The next morning, I feel so tired and sleepy. Alas nuebe na ata akong nagising habang si Demi naman na mas late pang natulog sa akin ay wala na sa kama. Siguro talagang nakaayos na ang body clock niya na maagang nagigising kahit pa puyat.
I yawned a bit and reached for my phone to greet the prince a good morning. Huling laman na ng chat box namin ay iyong video call na sampung minuto lang ang tinagal. I didn't send him any messages after that because I was already too sleepy and I also do not want to add fuel to the fire already.
I realized he was upset for what I did, reason why I apologized before ending the call. Hindi siguro talaga maganda ang tunog na pinupush ko siyang makipagsayaw kay Princess Elena na ex niya. Although, my reason seems valid. Hindi ko na rin dapat pa binalewala ang nararamdaman niya para sa issue.
Also, pushing him to an ex who cheated on him? That was just very wrong in my part. I wonder if he's still upset with me, though. Hindi na ito nag-update kung nakauwi na.
I tried to make my message extra sweet today. I included a few hearts and the emoji with soft pabebe eyes. And I sent him a selfie, and a boomerang na din na naka-peace sign ako. I'm sure he'd see this later pa so I quickly got up, washed my face, and went downstairs.
Umagang-umaga ay nagkakagulo sila sa baba dahil nagsisigayak na ang mga bata. Dadalhin sila sa mga malapit na mga ninong at ninang nila rito para makahingi ng pamasko tapos ay didiretso sa simbahan then sa mall para manood ng sine. We already reserved our seats in the cinema dahil siguradong napakahaba ng pila ngayon, lalo na dahil opening ng ibang palabas.
After eating my breakfast, na mga ininit na ulam lang din kagabi, I went back to my room to take a bath. Simpleng black and white striped shirt ang sinuot ko. I topped it with a Tommy Hilfiger jacket, and partnered it with ripped jeans, and white sneakers. Demi, on the other hand, wore a cropped top and a high waisted jeans, with her hair pulled up in a ponytail.
Nang matapos kaming gumayak ay dumiretso na kami sa mga pupuntahan. Mabuti nalang at si Cads palang ang inaanak ko kaya wala pang manghihingi sa akin gano ng pamasko. At dahil may utak na ang batang ito, kulay blue na ang hinihingi sa aking perang papel. Dati ay nauuto ko pa ito sa bente!
Si Demi naman ay five hundred lang ang binigay kay Cads dahil mayaman naman daw si Kuya Cryd. "0.000001 percent lang 'yan ng yaman ni Kuya. Dapat bente nalang nga kaso aba ang bata, nagrerequest ng 500 kung ayaw ko daw siya bigyan ng 1000! Ang attitude! Ako nga noong bata ako, okay na 'ko sa bente basta malutong at nakalagay sa ampao."
Tinawanan ko na lamang siya. She knows naman that we're not really doing this for the money dahil may kaya naman talaga ang mga pamilya namin. It's just for the kids to feel the presence of Christmas. Masaya naman kasi talaga sa pakiramdam ang mabigyan ng aginaldo, at gusto rin naming ipaexperience sa mga bata iyon.
Naalala ko pang nagpapataasan pa kami dati ng mga natanggap na pamasko. London will always win. Ewan ko ba do'n. Malakas ata talaga ang hatak sa lahat. Sabagay ay bolero kasi siya by nature. He'd just tell his ninang that she looks younger, madadagdagan na ng 100 ang bigay nito sa kanya.
"Ninang!" Demi greeted when we visited on one of her ninang's house. Nagmano siya roon at bago mag-biro. "Beke nemen. Penge ten thousand!"
"Bruhang 'to. Ikaw na nga dapat ang mag-bigay sa'kin," her godmother replied and pinched her waist. Nailing na lamang ako sa kanila at sinamahan sina France na magmano sa mga naroon.
Natatandaan ko nang mag-18 kami ni Demi ay tumigil na ang pagbibigay sa amin ng mga aginaldo. She would always rant about it. Dapat daw mas malaki na ang ibinibigay ngayong mas matanda na kami dahil mas kailangan ng pera. Pera pang-fishball, pambili sa Shopee, pang-date, etc.
BINABASA MO ANG
I Fell For You
Teen Fiction{ Constantine Series: Book III } Is it worth the fall? - Genieva Lessandra is a young artist who aspires to be known worldwide so she could showcase her beautiful artworks. After her graduation, she went to Paris as a gift from her parents. While vi...