CHAPTER 18

749 42 14
                                    

YANNA'S POV

Nagising ako dahil sa mahinang tapik sa pisnge ko, nakita ko naman si David na nakangiting tumingin sa akin.

"We're here," he said, hindi ko alam kung ilang oras ang byahe namin.

Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ang mansyon nila Keifer. Of course alam ko na kila Keifer to. Iginaya ako ni David palabas ng van, nakalimutan ko nga palang naka dress pa ako pati si Freya at Mica.

Pumasok kami sa bahay nila, kasunod naman ang mga ulupong. Nahagip ng mata ko si Drew na marahas ang pagkahawak nya kay Dark Phoenix.

Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nakita na nila mukha sa likod ng maskarang yan?

Naramdaman ko ang pagkabahala ng makitang iba ang dinadaanan nila, tumingin ako kila Rian at alam kong ganun din ang nararamdaman nila ngayon.

"S-saan nyo sya dadalhin?" tanong ko sa kanila, tumingin naman silang lahat sa akin.

"Sa basement," sagot ni Keifer.

"Why?"

"We need to know kung sino nga ba ang babaeng ito," sagot ni Yuri sa akin.

Huminga ako ng malalim.

"I'll go,"  I said at agad naman akong nakatanggap ng pagtutol sa kanila.

"Hindi pwede," sabi ni Keifer

"Bakit?"

"You need to rest," this time si David naman ang sumagot sa akin.

"It can wait. I want to know who's that person too!" pagmamatigas ko. Sinalubong ko ang mga titig nilang lahat. What I want is What I get!

"Fine!" tumalikod si Keifer pagkatapos nyang sabahin yun. Sumunod naman sa kanya ang mga ulupong.

Tumingin ako kila Rian bago naglakad sa dinaan nila Keifer, naramdaman ko naman ang pagsunod nila Rian sa akin.

Hindi nagtagal ay pumasok kami sa isang silid, hindi masyadong madilim hindi rin masyadong maliwanag dahil tanging dalawang ilaw lang ang meron. Marahas nilang binitawan si Dark Phoenix dahilan para sumobsob sya sa sahig. Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil sa awa, gusto ko syang tulungan pero hindi pwede.

Nang hindi sya agarang makatayo ay hinila sya ni Drew na nakahawak lang sa buhok neto. Narinig ko ang pagdaing neto ng bigla syang suntukin sa mukha.

"Enough," kalmadong sabi ni Keifer. Pinaluhod naman sya ni Blaster at marahas na hinawakan ang kanyang baba.

"Take her mask off," utos ni Keifer. Lahat sila ay nakatutok lang sa dahan dahang pag hawak ni Drew sa mask ni Dark Phoenix.

Nakatalikod sya sa amin at natakpan si Dark Phoenix kaya hindi nila makita agad ang  mukha nya. Suminghap at napaatras agad si Drew ng tuluyan nyang makuha ang mask na nahulog din sa sahig dahil nabitawan nya.

Nakayuko si Dark Phoenix at dahan-dahan nyang inangat ang kanyang ulo.

"What the hell!"

"Shit!"

"No!"

"J-jay?"

"Fuck! This is not happening!"

"J-jay-jay?"

"A-ate Jay?"

"M-my Queen,"

Samot saring reaksyon nila habang nakatingin kay Dark Phoenix or should I say, Jay-jay. Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala sa kanilang nakita. Mukhang hindi pa sila tuluyang bumalik sa diwa nila kaya agad akong tumakbo patungo kay Jay-jay at inalayan syang tumayo.

I am HER [COMPLETED]Where stories live. Discover now