CHAPTER 7

1.1K 56 20
                                    


YANNA'S POV

"Ang boring naman nun kanina," rinig kong sambit ni Lyra.

"Sana nakisali rin tayo nung una palang," sabat naman ni Hydra.

"We're not allowed to interfere nga diba," conyong saad ni Merope.

"Pero sa huli eh we interfer naman," sagot ni Hydra, imitating Merope.

"That's Dark Phoenix decisions. Wala tayong magagawa don," nagkibit-balikat na sabi ni Lyra.

"Speaking of her, where is she?" tanong ni Merope. Napatingin naman silang lahat sa akin.

Pinagtaasan ko sila ng kilay. "What?" tanong ko. Nanahimik lang  ako dito tapos isasali nila ako, duhh.

"Nagbabakasakaling alam mo," bored na sagot ni Lyra.

"I don't know. Baka natulog na," sagot ko. Nilibot ko ang paningin ko at napansing kulang kami bukod kay Dark Phoenix "Where is Maia?"

"Hinda nakapagtataka yun. I didn't know who she really is, even her face," sagot ni Hydra.

"I have someone in mind but, I still can't accept na sya nga, baka mali lang ang iniisip ko," napabuntong hininga nalang ako.

Nandito kasi kami ngayon sa Zodiac. Pagkatapos naming pumunta doon sa gang fight. Plano namin eh manood lang pero, ewan ko ba don kay Dark bigla nalang syang nakisali kaya nakisali narin kami.

—Flashback—

Pagkarating ko sa bahay agad rin naman akong umalis at nagpunta sa Zodiac. Hindi ito kalayuan sa pinagstayan ko, hindi rin malapit.

Pagkarating ko andun na sila, Hydra, Lyra, at Merope.

"Akala ko hindi kana darating," bungad sa akin ni Lyra.

"Mangyayari bayon?" pabalang kong tanong.

"Nasaan sila Dark at Maia?" tanong ko.

"Susunod lang daw sila," sagot ni Hydra.

Tumango lang ako at nagbihis. Isang black mini skirt at black color crop top at knee high boots na may 3 inches heels, komportable ko namang suotin to at sanay na rin kaya okay lang. Pagkatapos kong mag bihis, lumabas na ako, tapos na rin yung tatlo.

"Do you think they will come?" tanong ko.

"Yes, my gut feelings never nagkakamali," conyong sagot ni Merope.

"Okay let's go?" Hydra said and she handed our mask. We need this for our protection. Madali kaming targeten pag wala to. Well hindi naman lahat ng taga Enigma nag susuot.

We went to our garage, I immediately hopped on my big bike. Ganun din sila.

We're on the way to the venue, kalagitnaan ng aming pag dadrive merong sumabay sa amin, akala ko kung sino na but it's Maia and Dark Phoenix. Alam na alam ko yan base on their mask.

Pagkarating namin marami ng tao at nasa loob na ang lahat. Kami nalang ang nasa labas.

"The Thrashers are here," sabi ni Maia. Tinitigan ko sya at parang kinikilatis. Could you be?

"I see, andyan ang sasakyan nila oh," turo ni Lyra sa tatlong sports car na naka parada.

Kaya pala nasa loob na ang lahat.

"Sa likod tayo dumaan, agaw pansin pag sa entrance," sambit ni Dark Phoenix. Tumango lang kami at sumunod sa kanila.

Pag pasok  namin nag sisimula na ang laban. Umakyat kami sa pinakataas. Nag hiwahiwalay kami at nakapwesto. Dapat naming makita ang lalaking yun! Pagbabayaran nya ang ginawa sa amin.

I am HER [COMPLETED]Where stories live. Discover now