Justin's POV
Binigyan kami ng isang linggong pahinga dahil sa susunod na linggo puspusan na ang paghahanda namin sa bagong music video na ilalabas.Ilang araw narin kaming hindi nagkikita kita.To be honest namimiss ko na sila Lalo na si Josh.
Nagbukas ako ng computer ko para maglaro nang biglang tumawag sa GC si Stell.Himala tumawag siya ngayon.
"Oh/Bakit?"sabay naming sagot ni Sejun habang kakasagot lang ni Josh ng tawag
"Namiss ko kayo"Sabi niya at tumayo sa kama
"Di kita namiss"pabalang kong sagot sa kanya
"Di ka naman pala namiss Stell ea hahahaha"pangaasar ni Sejun sa kanya
"Ah talaga Sejun?"inismiran niya ito
"Magstream ka Josh?"tanong ni Sejun habang inaayos ang computer niya
"Bukas pa,tinatamad ako ea"sagot niya at saka humiga
Tinignan ko si Josh mula sa screen at napansin kong antok na antok pa,mukhang naglaro pa kagabi
"Josh punta kami dyan overnight"biglang sabi ni Stell
"Bakit dito?"takang tanong niya
"Ikaw lang naman walang kasama sa bahay bukod kay Ken ea"sagot naman ni Sejun
"Dali na Josh"pagpupumilit niya
"Oo na sige na"pagsangayon niya
Napayuko naman ako di ko alam kung papayagan ako umalis ni Mama,tuwing dayoff kasi ayaw niya na naalis ako
"Sama ka Jah?"tanong ni Sejun
Nagangat ako ng tingin sa screen at nagkibit balikat
"Ewan ko pa,try ko magpaalam,alam niyo naman si Mama"sagot ko sa kanila
Mayamaya naman biglang may kumatok sa kwarto ko
"Jah"napalingon ako at nakita kong nakasilip si Mama mula sa pinto
"Si tita Gemma ba yan?"tanong ni Stell
Tumango ako bilang tugon
"Papasukin mo ipagpapaalam ka ni Josh"dugtong pa niya
"Bakit Ma?Tara po dito"sagot ko kay Mama at iniharap sa kanya ang screen
"Hi tita Gemma"maligalig na bati ni Stell
"Good afternoon tita"bati naman ni Sejun
"Hi tita imissyou"Sabi naman ni Josh na ikinangiti ko
"Hi boys"bati ni mama sa kanila
"Tita may sasabihin si Josh sa inyo"Sabi naman agad ni Stell
Napakaligalig talaga ng Isang toh
"Ano yun Josh anak"tanong naman ni Mama
Anak!son in law mo na ba siya Ma?
"Gusto daw po kasi mag-overnight nila Stell dito sa bahay,pwede po ba si Justin?"nahihiyang tanong niya
Nilingon ko naman si Mama at nakita kong ngumiti siya
"Hahahahaha hanep Josh para kayong magjowa ni Jah Tas pinapaalam mo siya sa Mama niya para magdate kayo"segunda naman agad ni Stell
Napayuko ako at feeling ko lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko
Shuta ka Stell nakakahiya
"Oo nga noh hahahaha"sabi naman ni Sejun
Nilingon ako ni Mama saka sumagot
"Okey sige basta dito kayo magdinner bukas ha"sagot ni Mama sa kanila
"Yown"sigaw naman ni Stell
"Thankyou tita"Sabi naman ni Josh
"Paniguradong magiinom kayo,kaya please lang boys hinay hinay ha"paalala ni Mama samin
"Opo tita Thankyou ulit"sagot ni Stell sa kanya
"Oh siya sige na magasikaso na kayong lahat"Sabi ni Mama saka naglakad palabas ng kwarto ko
"Sige na guys magasikaso na tayo"sabi ni Sejun at pinatay ang tawag
Pinatay ko narin ang akin at saka tumayo upang magayos ng biglang tumawag sakin si Stell, sinagot ko naman siya agad
"Ano Yun demonyo?"pabalang kong sagot sa kanya
"Aba aba De Dios umayos ka sa salita mo"sabi niya habang tumatawa
"Pansin ka kasi"
"Ginagawan lang kita ng pabor kapatid"sabi niya naman
"Lolo mo pabor,tigilan mo ko Stellvester"
"Ayusin mo Justin,alalahanin mo dalawa lang ang kwarto sa bahay ni Josh"sabi niya saka malakas na tumawa
"Wag ako,paraparaan ka lang din ea gusto mo lang makasama si Sejun noh"
"Kasama na Yun don pero yung sayo iba ea hahahaha"tumawa nanaman siya, naririndi na ko
"Tantanan mo ko Stell magayos kana lang dyan naririndi ako sayo"
"Oh siya babyeeeeee De Dios be ready later whahahahaha sayang wala si Ken busy kasi ea"sabi niya pa
"Start na ba ng shooting niya?"tanong ko
"Hindi,choreo palang"sagot niya
"Sige na Stell babye na"Sabi ko saka pinatay ang tawag
Pagkatapos ko magayos ay lumabas ako agad at nilagay ang gamit ko sa compartment ng sasakyan.Paalis na ko ng makareceive ako ng DM mula kay Josh
(You can visit also my tiktok account mindeinica💜)
I posted also some JOSHTIN content there 💜