Chapter Twenty-Five

662 19 1
                                    

Someone's POV

I'm silently watching them from a far.Always praying na sana ako yung nasa katayuan niya.To be loved by someone you wanted the most.

"Napadala na po namin"napalingon ako when someone entered the door

"Good,now proceed to the next plan"sagot ko saka nilagok ang alak na nasa harapan ko

Humarap ako sa computer at palihim na napangiti

"Hindi talaga kayo mapaglayong dalawa"bulong ko saka kinuyom ang mga kamao ko

Tumayo ako at naglakad papuntang kwarto saka kinuha ang Isang photo album na nasa ibabaw ng table.Binuklat ko ito saka mapait na napangiti

"You'll always be my first love"mahinang bulong ko saka pinunasan ang luhang nagbabadyang tumulo

Lumabas ako ng kwarto at bumalik sa harap ng computer.Nakita ko ang sasakyan na papunta kung saan.

"San mo nanaman ba siya balak dalin"

Huminto ito sa isang magarbong restaurant.Pagkababa nila nakita ko agad kung pano niya hawakan ang kamay nito.

"Ako dapat yan kung hindi ka sumawsaw"

Pumasok sila at makalipas ng halos isang oras lumabas silang dalawa at masayang sumakay sa sasakyan

"Tangina!"

Nilingon ko ang mga tauhan ko saka sila sinigawan

"ANO!NASAN NA!"bulyaw ko

Tahimik lang Silang nakamasid sa harap ng computer

"GINAGAWA NIYO BA MGA TRABAHO NIYO HA!TANGINA"

Yumuko sila

"NI HINDI KO NAKITANG FLAT YUNG GULONG OH TANGINA NIYO NAMAN"

Una palang toh antayin niyo susunod na kilos ko

Umakyat ako ng rooftop at don nilabas ang frustration ko sa mga nangyayari

It's been six months simula nung nanahimik ako,dahil pinaghandaan ko ang araw na maniningil ako sa kanila.

"Maling sasakyan daw po ang nabutasan nila ng gulong"napalingon ako sa tauhan ko na nagsalita

Nahagip ng mata ko ang isang vase sa lamesa,kinuha ko ito at binato

"TANGINA!PALPAK KAYO MGA INUTIL"

Umupo saka sinapo ang ulo ko

"Tangina bakit kasi kailangan mo mapunta sa iba nandto naman ako"humagulgol ako ng iyak saka yumuko sa mga tuhod ko

Tumunog ang cellphone ko and the I saw his name.Dalidali ko itong sinagot

"Hey"bungad niya sakin

"Hi"

"How are you"

"I'm fine"

"Let's meet soon pakikilala kita sa kanya"

"Hmmmmm let's see, I'm busy with my studies ea"

"Okey,see you soon bye"sabi niya saka pinatay ang tawag

"Bye"mahinang bulong ko

Pinapahirapan mo ko masyado,kaya dapat lang na sabay sabay tayong maghirap

Tumayo ako saka inayos ang sarili.

"Ihanda niyo bukas ang sasakyan,may pupuntahan ako"sabi ko sa kanila saka pumasok sa kwarto ko.

Nakita ko ang picture frame na naglalaman ng picture naming dalawa.Nilapitan ko ito saka binato sa pader.Hindi pa ko nakontento kinuha ko ang baseball bat na nasa likod ng pinto ko saka ito ihampas hanggang sa mamulbos ang mga basag na salamin nito

"Yung sakit na nararamdaman ko ngayon,Doble ang ibabalik ko sa inyo.Lalo na sayo na dahilan kung bakit ganito kagulo ang buhay ko.Hintayin niyo ako at pinaghahandaan ko pa ang pagkawala niyo"bulong ko sa sarili ko

Humiga ako sa kama saka pumikit

Wait me as I take a revenge for you all.....

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now