Justin's POV
Napaayos ako ng tayo ng hilain ako ni Ken.Di ako makatingin ng maayos kay Josh dahil sa nangyari.
"Parang tanga si Ken"hawi ko sa kamay niya na nakahawak sakin
"Hahahaha sorry na Jah,galit ka nanaman"Sabi ni Ken sakin saka umupo sa tabi ni Josh
"Kanino ka nagpamake up Ken?"biglang tanong naman ni Josh
"Sa make up artist"simpleng sagot niya saka kinuha ang phone
Napakunot ang noo ko,Sabi ni Stell wala daw make up artist ah
"Sabi ni Stell wala daw ah?"Sabi sa kanya ni Josh habang inaayos ang damit niya na nagusot dahil sa nangyari kanina
"Gagi?Nandon nga sa kanila ea"sabi ni Ken
Padabog kong nilapag ang brush at foundation na hawak ko saka naglakad palabas
"Justin"napalingon ako ng tawagin ako ni Josh
Shuta nahihiya ako
"Hmm"
"Hayaan mo na patapos narin naman tong make up ko oh,sayang sa oras kung pupuntahan mo pa si Stell don,Tsaka isa pa mas okey na tong make up mo sakin hindi ganun kabigat sa mukha"Sabi niya saka ngumiti
Tangina naman Santos Lalo ko nahuhulog sayo!
Lumapit akong muli sa kanya at tinapos ang make up niya
"Yan"nakangiti siyang umalis sa harapan ng salamin saka lumingon sakin
Ngumiti ako sa kanya saka inayos ng konti ang buhok na humarang sa mata niya
"Salamat Jah"ayan nanaman yung ngiti niya na nagpapalaki lalo ng pisngi niya
Tumango ako saka umupo para ayusan ang sarili ko.
"Yow yow"narinig ko naman ang boses ni Stell na papasok sa dressing room namin
"Bawal scammer dito magagalit artist ko"rinig ko namang sabi ni Josh mula sa likod ko
"HAHAHAHAHA"malakas na tumawa si Stell saka tumabi kay Ken na may sarili namang mundo
"Gagi ka Stell playtime ka nanaman"sabi ni Ken sa kanya saka siya inakbayan
"Josh pasprayan nga tong side ng buhok"sabi ko sa kanya saka inabot ang pangspray
Kinuha naman niya ito saka maingat na nilagyan ang buhok ko.Pero sa kasamaang palad naisprayan niya ng konti ang mata ko
"Aray!"napahiyaw ako ng humapdi ang mata ko
"Hala Jah sorry"naramdaman kong hinawakan niya ang mukha ko at sinisilip ang mata ko
"Ken tissue"utos niya kay Ken Pero hindi parin binibitawan ang mukha ko
Unti unting nawala ang sakit bago pa dumating ang tissue na hiningi niya
"Ken bilisan mo naman"nagpapanic na si Josh
Hinawakan ko ang kamay niya kaya napalingon siya sakin
"Hindi na masakit"sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak sa kamay niya
"Stay still Jah"sabi niya pero hindi parin binibitawan ang mukha ko
Na Kay Ken ang atensyon niya kaya malaya kong natititigan ang mukha niya
Hanggang tingin nalang ba ko?
Nang maabot niya ang tissue agad niyang pinunasan ang mata ko.
"Masakit pa Jah?"he cared so much
Tumango ako
"Let me check"sabi niya saka lalong lumapit sakin
Dahan dahan niyang hinawakan ang mata ko at mayamaya pa hinalikan niya ito
SHOCKSSSSSSSS HINALIKAN NIYA KO
"Sabi ni mama sakin dati effective daw yan"ngumiti siya saka nilayo ang sarili sakin bago bitawan ang mukha ko
KINGINA JOSH CULLEN SANTOS MABABALIW AKO SAYO.......
