CHAPTER 12

859 46 7
                                    

YANNA'S POV

Naalimpungatan ako ng may marinig na ring. Pinakiramdaman ko muna ang paligid, alam kong andito kami sa hospital ramdam ko ring hindi lang dalawa ang tao dito. Hindi muna ako dumilat at nakinig muna sa kanila.

May sumagot naman sa ring ng phone at isang pamilyar na boses ang narinig ko. Si Mica, buti naman at naisip nilang tawagan si Mica. Nakinig lang ako sa usapan nila hanggang sa matapos eto.

"Sa tingin nyo, bakit nangyari yun?"

"I don't have an idea,"

"Hindi kaya dahil sa atin yun? Baka may naiinggit dahil nakuha natin ang rank 3 kaya pinamanmanan tayo at ginawang bait si Yanna?"

"Possible,"

Narinig ko pa ang pinag-uusapan nila. They are talking about the Enigma, buti nalang at yun lang ang naisip nilang dahilan.

Naghihintay ako sa susunod na pag-uusapan nila pero isang pagbukas ng pinto lang ang narinig ko.

"I'll just check her, okay," rinig kong sabi ng isang napaka pamilya na boses. Hindi ako pweding magkamali.

Rinig ko ang papalapit na yabag neto pero bigla nalang etong napatigil. Siguro nakita na nya kung sino ang nakahiga dito.

"Mom? Are you okay?" tanong ni Ci-n. Yeah I know she's Ci-n's Mom.

"Y-yes. She just look familiar," sabi nya. Should I be fluttered dahil may naka alala sakin?

"Baka si Jay-jay ang ibig mong sabihin," sagot ni Ci-n na may bahid na lungkot. Everytime na maalala nya si Jay-jay nalulungkot talaga sya.

"H-hi-" magsasalita na sana sya but I interrupted.

Dal-dal din ng doctorang to noh. Baka kung ano-ano pa ang masabi neto eh.

"A-aray," e-erey, ang Oa mo Yanna hahah.

Agad naman akong dinaluhan ni David. Bahagya akong ngumiti ang muttered thanks to him. Napansin ko naman ang pamumula ng tenga nya.

Tama yan David, ma fall kalang.

Tumingin naman ako sa harap, nakita ko ang doctora, punong-puno ng takot ang mga mata. Ngumit ako sa kanya, napansin ko ang paglunok nya bago lumapit sa akin at chineck ako. Pagkatapos nun agad syang lumabas.

Tinanong ko sila kung anong nangyari sa akin. At kinuwento naman ni David ang lahat. Kahit alam ko naman kung ano talaga ang nangyari, part of the act kumbaga.

Natulog lang ako remember? Ramdam ko pa nga ang mga kinakalikot ng doctor kanina sa emergency room pero I still acted patay malisya.

Nang matapos nyang i kuwento sa akin ang nangyari ay magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok na apat na demonyo ma sunod-sunuran ni Satanas. De joke lang.

"Whaaaa Yanna," Oa na bungad ni Xyrine.

"Anong nangyari sayo? huhuhu" naiiyak na sabi ni Rian. Oh Rian galingan mo parang hindi ikaw ang sumuntok ng tyan ko.

"What happened bah?" tanong ni Christine.

"Whaaa huhuhu, Yanna. Wag mokong iwan. N-ngako kapang lilibre mo ako diba. P-punta pa tayo sa Amusement park diba? diba? Huhuhu," nabaliw na talaga si Xyrine. Maka asta to parang mamatay na ako.

"Ano kaba! Hindi pa ako mamatay," kunwaring naiinis na sabi ko.

Tumahan naman sya at nagpunas ng mukha. "Ay ganun bah? Sayang naman. Nabuhay kapa," naka pout na sabi nya. Nakatanggap naman sya ng batok galing kay Christine at Rian.

I am HER [COMPLETED]Where stories live. Discover now