CHAPTER 14

761 47 0
                                    


YANNA'S POV

Hindi namin sa Zodiac dinala si Freya kundi sa isang apartment lang na para sa aming lahat. Dito namin ginagawa ang mga bagay na hindi related sa Goddess. Mahirap na hindi ko alam kung kakampi ba si Freya or kalaban.

Kanina pa nag pa balik-balik sa utak ko ang sinabi ni Freya. Hindi naman sa exaggerated ako pero what if lang naman may alam sya tungkol sa amin. Mas mabuti na ang safe.

"Nakarating naba sa outer space?" napatingin ako kay Xy na biglang nag salita sa gilid ko.

"What?" tanong ko.

"Kanina kapa kasi lutang," sabi nya.

"Wala may iniisip lang ako," bored kong sabi at tumingin sa direksyon ni Freya na ginagamot naman ni Mica.

"May isip ka pala," bulong ni Xy pero halata namang pinaparinig talaga. Napa roll eyes nalang ako.

Nakita ko si Rian na lumapit kay Freya.

"Pwede bang mag tanong?" walang emosyong tanong nya.

"Nag tanong kana Rian," pang babara ni Xy. Nakatanggap naman sya ng masamang tingin galing galing kay Rian.

"Uhm, sure," maikling sagot ni Freya.

"Bakit ka kinuha ng mga taong yun?" seryosong tanong ni Rian.

Hindi naman agad naka sagot si Freya at palingon-lingon sa paligid.

"You can trust us Freya," mahinhing sabi ko.

"Uhm I don't know," sabi nya.

"What do you mean you don't know?" taas kilay na tanong ni Tine.

"Hindi ko alam ang pakay nila sa akin... pero," hindi nya tinuloy ang sasabihin nya at tumingin sa akin. Naguguluhan ako sa tingin nya.

"Pero?" pang uusisa ni Xy

Bumuntong hininga sya bago nag patuloy sa pag sasalita. "Narinig kung binanggit nila ang pangalan ni Jay-jay at Yanna,"

Napatingin silang lahat sa akin but I can't remove my eyes from Freya, convincing myself na totoo ang sinabi nya.

"Yun lang? Ano namang kinalaman ni Jay-jay dito eh wala na sya diba," sabi ni Xy.

"I don't know," saad ni Freya.

Nahulog kaming lahat sa malalim na pag iisip nang biglang may mag ring na phone.

Nakita ko namang agad na tumayo si Rian at sinagot ang tawag. Nakapagtataka lang na tumayo pa sya. Usually kasi wala naman syang paki kung maririnig namin ang pinaguusapan nila. But now something change.

**----**

Nagising ako dahil may tumapik sa balikat ko. Nakita ko naman si David na mukhang nag alala.

"Lunch time" sabi nya

Tumango ako at agad na tumayo. I didn't bother bringing my bag wala namang mawawala dyan.

Kasama namin si Mica, Freya, Grace at ang apat na lalaki.

Hindi muna namin pinauwi si Freya, tinawagan nalang namin ang parents nya at sinabing may sleepover kami at may gagawin rin para sa masquerade ball. Kaya hanggang ngayon kasama parin namin sya. I don't see her as a threat though we don't trust her that much pa.

"Are you okay?" balik ako wesyo dahil sa tanong ni David. Hindi ko napansing nasa cafeteria na pala kami.

"Yes, why?" sagot ko.

"Nothing kanina kapa kasi tahimik," sabi nya.

"I'm always quiet naman ah," I said then pout.

"Today is different," he said and shrugged.

I am HER [COMPLETED]Where stories live. Discover now