Chapter 3: Apology and Gratitude

1.6K 83 10
                                    

"Psst," the prince hissed from behind me. "Pinky..."

Hindi ko siya pinansin. Nag-patuloy ako sa paglalakad at sa pag-tingin sa nakakamanghang interiors ng Sainte Chapelle De Paris. It's called Holy Chapel in English. Binigyan kami ng tour guide ng trenta minutos para mag-libot sa kabuuan ng chapel at kumuha ng mga litrato.

"Pinky..." tawag muli ng prinsipe sa isang mapaglarong tono. Kung wala lang kami sa isang sagradong lugar, binulyawan ko na siya.

Akala ko'y pagkatapos kong magpakilala at kahit papaano itrato siya ng mas maayos kanina ay payapa na akong makakapaglibot. Ngunit simula nang makababa ng bus ay hindi na siya natigil sa panggugulo sa akin, tumatahimik lamang siya para makinig sa tuwing may sasabihin na ang tour guide.

Mas okay pa ang paglilibot ko kanina sa Arc De Triomphe dahil kahit papano, hindi niya pa ako ginugulo noon at inaabala lang din niya ang sarili niya sa patingin-tingin sa paligid. Ngayon ay nasa akin lang ata ang atensyon niya at wala sa magandang istraktura na mas dapat pagtuonan ng pansin! 

"Pinky-boo! Psst!" He said loud enough so I can hear. Huminto ako sa paglalakad nang mapansin ang mapanuring tingin sa akin ng mga tao sa paligid. Siguro naiirita na sa pag-tawag sa akin ng isa at hindi ko pag-pansin dito.

Binalingan ko siya ng naiirita. Hindi ko maintindihan bakit kailangan niya pang kunin ang atensyon ko. Isa pa, akala ko ba ay nagtatago siya? Sa ginagawa niya ay mas nakukuha niya pa ang atensyon ng iba. For sure, someone will notice eventually kahit pa may drawing ang mukha niya at baka pa madamay pa ako kapag napansin siya ng mga tao!

"What?" Inis kong tanong. "I already told you my name. Quit calling me Pinky!"

Ngumisi siya at ipinasok sa bulsa ng pantalon ang parehong kamay. Dahan-dahan siyang lumapit sa pwesto ko at hindi naman nag-salita pagkatapos. Nginitian lang ako na parang ewan.

Umirap ako dahil wala naman siyang sinabi kahit pa tawag siya ng tawag sa akin kanina. Parang sira 'to, ngayong pinapansin siya ay ayaw mag-salita. Papansin, amputek.

Akala yata niya close na agad kami dahil lang sa mga pangyayari kanina. Kaunting pang-aasar pa niya, baka sundin ko na nga ang suggestion ni Demi na sipain siya sa balls.

Bumuntong hininga ako at sinubukang ikalma ang sarili pero parang hindi talaga ako makakakalma kapag malapit siya sa akin.

"Pinky-boo," ulit niya. Binalingan ko siyang muli. Hindi stress ang habol ko dito sa Paris pero bakit nasstress ako?!

"Ano bang kailangan mo? Tawag ka ng tawag, para kang tanga." Sa sobrang gigil ko naitaas ko ang dalawang kamay ko at umaktong kakalmutin siya. "KSP ka!"

"Woah, anong KSP? Sa pagkakaalam ko, SSP ako."

Kumunot ang noo ko. "What?"

"Sobra sobrang pogi," he said with a cocky smile. For a prince, he seem really carefree.

Imbes na patulan ay hindi ko na siya sinagot. Pakiramdam ko magpapalpitate ang mga mata ko sa irita.

Wala ding use ang pag-sabi ko sa kanya ng pangalan dahil hindi naman niya ginagamit! Wala naman akong maisip na pang-inis pabalik sa kanya at hindi rin kasi ako palapatol ng sobra.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at bumaling nalang sa iba. Madali naman sa akin noon ang maging kalmado pero pagdating sa isang 'to, sobrang struggle bigla.

I have to keep in mind that this is a trip I need to enjoy. Matagal ko itong hinintay at hindi ko dapat na hayaang sirain iyon ng isang lalaking walang magawang matino sa buhay.

Mygod! Eto na ata ang hourly reminder ko! Parang kanina lang umaga ay ganito rin ang sabi ko sa sarili! Subok na subok ang pasensya ko dito!

Mabuti nalang at hindi na siya nag-salitang muli pagkatapos noon kaya nagawa kong mag-focus sa mga nag-gagandahang stained glass windows na nakapalibot sa buong gusali.

I Fell For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon