CHAPTER 6

1.2K 61 9
                                    


DAVID'S POV

"Let's all welcome, the arrival of the second rank, Thrashers," sabi ng nasa stage. Napalingon naman kaming lahat sa bagong dating. Anim na kalalakihan, nakasout din sila ng mask kaya hindi namin mamukhaan. Pumunta sila sa taas ng stage kong saan makikita ang mga nag-aaway sa baba. Walang nagsasalita sa kanila.

So manonood lang pala sila.

"Fighters Position," rinig namin. Yun ang hudyat na magsisimula na ang laban.

Nakaposisyon na ang lahat. Tila nag hihintay kong sino ang mauuna.

May tumakbo patungo sa direksyon ko, agad ko namang nailagan ang suntok. Hinablot ko ang kanyang kamay at umikot pabalang ko syang binagsak at sinipa sa tyan. Napadaing naman sya sa sakit. Hinarang ko ang aking kamay ng may pasipa sa tagiliran ko, hinarap ko naman sya, sumugod sa nga suntok, sinipa ko ang kanyang dyamanti, napabalukot naman sya sa sakit.

Sunod-sunod pa ang mga nakalaban ko, may daplis narin ang mukha ko. Shit! Mahahalata pato. Marami naring  nakahandusay at namimilipit sa sakit. Nakita ko yung mga lalaki kanina, nakangisi sila habang nakaharap sa amin. Kunti na pala ang nandito sa gitna.

"Pinahanga nyo ako mga bata, akalain nyo napatumba mo sila, yun nga lang sila yun at hindi kami," nagtawanan naman sila.

"Puro dal-dal," rinig kong sambit ni Ci-n. May pasa narin to.

Nawala ang atensyon ko sa kanila ng may naaninag akong tao sa taas ng stadium. Masyadong madilim ang parte na yun kaya hindi ko maaninag kong sino. Nilibot ko ang paningin ko meron din akong naanig sa  madilim na bagahi ng stadium.

Naramdaman ko nalang na gumulong ako. Shit! hindi ko napansin ang sumipa sa akin. Agad akong tumayo at inulanan ng suntok ang sumipa sa akin, hindi nya inaasahan yun kaya hindi sya naka ilag. Patuloy parin ako sa pagsuntok hanggat sa mawalan ito ng malay. Meron na namang paparating sa direksyon ko kaya agad akong naalerto. Napaatras ako ng may kinuha syang patalim. Puta! Kaya pala ang dali lang sa kanilang patumbahin ang kalaban may mga patalim pala sila.

"So you don't play fair?" rinig kong sambit ni Keifer kaharap yung lider nila.

"Fair? I don't know that," Sarkastikong sagot nya.

"Edi pag-aralan mo bobo," singhal ni Yuri.

"Manahimik ka!" pikon nyang sigaw at nagsimula naman silang sumugod. Ilag ako ng ilag dahil, sa mabilis nyang iwinasiwas ang kutsilyong hawak ng kaharap ko. I found an opening on his offense, sinipa ko ang kanyang tyan at napa atras naman ito. Sinundan ko pa ng isang sipa ang kanyang kamaya na may hawak na kutsilyo, nabitawan nya ito. Sumugod naman ulit sya nailagan ko ang unang suntok pero hindi ang ikalawa, nalasahan ko ang dugo sa kabilang labi ko. Sumuntok ulit sya, pero nasipa ko yun. Ako naman ang nag paulan ng suntok. Napatigil ako sa pag suntok ng marinig ang daing ni Ci-n. Tumayo ako at tinadyakan ang lalaking ngayon ay nakahiga na.

Tumingin uli ako kay Ci-n, nakita ko sa di kalayuan nya ang lalaking may dalang patalim, siguro eto ang kalaban nya. Tumakbo ako patungo sa kanya ng may nag landing sa harap ko kaya napatigil ako. Nakatalikod sya sa akin, pero sigurado akong babae to dahil sa hubog ng kanyang katawan at base narin sa sout neto. Tumakbo sya patungo sa direksyon ng lalaki at sinipa eto, hindi yun inaasahan ang sipa kaya napatumba ang lalaki. Lumapit pa ang babae at sinipa sa batok, ayun tulog.

May isa pang babaeng lumapit kay Ci-n at hinilia eto papunta sa gilid. Lumayo sya kay Ci-n pero nakita ko sa mata neto ang awa. Bakit naman maaawa to. Nilibot ko ang paningin ko doon ko lang napagtanto na huminto pala silanh lahat at nakatingin lang sa anim na babae.

"Ang Goddess," rinig kong may nagsalita sa gilid ko. Nakalapit pala si Felix, may sugat din sa kanyang kamay.

Hindi ko maaninag ang mukha nila kasi nakamaskara rin sila. Napansin ko namang tumayo ang mga Thrashers, tila nag hihintay din sila sa pagkakataon na to.

I am HER [COMPLETED]Where stories live. Discover now