Chapter One

857 37 6
                                    

Justin's POV

Maaga akong bumangon dahil may meeting daw kami for next endorsement Sabi ni ate rappl.Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina.

"Jah sasabay ka ba?"tanong ni kuya Yani habang nainom ng kape

"Oo Kuya need din maaga don ea"sagot ko sa kanya saka kumuha ng nakakain

"Jah anak kelan ulit sila bibisita dito?"tanong ni mama ng makapasok ng kusina

"Ewan ko lang Ma dami namin ginagawa ngayon ea"sagot ko saka nagkibit balikat

"Jah bilisan mo kumain maliligo ka pa para makaalis na tayo"Sabi ni Kuya

Binilisan ko ang pagkain at naligo nadin pagkatapos.Inayos ko narin ang mga gamit ko saka dumiretso sa labas.Pagkasakay ko ng kotse biglang nagtanong si Kuya

"Di ba natin dadaanan si Josh?"

Chineck ko ang cellphone ko kung may message si Josh Pero wala

"Hindi Kuya,di naman nagtext"sagot ko saka kinabit ang seatbelt ko.

Higit Isang oras din kaming bumyahe bago nakarating sa office.Dumiretso ako sa dressing room ng makita ko ang pangalan ng makakasama ko dito

Si Ken

Pumasok na ko saka naglapag ng gamit.Lumabas muna ko para icheck kung nasa labas ang iba ng makita kong pumasok si Josh sa kabilang dressing room.Sinilip ko yung papel na naglalaman ng pangalan nila ng bigla muling bumukas ang pinto.

"Oh Jah good morning"bati Niya sakin

"Good morning,aga mo ah"

"Ah sinundo ako ni Sejun sa bahay kanina"sagot niya

"Ah ganun ba"

"Si Ken kasama mo sa room"nakita kong nilingon niya papel na nakadikit sa pintuan

"Tatlo kayo dyan?"tanong ko

"Ah hindi,kami lang ni Sejun nabigyan ng chance magsolo si Stell"sagot niya sakin

Mayamaya pa biglang dumating si Sejun kasama si Stell

"Josh lipat ako sa dressing room ni Stell "Sabi ni Sejun saka pumasok sa dressing room

"Ako nalang pala magisa hahahahaha"bulong niya sakin

Napatawa naman ako ng mahina,mayamaya pa bigla namang dumating si Ken.

"Late ka nanaman Suson"bungad ni Stell sa kanya

"Yung cat food ni Kuro nakalimutan ko kuhanin sa vet niya kaya dinaanan ko"sagot nito saka dumiretso sa dressing room ni Josh

"Hoy di dyan dressing room mo"sigaw ko mula sa labas

Nakatayo lang si Josh sa labas ng pintuan habang tumatawa.Tumayo naman sa bakuna ng pinto si Ken saka kinausap si Josh.

"Josh palit nalang tayo dressing room tutal ayoko naman kasama yan si Jah hahaha"tumawa pa nga ang loko

"Sira!"inismiran ko siya

"Sige na Josh please,magsend gift ako sa next stream mo"nagpuppy eyes pa nga ang loko

Tumatawang pumasok si Josh sa loob at kinuha ang gamit.Pagkalabas Niya ngumisi sakin si Ken.

"Tara Jah"Sabi niya saka pumasok sa dressing room namin.

Nilapag niya ang gamit niya saka nagsimulang magayos.Sinimulan ko naring magpalit dahil anytime darating na ang stylist namin.

"Jah patulong nga"napalingon ako ng magsalita si Josh

"Ano Yun?"

"Pabutones naman nitong sleeves ko"Sabi Niya saka tinupi ang dulo ng damit

Naglakad ako papalapit sa kanya saka kinuha ang laylayan nito.

"Hoy"napalingon naman kami pareho sa pinto ng bumungad si Stell

"Ano?"iritadong tanong ko

"Walang make up artist bahala kana magmake up kay Josh"Sabi niya sabay pasok

"Bakit daw?"inosenteng tanong ni Josh

"Ewan ko lang,wala naman sinabi"Sabi niya saka kinuha ang kabilang kamay ni Josh para ibutones ito

Nang matapos ako dumiretso ako sa vanity mirror at chineck ang mga nandon

"Upo kana dito Josh"Sabi ko saka inayos ang mga gagamitin ko

Umupo siya saka humarap sa salamin.Tahimik ko siya inaayusan ng biglang may tumulak sakin mula sa likod at nakapatumba ako sa kanya

"Uy Jah"

Napalunok ako ng mapagtantong malapit ang mukha ko sa kanya

Tangina,kung sino ka man Sana nilakasan mo!?

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now