Ilang araw na ang lumipas mula nung mangyari yung surprise live namin for A'tin pero until now hindi ko parin makalimutan yung mga nangyari.
"Jah uwi kana?"napalingon ako kay Stell ng makita ko siyang palabas ng studio
Tumango ako saka kinuha ang susi ng kotse sa bulsa ko.
"Parang tanga lang Ken"rinig kong sabi ni Sejun habang papalapit sila samin
"Dali na kasi Sejun daanan lang natin si Kuro"Sabi niya pa sabay hawak sa braso ni Sejun
"Layolayo ng condo mo ea"napairap naman si Sejun
"Please Sejun"nagpacute pa ang loko
Napansin ko namang apat lang kami kaya hinanap ng mata ko si Josh
"Jah"nagulat naman ako ng bigla siyang sumulpot sa tabi ko saka ako inakbayan
"San ka galing Josh?"tanong ni Stell habang inaayos ang bag niya
"Kumain hahahaha"sagot niya naman saka lumingon sakin
"Ano?"takang tanong ko
"Sabay ako Jah"sabi niya sabay ngiti
"At bakit Aber?"pangiinis ko sa kanya
"Tinatamad ako magcommute saka maaga pa baka may makakita sakin sa Daan"sabi niya
"Dami palusot tinatamad ka lang kamo"bulong ko
Tumawa naman siya ng mahina narinig ata sinabi ko
"Tara na"sabi ko saka nagsimulang maglakad palabas ng studio
"Una na kami ni Jah guys"sigaw ni Josh sa tatlo at patakbong sumakay sa passenger seat
"Anyare kay Sejun at Ken?"takang tanong niya ng makapasok ako ng sasakyan
"Mag-overnight ata si Ken kila Sejun kaso gusto pang daanan ni Ken si Kuro"sagot ko at sinimulang paandarin ang sasakyan
Nagcecellphone lang si Josh ng biglang tumawag sakin si Mama
"Josh papindot naman yung speaker"utos ko
Pinindot naman niya ito
"Hello Ma"
[pauwi kana Jah?]
"Opo"
[Daan ka muna ng mall anak,pakibili yung minessage ko sayo]
"Sige po Ma"
[Salamat Jah]
"Babye Ma"
After maend ng call tinignan ko si Josh
"Okey lang ba?"tanong ko sa kanya
Tumango naman siya
"Maaga pa din naman"sagot niya saka binalik ang paningin sa cellphone
Ilang minuto lang nakarating na agad kami ng mall
"Don't forget your cap and mask Jah"sabi niya saka nilagay sakin ang cap na nasa harapan ng sasakyan
Napatingin ako sa kanya
Shuta Eto nanaman tayo!
"Tara na"aya niya saka bumaba ng sasakyan
Bumaba narin ako at nagsimulang maglakad chineck ko din ang phone ko para sa ipapabili ni Mama
"Grocery?"tanong niya ng makalapit ako sa kanya
"As usual"sagot ko saka naglakad papasok ng Grocery store
Kumuha ako ng cart at nagsimulang hanapin ang mga pinabibili ni Mama.Nahiwalay naman sakin si Josh dahil namili din siya ng mga kailangan niya.Paikot na ko para sa huling kailangan ko bilhin ng matanaw ko si Josh na may kausap na babae.Naglakad ako papalapit sa kanila.
"May kasama ka ba Josh?"tanong nito
"Yes I'm with Justin"sagot niya habang namimili sa mga product
Nilalandi ba nito si Josh?
"Ah sige Samantha una ko"Sabi ni Josh
Paalis na sana siya ng hatakin muli nung Samantha ang braso niya
"Teka lang Josh papasama sana ko don oh"turo nito sa kabilang side ng store
Nakita ko naman ang pagkailang ni Josh sa hawak nung babae
"Josh"sigaw ko kaya napalingon sila sakin pareho
Biglang nabuhayan ang itsura ni Josh ng makita ako.Naglakad ako papalapit saka bahagyang hinila si Josh papalapit sakin.
"Justin?"tanong nung Samantha
Tumango ako at sarkastikong ngumiti
"Tapos kana?"tanong ko kay Josh
Tumango lang siya sakin bago hinatak ang cart na dala niya
"Tara na"Sabi ko saka naunang naglakad sa kanya pero bago pa man kami makaalis nagsalita muli ang babae
"See you around Josh"Sabi niya saka maarteng umalis
Nilingon ko naman si Josh
"Kala ko ba maangas ka?Pero bakit tumitiklop ka sa isang babae?"tanong ko
"Ayoko lang magkagulo dito baka bigla magdagsaan ang tao"sagot niya sakin
"Palusot"sabi ko saka naglakad papuntang cashier
After namin nagbayad ng pinamili namin at bumaba kami agad para makauwi na
"Jah"nilingon ko si Josh pagkatapos ilagay ang natitirang paperbag sa likod ng sasakyan
"Oh?"
"Picture tayo Jah"Aya niya saka nilabas ang cellphone
Tumabi naman ako sa kanya saka ngumiti sa camera.After namin magpicture,umalis narin kami at hinatid ko na siya sa bahay niya.
"Salamat Jah"sabi niya saka pumasok na sa loob
Pagsakay ko ng sasakyan biglang tumunog ang phone ko at nakatanggap ng isang notification.
@jcullen mentioned you to a post
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
(hoy po!char hahahahaha note lang babies yung ibang names dito is random lang ayoko kasi magadd nang ibang artist hahahaha Yun lang enjoy reading labyuuuu mga Kaps 💜)