CHAPTER 2

1.8K 84 15
                                    


David's POV

Tapos na ang sem break kaya balik klase na. Last week was Jay-Jay's death monthsaryy at yung nangyari sa mall.

"Good morning class," bati ng kararating na guro.

Us being a Section E, being an ulupong hindi kami sumagot yung mga girls lang. Yes, you read it right. Section E is not same as before na isang outcast section, ngayon parang normal na sya may nga babae na rin at nakasama narin kami sa mga activities. Not like before that we have a queen, now we don't have, our mutya are gone and we don't want to replace her.

Nagsimula ng mag discuss ang guro hanggang sa matapos eto.

"Okay guys, I have announcement. So please listen to me," naagaw ang atensyon ko ng magsalita si Ella.

"Since Christmas is coming our school will conduct a Christmas ball!" masiglang dagdag nya. Nagtilian naman ang ibang mga babae.

Napansin ko ang mga ulopong na tahimik lang na para bang walang paki alam. Ganyan ang epekto ng pagkawala ni Jay-jay. Maybe they remembered the Christmas party we had in Eman's restaurant last year, andon si Jay-jay that time kaya nalungkot akong isipin na ngayong pasko hindi namin sya makakasama.

Napansin ni Ella ang pananahimik namin kaya nagsalita ulit sya.

"Oh, bakit tahimik kayo? What's not clicking guys? Hindi ba kayo masaya para sa party?" tanong nya.

"Para saan pa kung hindi naman tayo kompleto," bulong ni Ci-n, enough for all of us to hear.

"Of course complete tayo, dapat pumunta ang lahat," sagot nya. Ewan ko kung tanga ba sya at hindi nya na gets ang sinabi ni Ci-n.

"Hindi nga tayo kompleto! Bakit pupunta ba si Ate Jay? Ha!" naiinis na sigaw ni Ci-n. "We don't have my Ate Jay! our Mutya kaya hindi kami pupunta!" dagdag nya. Agad naman syang pinatahan ni Felix.

"What?!" hindi makapaniwalang tanong nya. "Hanggang ngayon ba, hindi nyo parin matanggap na wala na sya?" dagdag nya.

"Hindi ganun kadali yun! Lalo na't andon kami at wala man lang kaming nagawa," hindi ko na napigilan ang sarili kong sumabat dahil sa sinabi nya.

Paano nya nasabi ang lahat ng yan?

"You're so insensitive Ella," sabat ni Yuri.

"I just want you guys to accept the fact na wala na sya at hindi na sya babalik pa--" hindi nya natapos ang sinabi nya ng may malakas na sampal ang tumama sa mukha nya.

"Maldita ako pero hindi naman ako ganyan kasama tulad mo!" naiinis na saad nung sumpal sa kanya.

"Wow, saying that as if hindi mo rin sya sinampal Freya, kagaya mo rin lang ako!" tumingin sya sa amin. "At kayo, maka asta kayo parang may nagawa kayo at bakit hindi nyo matanggap na iniwan na nya kayo! Sino ba sya at bakit ganun nalang sya kahalaga sa inyo?! " naiinis na tanong nya habang nakakuyom ang kamao. Parang any minute now mapipiksi na ang litid ng ugat nya.

"SHE'S OUR QUEEN!" sigaw ni Keifer ngayon lang sya nagsalita simula kanina.

"BUT I'M THE FIRST! Ako ang na una, and I'm still here bakit hindi nalang ako? I'm the original diba? Bago pa sya ako na ang mutya nyo!" sigaw nya pabalik.

"Magkaiba kayo, You're the first but not never been the best, She's the second and she's the greatest of the best," kalmadong saad ni Yuri.

"Whoa"
"Galing"
"Tama sya"

- mga reaksyon ng mga ulupong. Kahit kailan talaga, kahit ang seryoso ng usapan nagawa paring mag ganyan.

"Pero minahal nyo ako diba?" mangiyak-ngiyak nyang tanong. Tsk! ano na namang ka dramahan to Ella? Hindi kami tanga.

"Yeah we once," saad ni Keifer napa tingin kaming lahat sa kanya.

"That means you can love me again. Pwede pang mabalik dib--"

"And we regret it" dugtong ni Keifer sa sinabi nya kaya napatigil si Ella.

"What?!" saad ni Ella.

"Wag mo ng pilitin ang sarili mo Ella, dahil kahit kailan sya parin ang mutya namin," kalmadong saad ko.

Hindi naman pweding taga kwento lang ako dito at walang ambang noh. Aba! hindi ako narrator lalong hindi ako author.

(a/n: dinamay moko?)

"Tama si David, Ella. Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo," nagsalita nmn si Felix.

"Huh! I can't believe you guys! You are the worst!" huling saad nya bago umalis.

Saka lang nawala ang tension pagka-alis nya. Natahimik naman ang lahat pero binasag yun ni Freya.

"So hindi talaga kayo sasali sa Christmas ball?" mahinahong tanong nya.

"Hindi nga diba!" saad ni Ci-n.

"Oh, chill tinatanong lang eh," umupo naman sya pagkatapos.

Pagkatapos nung matinding sagotan, katahimikan ang bumalot sa amin. Nabulabog lang ng biglang may pumasok at humahangos tila ba nag mamadali.

"Guys may *inhale* *exhale* may bago..." hinihingal pa nyang sabi kaya wala kaming na intindihan.

Mag nag abot sa kanya ng tubig at ininom nya naman yun.

"Okay na? Magsalita kana," sabi nung nag abot.

"What is it all about?" naiinip na tanong ni Keifer.

Huminga muna sya ng malalim bago magsalita.

"May bago tayong kaklase," sabi nya.

"Ahh,"
"okay,,"
"Tapos?"
"Yun lang,"
"Nakita mo ba?"
"Babae? Maganda?"
-sari-sari namang reaksyon ang natanggap nya. Nakatanggap rin ng batok si Eren dahil sa sinabi nya.

"What's the big deal?" tanong ni Keifer.

"Eh kasi ano," tumingin sya sa amin bago. "K-kasi-" hindi nya natuloy dahil pumasok ang adviser naming si Ma'am Cindy.

"Okay class, I have an announcement," panimula nya at tahimik naman kaming lahat. "We have a new classmate, I hope you will be good to her. Miss Sierra come in," dugtong nya kaya napalingon kaming lahat sa pinto. Tutok na tutok ang iba na tila hindi nila eto makikita pa sa susunod.

May pumasok na babae, hindi pa sya naka uniform pero ang sout nya ay isang gray with red stripe skirt na parang pang uniform naman ang desenyo at faded pink over sized jacket. Nakayuko sya at may bangs na nakatabun sa mukha nya habang naglakad papunta sa gitna kaya hindi namin maaninag ang kanyang hitsura.

Bakit parang pamilyar? Yung tindig nya yung style ng buhok nya. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan pero feeling ko nakita ko nato.

Dahan-dahan nyang inangat ang kanyang ulo

O_O -- kami
-_- sya

napasinghap ang lahat ng makita namin ang kabuuan ng mukha nya. Napatayo rin sila Keifer at Ci-n, kasama na ako roon, laglag panga naman ang iba.

"P-paano?"
"Ate Jay?"
"Jay-jay,"
"B-buhay ka?"
"Totoo ba to"
"Hala puta"
"Paki gising nga baka nanaginip ako,"
"Nakita nyo ba ang nakikita ko?"
"Jay-jay,"
"Shit!"
-samot saring saad ng mga ulupong.

Nilibot naman nya ang kanyang tingin sa amin. Our gazed met and she smirks.

"Introduce yourself Miss," saad ni Ma'am. Kung hindi pa sya nag salita hindi pa matitikom ang mga nakanganga.

"Hi, I'm Jasper Yanna Claire Sierra, 18 years old from Median Senshi International School, Japan Society," pag papakilala nya at ngumiti sya.

She really have the same features and face of our mutya kaya ganun nalang ang pagkabigla ng lahat. I don't know what's happening the last time I check wala namang kapatid si Jay-jay or that what I thought. Pero eto nasa harap namin ay parang repleka nya mula sa mata, ilong labi, katawan. Kaya ba pamilyar sya sa akin? Pero hindi eh may nag sasabi sa aking nakita ko na sya, sya mismo.

Pinaupo naman sya ni Ma'am Cindy sa bakanteng upuan malapit sa bintana. Naglakad sya papunta sa upuan, nakasunod naman ang lantarang pagtitig ng mga kaklase namin at hindi parin makapaniwala.

I am HER [COMPLETED]Where stories live. Discover now