CHAPTER 24

596 39 14
                                    

DAVID'S POV

Nandito kaming lahat sa HQ namin dito sa Galaxy at may kanya-kanyang pinagkaabalahan. Ang iba ay andun sa training ground at nagpapawis ang iba naman ay abala sa pagtulog. Andito rin si Keifer at abala sa kung ano. Pumasok naman sa isip ko yung ginawa nyang pagpunta kila Jay-jay kahapon, hindi kopa pala sya natanong tungkol dun.

"Keifer kamusta yung pagpunta kila Jay-jay?" tanong ko at naagaw ko naman ang atensyon nya.

"It didn't go well," bumuntong hininga sya.

"Bakit?" sabat ni Felix na kakaupo lang sa sofa.

"Ayaw nyang makipagusap sa akin," maikling sagot nya at sumandal sa sofa tila ba may iniisip.

"Hindi na nakapagtataka yun. Alam naman natin ang nangyari siguro hindi pa sya handa, " sabi ko pero, hindi natinag si Keifer sa pwesto nya, mukhang nalulunod sya sa malalim na pag iisip.

"Ano nga uli ang buong pangalan ni Yanna?" he asked out of the blue. Kahit nag tataka ay sinagot ko parin sya.

"Jasper Yanna Claire Sierra," sagot ko.

"Ah, Jasper Yanna Claire Sierra and Jasper Jean Mariano. Yanna said they are twins so paanong hindi sila magka apilyedo?" what he said make sense. Tama sya paano nangyari yun?

"And how did they met? Alam naba ni Jay-jay noon palang ang tungkol sa pagkakaroon ng kambal? Paano yung pamilya nya?" tanong ni Felix.

"Mas lalo atang naging kumplikado ang pamilya ni Jay-jay ah," Drew sorted, ngayon ko lang napansin na nandito pala sya.

"Edrix!" tawag nya at agad namang lumabas sa control room ang huli.

"Do some background check of Yanna," utos nya dito, tumango naman si Edrix at pumunta sa control room pero agad ding bumalik dala ang laptop.

Nagsimula na syang magtipa ng kung ano-ano at kami naman ang matyagang naghihintay.

"Here!" hindi nagtagal ay hinarap nya sa amin ang laptop nya, may picture ni Yanna habang may bow and arrow sa likod. "Etong information na to noong sumali si Yanna sa isang sports fest at ang nakasulat sa background nya," he stopped and click something, may lumabas na mga nakasulat doon at binasa nya naman. "Jasper Jean Claire Sierra, 18 years old. Studying at Median Senshi International School. She have an excellent skills in archery, supported with her foster parent Mr. Clayton Sierra-"

"Wait foster parent?" sabat ni Yuri.

"Yun ang nakasulat dito eh then..." napahinto sya sa pagsasalita ang tumingin kay Keifer. "Kailan nga birthday ni Jay-jay?" tanong nya.

"May 29," naguguluhang sagot ni Keifer.

"Bakit iba ang kay Yanna dito? December 13" dahil sa sinabi nya ay pati kami naguguluhan.

"Paanong nangyari yun?" tanong ni Felix.

"Maybe that's the date that she's adopted by Mr. Sierra?" patanong kong sabi.

"Wait December 13, parang may naalala ako sa date na yan. Can you search kung anong meron sa December 13?" saad ni Yuri at agad namang sinunod ni Edrix.

"December 13... wala naman but on December 11 may kidnapping na nagaganap dito sa Pilipinas at ayun sa article it was caused by a big sindicate, named... Geronimo," flashbacks came running in my head when I heard the name Geronimo, hindi ako pweding magkamali yun ang sinabi ng lalaking binaril sa harap ko bago sya binawian ng buhay at iwan ko sa lugar na yun.

Anong ibig sabihin neto? May kinalaman ba sila sa lahat?

"Hey guys meron pa dito. Yanna Claire was from the orphanage Saving Sunshine Shelters in Japan," sabi ni Rory.

I am HER [COMPLETED]Where stories live. Discover now