CHAPTER 29 - LAST BATTLE

989 40 20
                                    

THIRD PERSON'S POV.

Nakahanda na ang lahat para sa pagsugod nila. Hindi na nila hinintay pang mag alas nwebe dahil na din kay Jay-jay. Ang iba ay walang kaalam-alam kung bakit nila ginawa to pero kung para kay Jay-jay, gagawin ng mga ulupong ang lahat para narin makabawi kay Jay-jay.

Nasa harap ng computer si Xyrine, Edrix, Rory nagtutulungan silang ma trace ang location ng video. Habang ang iba naman ay naghahanda sa dadalhin nila.

"Yung mga hindi na kayang lumaban dito nalang kayo," sabi ni David sa mga ulupong na galing pa sa pang bububog-bog ng Geronimo.

"Sasama kami, hindi pweding hindi kami makaganti sa gumawa samin neto," lakas loob na sagot ni Drew na sinang-ayunan naman ng lahat. Napailing nalang si David dahil wala syang magawa.

"Yes! Got it!" napalingon ang lahat dahil sa pag hiway ni Xyrine kasabay ng pakipag-apir kila Edrix, parang naglalaro lang.

Agad namang lumapit si Jay-Jay sakanila.

"Nahanap nyo na?" nagmamadaling tanong ni Jay-jay.

"Yes Jay, at mukhang mahihirapan tayong pumunta doon dahil nasa gitna ng dagat," sagot ni Xyrine, may pinakita syang coordinates at gaya ng sabi nya nasa gitna ito ng dagat, they're on a small island.

"What? Paano yan, saan tayo makakarenta ng yacht ngayon?" nag-aalalang sambit ni Rian, noong nakaraang gumamit sila ng yacht ay nag renta lamang sila nun.

"You can use mine," lumingon silang lahat kay Keifer dahil sa offer nya. Deretso lang syang nakatingin kay Jay-jay.

Jay-jay want to say no, pero kung ang kapakanan man ng dalawang buhay ang pinaguusapan ay walang lugar ang magiging pakipot. Lakas loob syang tumingin kay Keifer. Napaigtad naman ang huli dahil sa pagtapo ng malamig na tingin nito.

"Magagamit ba natin yun ngayon?" tanong nya.

"Yes, tatawag ako para ipahanda," sagot ni Keifer.

"Then let's go," singit ni Yanna. Agad namang may tinawagan si Keifer. Ang ibang Section E ay agad namang kinuha ang mga balak nilang dalhin, gaya ng baril at iba pang magagamit nila sa paglalaban.

The Goddess minus Christine plus Freya ay naghanda narin. Oo, sinama nila si Freya dahil alam nilang makakatulong ito.

Akma na silang lalabas ng magsalita si Rian.

"Freya," tawag nya nito, lumingon naman ang huli.

"Bakit?" nagtatakang tanong nya.

"Wag kang mabibigla kung makikita mo si Ella doon," -Rian.

"Huh? Bakit?" nabigla sya kung bakit nasali ang pangalan ni Ella sa usapan. Lumingon sya sa kasama nya pero walang balak magsalita.

"She's one them, the bad guys," si Yuri ang sumagot, bakas naman ng hindi makapaniwala ang mukha ni Freya.

Lumabas na sila sa Zodiac, naiwan naman ang Thrashers at sila Percy and Aries, gaya ng nakasanayan ay gagalaw sila ng tahimik.

Sumampa na sa motor ang mga babae, kahit sugatan si Jay-Jay ay pilit parin nyang mag motor dahil mas comportable sya kesa doon sa van kung saan si Keifer. Kinakabahan sya kung ano ang magiging reaksyon ni Keifer kapag malaman na nya lahat ang totoo.

JAY-JAY'S POV.

We are on our way sa daungan kong saan naghihintay ang Yacht ni Keifer. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Si Alas hindi ko inexpect na makukuha nila sya, hindi ko rin maisip kung paano nila sya nahanap gayong sinisiguro kung walang nakaka-alam sa tinitirhan nya. Inisip ko din kung nanlaban ba sya nung pagdakip sakanya dahil kung ganun, maaring sa mga oras na ito nanganganib ang batang nasa sinampupunan nya, at yun ang pinakakinatatakotan ko.

I am HER [COMPLETED]Where stories live. Discover now