CHAPTER 5

1.2K 60 2
                                    

YANNA'S POV

Hanggang ngayon nakatulala parin ako, hindi ko maisip na yung may inosenteng mukha na Mica, ay may alam tungkol sa Enigma—thats what we call for a gangster society. Naisip kong baka kakampi sya kasi kung kalaban man edi dapat kanina pa ako malamig na bangkay diba. Pero baka naman may trap lang yun at may iba pa silang plano. Shit! diko talaga kayang tanggapin. Na yawa na.

"Yanna," napaksi ako ng may tumawag sa akin.

"B-bakit?" Gago bat ako nauutal?

"Wala kabang balak umuwi?" nakataas kilay na tanong ni David. Sungit naman neto.

Nilibot ko ang paningin ko sa boung room. Doon ko lang napagtanto na ako nalang pala ang prenting naka upo sa silya, wala ng ibang tao bukod kina, Yuri, Ci-n, Keifer at David na naghihintay sa akin, nga lang andun na silang lahat sa pinto at tila ako nalang ang hinintay.

"Ah, teka lang," inayos ko na ang gamit ko bago tumayo at pumunta sa kanila.

Naglakad na kami sa hallway ng may tumawag sa phone ko.

Arianna Calling--

"Bakit?" bungad ko pagsagot.

[Hindi ka talaga hilig mag hello mn lang noh,] reklamo nya sa kabilang linya,] Aish bakit ba big deal sa kanila yun?

"Ano ba kasi yun?" kunwaring naiinis kong sambit.

[Duh, yung sasakyan mo nasa parking lot na, pinahatid ko kanina,] sabi nya. Naalala kong nagpahatid lang pala ako kanina.

"Ano? eh paano yung susi?" tanong ko.

[Natanga kana ba Yanna? Syempre iniwan ko dyan sa guard,] paniguradong hindi maipinta ang mukha nya ngayon.

"Oo, na buti pinagkatiwalaan mo," kasi diba iniwan nya don sa guard, malay mo baka itakbo nya yun.

[Subukan nya lang, baka hindi na sya sisikatan ng araw] sambit nya. Napailing nalang ako. Etong babaeng to baliw.

"Oo na," sabi ko.

[Bilisan mo, sinabi naman siguro ni Lyra kung saan tayo mamaya diba?] Shit! yun na, nakalimutan ko na, yung tinawag sa akin ni Lyra kanina. Oo, Lyra was the one who called me earlier. Shit naman oh.

Pinatay nya na ang tawag kaya, nagmamadali akong pumunta sa guard house.

"Nagmamadali ka?" tanong ni Keifer. Eto din nakalimutan ko ring kasama ko pa pala sila.

"Ah, parang ganun na nga," sabi ko, patuloy paring naglalakad, ngayon lang ako nalayuan sa gate.

"Ihahatid kana namin," presinta ni Yuri.

"Wag na, may sasakyan naman ako," sabi ko. Tumango naman sila.

"May kukunin muna ako sa guard," sabi ko ng matanaw ko na ang guard house.

"Manong guard, meron bang iniwan ditong susi?" sabi ko. Tinitigan muna nya ako na tila kinikilala.

"Patingin ng ID iha," sabi nya. Pinakita ko naman ang ID ko. Nang makita nya na. May kinuha muna sya sa drawer nya at nilahad sa akin. Yung susi.

"Salamat po," sabi ko bago umalis. Nakabuntot parin yung apat.

Para silang F-4 tapos ako si Shan chai. Meteor Garden lang ang peg.

Pagdating namin sa parking lot. Inilibot ko ang tingin ko, hinanap ko ang sasakyan.

Saan naba yun nilagay ng bruha?

May nakita akong naka kumpulang mga tao. Parang may tinitignan sila doon. Hindi ako pweding magkamali andun ang sasakyan ko.

"Asan na sasakyan mo?" tanong ni Ci-n, ngayon lang to nagsalita.

I am HER [COMPLETED]Where stories live. Discover now