I never expected this to happened.Ang akala ko okey na lahat,akala ko pwede na pero bakit?
"Justin I said pack your things!"my manager shouted
"Para san pa ba to?Umalis na nga siya diba,bakit kailangan pati ako?"napasabunot ako sa buhok ko
Tangina naman!
"Kilala ko kayo,gagawa at gagawa kayo ng paraan para magkita"sigaw niya sakin
Tumayo ako at dumiretso sa dressing room naabutan ko don si Stell at Ken na naguusap.
"Si Josh?"tanong nila sakin
"Umalis"tipid kong sagot
"Is that enough?"takang tanong ni Ken
"Siguro?"di siguradong sagot ni Stell
Kinuha ko ang gamit ko aalis na sana ako ng biglang sumigaw si Sejun
"OKEY CUT!"maligayang sigaw niya saka tumakbo papalapit samin
"Gagi galing mo sa sigaw Jah ah"tumawa si Stell
Nakita ko naman na pumasok ng set si Josh at dumiretso sa tabi ko
"Taray ng iyak mo Josh ah galing"puri naman sa kanya ni Sejun
Naguusap kami ng biglang dumating ang director ng set
"Thankyou SB19 for getting this small project"pagpapasalamat niya samin
"Thankyou din po Direc"pagpapasalamat ko
"Sana makawork kita soon Justin hindi bilang isang artist but being a Director"napangiti ako
"Rooting for that Direk"tumawa ako
"Okey boys pack up na kayo,may set pa ulit kayo bukas"sigaw ni Ate rappl
Kinuha ko ang gamit ko at dumiretso sa tent na inuukupa namin
"Jah"napalingon ako ng tawagin ako ni Ken
"May sundo ka?"tanong niya
Chineck ko muna kung may text si Kuya Yani bago ako sumagot
"Meron,on the way na daw si Kuya"sagot ko
"Yun,sabay mo naman si Josh sakin dapat siya sasabay kaso may dadaanan pa ko ea"Sabi niya habang nakatingin kay Josh na nagaayos ng gamit
"Sige"sagot saka sinukbit ang bag sa balikat ko
"Hoy Ken sabi ko sabay ako"sigaw ni Josh ng makitang papaalis na si Ken
"Kay Justin kana sumabay may dadaanan pa ko"Sabi niya saka tuluyang lumabas
Naglakad papalapit sakin si Josh
"Ah Jah"
"Tara na malapit na daw si Kuya"Sabi ko
Yumuko siya at nagsimulang maglakad
"Josh"lumingon siya ng tawagin ko siya
"Bakit?"
"Nahihiya ka ba?"napatawa ako ng mahina
"Kay Kuya Yani Oo"sagot niya
"Sakin?"
"Hindi hahahhaa"tumawa siya
Parang timang hahahaha
"Ah talaga ba Josh?"inismiran ko siya
Nilingon ko siya at hanggang ngayon nakangiti parin siya
Sana araw araw ganyan yung ngiti yung nakikita ko...
