CHAPTER 19

799 50 21
                                    

JAY-JAY'S POV

Naalimpungatan ako ng may marinig na tawanan. Binuksan ko ang mata ko at bumungad sa akin ang isang pamilyar na kisame, kinusot-kusot ko pa ang mata ko dahil baka nanaginip lang ako pero hindi nandito talaga ako sa silid nato.

Naalala ko naman ang nangyari kahapon bago ako nawalan ng malay. I was with Yanna habang nakaharap kay Keifer pati yung mga pinagsasabi ko ay naalala ko pa. Dali dali naman akong bumangon at nabigla pa ako ng makitang bihis na ako.

Shit sinong nagbihis sa akin?

Pumunta ako sa closet nya at nanghalungkat, hindi ko alam kong anong mararamdaman ko ng makitang andon pa ang ibang gamit ko. I just shoved the thoughts away at iling-iling na pumunta sa banyo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas ako sa cr. Mapait akong napangiti, parang kailan lang noong palagi ko pa itong nagagawa, magiging sa kwartong ito na nasa tabi ko sya. Sharing our good morning and good nights.

Napangiwi naman ako sa ala-alang yun. Tsk, dapat limot kona yun eh. Jay-jay naman wag mong pairalin ang pagiging marupok mo!

Bumuntong hininga ako bago lumabas sa kwarto ni Keifer, yes andito pa ako sa bahay nila. Malapit na ako sa hagdan ng marinig ko ulit ang mga tawanan nila sa baba.

"Hahaha, Oh pano ba yan Felix edi mamulubi kana nyan,"

"Feeling rich kid kapa ha,"

"Pustahan hindi mo yan mapapalitan, ni hindi mo nga ako pina utang eh,"

"Ulol kaya kong palitan yun,"

"Tsk, You should be," nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ni Rian.

"Aww, nakakapanibago ka ah," sinundan naman ni Yanna.

"People change daw kasi hihihi," si Xyrine.

"Shut up," inis na sabi ni Rian at nagtawanan naman silang lahat.

Kunot-noo akong bumaba sa hagdan at na abutan ko sila sa sala na masayang nagkwentuhan.

"Jay-jay," tawag ni Mica na syang unang naka pansin sa paglapit ko. Natahimik naman silang lahat at tumingin sa akin. Walang emosyon ko silang tiningnan bago umupo sa tabi ni Yanna.

"What happened?" tanong ko sa kambal ko.

"You passed out," kalmadong sabi nya. Tumango-tango naman ako.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" rinig kong tanong ni Rian.

"I'm fine I gues?" bumuntong-hininga ako at tiningnan ang paligid. Kusang hinanap ng mata ko ang isang tao pero hindi ko pinahalata. Nasaan kaya sya?

"Ate Jay," rinig kong saad ni Ci-n, nagtalo ang kalooban kung tingnan sya pero hindi ko kaya. Lumingon ako sa kanya at pinagtaasan ng kilay.

"Oh?" malamig kong sagot sa kanya.

"I'm s-sorry," nakayukong ani nya.

"Hindi kaba naririndi kaka sorry? Kasi ako? Oo, rinding rindi na ako," bakas ang inis sa boses ko. Ewan ko wala naman akong balak sungitan sya pero lumabas talaga sa bibig ko eh.

Sorry batang kumag but not now.

"Chill ka nga," sita sa akin ni Yanna at inirapan ko naman sya.

"I can't believe na buhay kapa Jay," rinig kong sabi ni Felix.

"Ako rin naman hindi ko akalaing buhay pa ako," sarkastiko kong sagot.

"What actually happened to you?" nanindig ang balahibo ko ng marinig ko ang boses nya sa bandang likuran ko. Hindi ako nakapagsalita agad!

I am HER [COMPLETED]Where stories live. Discover now