Chapter Six

620 38 2
                                    

Justin's POV

Nang makarating ako sa bahay ni Josh Alam ko na agad na wala pa sila Stell wala pang sasakyan ang nakaparada dito.Bumaba ako at sinukbit sa balikat ko ang bag na dala.Kumatok ako at nagantay

"Teka lang"rinig kong sigaw ni Josh mula sa loob

Napaangat ako ng tingin ng biglang bumukas ang pinto Pero agad akong napaiwas ng tingin ng makita kong topless siya

KINGINA CULLEN UMAYOS KA NAMAN WHOOOOO!!!HANGIN! KAILANGAN KO HUMINGA!!

"Tara Jah pasok,sorry nagligpit kasi ako para malinis na pagdating niyo"sabi niya saka niluwagan ang bukas ng pinto

Pumasok ako at nilapag sa sofa ang bag na dala ko.Pumasok siya ng kwarto at paglabas niya nakadamit na siya.

"Gusto mo juice Jah?"tanong niya saka pumunta sa kusina

Tumayo naman ako at sumunod sa kanya

"May orange juice ka?"tanong ko

Binuksan niya ang ref at kumuha ng lalagyan na may lamang orange juice,kumuha din siya ng baso at sinalinan ito

"Eto na Juice mo master"ngumiti siya pagtapos niyang sabihin yun

"Puyat ka kagabi noh?"pagbubukas ko ng topic

"Tumawag kasi si Coleen kagabi,ayun inabot kami ng madaling araw dami kwento ea"Sabi niya saka upo

Napatango ako ng mahina.

Naguusap parin pala sila

Nawala ako sa mood magsalita kaya biglang naging awkward ang atmosphere naming dalawa.Mayamaya pa nakarinig na kami ng katok kaya tumayo siya para buksan ang pinto

"Josh"rinig kong bati ni Sejun mula sa sala

"Nandto na si Jah?"tanong naman ni Stell

Hindi ko narinig ang sagot ni Josh kaya tumayo ako saka dumiretso sa sink para hugasan ang baso na pinaginuman ko.

"Abunjing"napalingon naman ako ng makita ko si Stell na papalapit sakin

"Tantanan mo kakatawag sakin nyan ha"sagot ko sa kanya

"Ayy bad mood siya,anyare?"takang tanong niya

Umiling ako saka naglakad papuntang sala

"Oyy Jah laro tayo"Aya sakin ni Sejun habang nakaupo sa sofa at nakaharap sa cellphone niya

"Pass"

"Wala ka ba sa mood Jah?"tanong ni Sejun sakin

Tumahimik lang ako at nagbukas din ng cellphone

"Tara na simulan na natin ang paginom"tumayo naman si Stell at naglabas ng alak mula sa plastic na nakalagay sa center table

Tumayo din si Josh at dumiretso sa kusina para kumuha ng baso at pulutan

"Hoy Sejun Tama na kakalaro"sabi ni Stell

"Patapos na wait lang"sabi niya

Pagdating ni Josh nagsalin agad si Stell ng alak sa baso niya saka nilagok ito

"Uhaw na uhaw lang?"pangaalaska ni Sejun

"Namiss ko Toh,tagal nadin nung last na inom natin"segunda naman ni Stell

Akmang kukuhanin ko ang bote ng alak nang makasabay ko sa pagkuha si Josh

POTA,marupok ako Cullen ano ba!

"Mauna kana"sabi niya saka binitawan ito

Nagsalin ako sa baso ko at unti unting nilagok ito.Ilang minuto ang lumipas bagsak na ang dalawang boteng binuksan namin.Medyo may Tama narin ako Lalo na si Stell.

Tumayo ako para magpunta sa Cr Pero bigla akong nahilo

Kingina mahina talaga ko sa inuman

Tumayo akong muli at kinompose ang sarili ko para makalakad.Nasa kalagitnaan na ko ng paglalakad ng bigla akong matumba,napapikit ako dahil inaakala Kong sa sahig ako mahuhulog ng biglang may dalawang braso ang umalalay sakin.

"Ingat Jah"bulong niya mula sa likod ko

Umayos ako ng tayo saka patuloy na naglakad papasok ng CR.Pagkapasok ko ng Cr sinara ko agad ang pinto saka sumandal dito.Unti unti naramdaman kong tumutulo na ang luha ko

"Too stupid Justin,nahuhulog kana lalo"bulong ko sa sarili ko

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas.Pero laking gulat ko ng makita ko siyang nakatayo sa labas ng CR.

"Okey kana?"tanong niya sakin

Tumango ako saka naglakad papuntang sala.Pero puro Kalat nalang ang naabutan ko

"Pinatulog ko na yung dalawa,lasing na masyado si Stell"Sabi niya bago sinimulang linisin ang sala

"San ako matutulog?"nilakasan ko ang loob ko para magtanong

"Sa kwarto ko"simpleng sagot niya

Tinignan ko siya ng maigi

POTA talaga!!

"Mauna kana don Jah maayos na yung kama pwede kana matulog"sabi niya sakin

Tahimik naman akong naglakad papasok ng kwarto niya saka humiga.Amoy na amoy ko siya dito.Niyakap ko ang unan at tuluyang pumikit.Narinig ko nalang na bumukas ang pinto at ang paglapit sakin

"Goodnight Jah"rinig kong bulong niya bago halikan ang noo ko

Saka ako kinain ng antok ko...

(I try na makapagupdate pa ng Isa tonight 💜)

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now