess! He also seems so sure of his feelings for me. Parang wala nang makakapagbago doon. Habang ako ay naghohold back pa dahil naglalaro pa din sa isip ko na ikakasal siya sa iba.

"Gagang 'to, syempre for real na 'yan. Unamin na nga eh. Tapos 'di naman daw siya nagbibiro. Padilig ka na, sis! Ayos 'yan, magkakaron ako ng pamangkin na prinsesa!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Seryoso kasi! I need your advice, Dem!"

Ngumisi ito. Halatang-halata ang pagkatuwa sa ibinalita ko sa kanya. She looks like she's inside our condo unit in Manila based on the couch she's sitting on. Namiss ko tuloy ang kwarto ko doon. I hope it's not filled with cobwebs yet. I asked her naman to clean my room once a week. I just hope she doesn't try putting her signature in some of my canvasses.

Naalala kong nag-away kami noon dahil pinirmahan niya ang isa kong painting. She didn't know it would be a big deal for me. When I cried about it, she was so shocked. Isang buong araw din kaming hindi nagpansinan noon.

Ang hirap talaga minsan kapag iniisip ng ibang tao na ang dali-dali lang mag-pinta. They didn't know it takes so much time and effort to paint a single canvas.

Kumunot ang noo ko nang may makita akong lalaki na may kung anong ginagawa sa kitchen. Is that Pyrus? I know they are dating pero bakit nasa unit namin siya?

Ohmygod, don't tell me they slept together!?

Demi immediately noticed that I saw someone kaya mabilis niyang ibinaling sa iba ang camera. Her lips formed into a playful grin, halatang may tinatago ito, ayaw lamang sabihin. Demi might be talkative, but comparing to me, she's more reserved and secretive about her private life so I didn't pry na about what I saw.

"Ano bang gusto mong advice?" She asked after a while. "Syempre, gora ka na diyan, sis! Halata namang gusto mo siya, so what's holding you back?"

Oh, right. I was asking her for an advice!

I tried to focus on my dilemma. "He's bound to marry someone, Demi. Ako lang din ang matatalo sa dulo nito if we continue this relationship."

"Importante ba kung talo o panalo?" She asked with a frown. "Hindi ba ang importante naman ay nasulit niyo ang oras na magkasama. At kung hindi man siya ang ka-forever mo, ayos lang 'yon, at least naging masaya kang kasama siya! Parang kay Kirk, 'di ba?"

Gusto kong sabihin na hindi ito kagaya ng kay Kirk. Not because Ephraim is a royalty and Kirk is not. Malakas ang kutob ko na ang nararamdaman ko para sa prinsipe ngayon ay iba sa naramdaman ko noon kay Kirk.

What I feel right now is something rather scary. Something I'm not really familiar with. I feel like on the edge of the cliff, nakakapit nalang doon at nag-iisip ng saglit bago tuluyang magpahulog.

"Ieva, life is about taking the risk." She said it with hand gestures pa. "Ano bang gusto mo, ang ituloy 'yan at maging masaya kahit walang kasiguraduhan kung hanggang kailan? O ang iwan siya, at hayaan ang sarili mong maglaro sa mga what ifs?"

I Fell For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon