Justin's POV
Maghapon kaming tumambay sa studio dahil gusto daw nilang bisitahin si Ken.Ngayon nasa sasakyan na kami ni Josh papunta sa bahay.
"Jah Daan tayo don oh"turo niya sa isang milktea shop
"Bakit?"
"Bilhan ko lang si Tita,tito Tsaka Kuya Yani"Sabi niya habang nakatingin parin sa labas
Niliko ko ang sasakyan at pinarada sa tapat ng milktea shop.Bumaba naman siya agad at naunang pumasok sakin.Tahimik siyang pumila at nagantay.Umupo ako sa isang lamesa at inantay siyang matapos.
"Jah"napaangat ako ng tingin sa kanya ng tawagin niya ko
Inabot niya sakin ang isang milktea saka ngumiti
"Salamat"Sabi ko saka tumayo at naglakad na palabas
"Nagtext si Stell,nasa inyo na daw sila"Sabi niya nang makasakay ng sasakyan
Tahimik akong nagdrive hanggang makarating kami sa bahay.Pagpasok ko nakita ko agad si Saoirse na paikot ikot sa sala.Umupo naman si Josh sa tabi ni Stell.
"Ma dala ni Josh oh"Sabi ko sabay abot ng milktea na binili namin kanina
Pumasok ako ng kwarto para ilapag ang gamit ko at magpalit narin ng damit.Pagkalabas ko nakita ko si Saoirse na tahimik na nakahiga sa binti ni Josh.
"Aba ang Saoirse Marie naginarte"sabi ko saka umupo sa tabi ni Josh at kinuha si Saoirse
Pero nagulat ako dahil ayaw niya sumama sakin at pilit sumiksik kay Josh.Natawa naman kami sa inakto ng pusang ito
"Saoirse baby dito kana kay Daddy"sabi ko habang hinihimas ang balahibo niya
Pero lalo pa siyang nagsumiksik kay Josh
"Ayaw niya sayo Jah mas gusto niya kay Daddy Josh"sabi ni Josh sakin saka ngumiti
KINGINA JOSH ANONG DADDY!PANAGUTAN MO KILIG KO!!
"Yown daddy Josh naman pala"biglang sigaw ni Stell
Napayuko ako,naramdaman ko namang tumingin sakin si Josh kaya mas Lalo akong nahiya
"Tara na boys Kain na"napahinga ako ng maluwag ng biglang dumating si Mama para ayain kami kumain
Nagsitayuan na ang mga kasama ko at kanya kanyang punta sa kusina.
"Jah pano to?"napalingon naman ako kay Josh dahil ayaw talaga bumaba ni Saoirse
"Saoirse baby baba kana dyan mamaya nalang ulit"panguuto ko sa pusa ko
Nilingon naman ako ni Saoirse saka tumalon mula sa binti ni Josh.
"Salamat"Sabi niya saka ako hinatak papuntang kusina
TANGINA NAMAN!
"Kain na kayo"sabi ni mama sabay lapag ng kanin
Umupo kami ni Josh at nagsimulang kumain.
"Tita namiss ko luto mo"panguuto ni Stell
"Ako din tita,kelan ba paspag mo ulit?"segunda naman ni Sejun
Patuloy lang ako sa pagkain habang nagkwekwentuhan sila.
"Hay dami ko nakain sarap talaga Tita"Sabi ni Stell saka tumayo
"Sabi ko naman sa Inyo basta pumunta kayo dito magluluto ako ng masarap"sagot naman ni Mama
Tumayo kami at sinimulan ligpitin ang pinagkainan, gusto pa sana nilang maghugas Pero ayaw ni Mama.
Nandto na kami lahat sa sala para magpahinga
"Tita uwi na kami ni Sejun"paalam ni Stell
"Agad?"tanong ni Josh
"Uuwi daw kasi bukas si Sejun kila Mama niya ea"sagot ni Stell
"Ah osiya sige magiingat kayo ah"sabi ni mama ng makalabas ng kusina
"Ako din tita mauuna na po"sabi ni Josh
"Sasabay ka kila Stell?"takang tanong ko
"Ah hindi Jah magcommute ako"sabi niya naman
"Ayy Nako Josh dito kana matulog,bukas kana umuwi delikado na bumyahe"Sabi ni Mama
"Okey lang po Tita"sagot niya naman
Nahihiya pa hahahaha
"Dito kana matulog,Justin ayusin mo yung kwarto mo"utos ni Mama sakin
Nanlaki naman ang mata ko sa narinig
MA KUNG DI MO LANG ALAM KATABI KO DIN MATULOG YAN KAGABI!
"Hatid ko lang sila Stell sa labas,sumunod kana kay Jah Josh"sabi ni Mama saka lumabas para ihatid ang dalawa.
Napatingin naman ako kay Josh,nakangiti siya sakin ngayon
"Tabi kami ni Saoirse"sabi niya saka binuhat si Saoirse at naunang naglakad sakin
AKO?AYAW MO KATABI????
