You may listen to the music while reading :")
Sorry it took long to update. This is also not proofread so please bear with me :)
- Yen
***
We stayed embracing each other until my cheeks burned from all my treacherous tears. No words were said but all the buried emotions were suddenly free and felt.
Habang nakahilig sa kanyang dibdib, marahan ang paghaplos niya sa aking buhok. Sa bawat haplos niya ay ramdam na ramdam ko kung paano kami nangulila sa isa't isa.
Ni hindi namin inalintana na nasa isang art gallery kami at may mga taong pupwedeng makakita sa amin. We did not mind that there may be reporters or paparazzi around us too. He did not care that he might get recognized. Sa oras na iyon tila parang kaming dalawa lamang.
Sa dalawang taon na hindi namin pagkikita, hindi ko naisip na sa ganito kasimpleng paraan kami magkakatagpong muli.
I was satisfied seeing him only on the news. At nang mabigyan ng tiyansang pumunta sa kanilang kaharian, I was both dreading, and anticipating our meet-up once I'm there. Pero ang makita siya dito sa Pilipinas, sa mismong pinagdausan ng sinalihan kong exhibit, ay hindi ko inasahan kahit pa sa panaginip.
Bumaba ang kamay niya sa aking baywang nang sinubukan kong kumalas sa yakap. Inangat ko ang kamay ko sa kanyang dibdib at tinignan siya sa mga mata.
When we locked eyes, I knew he was thinking the same thing. That he was content seeing I am here with him now. His eyes looked solemn and were filled with so much longing.
Dahan-dahan ay inangat niya ang mga kamay patungo sa aking pisngi. Malamyos niyang pinalis ang mga luha kong tuloy-tuloy ang dalos roon.
Tila hindi sapat para sa akin ang naging yakap kaya sinubsob ko muli ang aking mukha sa kanyang dibdib. I wrapped my hand around his waist and hugged him as tight as I could, not wanting to let go anytime soon.
I realized how his presence soothed me. Sa tinagal-tagal, ngayon ko na lamang naramdaman ang ganitong klaseng pananabik. Hindi ako makapaniwalang yakap ko siya ngayon matapos ang lahat ng nangyari sa amin.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal na tahimik kaming naroon. Kalaunan ay mahina kong pinalo ang kanyang dibdib habang hindi pa din mapigilan ang paghikbi.
Natatawa siyang pinigilan ang kamay at iginiya ito pabalik sa kanyang baywang para manatili ako sa pagyakap sa kanya.
"I missed you..." I murmured, so silent that I thought he didn't hear.
He buried his face on my neck and whispered the same words softly. "I missed you too, ayi..."
Kanina'y sobrang bilis ng pintig ng puso ko pero habang tumatagal ay unti-unti rin iyong kumalma. Ang tagal kong hinintay na mayakap siyang muli at maramdaman ang kapayapaang akala ko ay hindi ko na mararanasan.
"Bakit hindi mo ako sinabihang pupunta ka? Kung hindi ko pa nakalimutan ang bag ko..." Hikbi ko at inangat ang tingin sa kanya. May halong tampo ang aking boses.
He looked down at me with those same soft eyes. Iba ito sa mga nakikita kong litrato niya sa news o sa internet. It was a gaze that I think he would only show when he looks at me. A gaze so solemn that it melts my heart.
"I did contact you but you never replied to any of my e-mails." Bulong niya. Kumunot ang noo ko roon. "I did not receive anything. Anong sinasabi mo?"
Inayos niya ang mga takas kong buhok at saglit na ngumuso. Pumungay ang aking mga mata. Hindi ko akalaing ganito ang mangyayari sa aming unang pagkikita.
BINABASA MO ANG
I Fell For You
Teen Fiction{ Constantine Series: Book III } Is it worth the fall? - Genieva Lessandra is a young artist who aspires to be known worldwide so she could showcase her beautiful artworks. After her graduation, she went to Paris as a gift from her parents. While vi...