Justin's POV
Nagising ako ng may malakas na sampal na dumapo sa pisngi ko.Pagmulat ng mata ko si Shreya ang bumungad sakin.Napalingon ako at do nakita ko si Josh, nakatingin lang siya sakin.Ngumiti ako para maassure sa kanya na okey lang ako.
Mayamaya halos lahat kami nagulat ng dumating si Coleen.Hindi naman na bago sakin yan.Past few weeks alam kong laging may nakasunod samin.May nagmamatyag,isang beses may nakita akong lalaking balak sana butasin ang gulong ng sasakyan ko pero naagapan ko naman.Tapos kahapon lang may nakita akong tracking device na nakadikit sa harap ng kotse ko.Hinayaan ko lang ito.
Matalim siyang tumingin sakin habang hawak ang mukha ko.Nginisian ko siya then boom lumabas na galit niya.Balak pa sana niya akong hampasin ng baseball bat nang pigilan siya ni Ken.
Nagkagulo na dahil sinugod nang mga tauhan niya si Sejun at Josh.Hinawakan ni Stell ang kamay ko at nararamdaman kong tinatanggal niya ang Tali ng kamay ko.Nagangat ako ng tingin pero nanlaki ang mata ko ng makita kong hinampas ng tauhan ni Coleen sa batok si Josh.
"JOSH"malakas na hiyaw ko habang pilit na tinatanggal ang Tali sa kamay ko
Unti-unti nang tumutulo ang luha ko,nakita ko siyang tumingin sakin saka niya binuka ang bibig niya.
"Tangi"alam kong mahinang bulong lang yun pero sa buka ng bibig niya alam kong ako ang tinatawag niya.
Nang maramdaman kong wala na ang Tali sa mga kamay ko Dali Dali akong tumayo at patakbo na sanang pupuntahan si Josh ng may pumigil sakin.
"At saan ka pupunta!?"sigaw ni Coleen habang hawak ang braso ko
Tinulak ko siya saka dinampot ang baseball bat na nasa sahig.Inamba kong ihahampas sa kanya ito at sumigaw siya.
"NOOOOOOOOO!"hiyaw niya
"ORAS LANG NA MAY MANGYARI KAY JOSH,HANGGANG SA KABILANG BUHAY SISINGILIN KITANG HAYOP KA!"sigaw ko sa kanya saka patakbong lumapit kay Josh
Nakadapa siya,kaya Dahan Dahan ko siyang itinihaya.Lalo akong naiyak ng may maramdaman akong malagkit na likidong dumadaloy sa batok niya.
"Tangi please wake up"halos hindi ko na siya makita dahil sa luhang lumalabas sa mga mata ko
"Tangi, Josh please baby wake up"
"Baby please"
Napahagulgol ako dahil hindi talaga siyang nagising,iyak lang ako ng iyak ng may maramdaman akong humawak sa balikat ko
"Jah nandyan na yung ambulance kailangan na nilang kunin si Josh"bulong ni Ken sakin
Pinunasan ko ang mga luha ko upang maaninag ko ang mga papasok.Agad nilang kinuha sa bisig ko si Josh at nilagay sa stretcher.
Tumayo ako saka sumunod sa kanila.
"Sino pong sasama sa pasyente"tanong ng isang nurse
Hindi na ako sumagot saka dumiretsong sumakay sa ambulansya.Hinawakan ko ang kamay niya saka bumulong.
"Please Tangi lumaban ka"naiiyak kong bulong sa kanya
Halos isang linggo na kami sa hospital pero hindi parin nagigising si Josh.Kakadaan lang ni Tita Aldrene dito pero umalis din dahil may kailangan asikasuhin.Halos dito narin ako tumira,hindi rin makabalik sila Stell sa studio dahil 3 months kaming binigyan ng leave dahil sa nangyari.
"Jah"napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang boses ni Mama
"Ma"
"Kamusta"tanong niya
"Di parin siya nagigising Ma"yumuko ako saka hinawakan ang kamay ni Josh
"Keep on praying Jah"
"Sabi nang doctor nung dinala namin siya dito,di naman daw ganun kalala yung Tama sa batok niya kaya hindi naman nagcause ng internal bleeding pero bakit antagal niya magising Ma"bumuhos nanaman ang mga luha ko
"Anak"Lalo akong naiyak ng maramdaman ko ang yakap ni Mama sakin
"Ma hindi naman ako iiwan ni Josh diba Ma"napahagulgol ako
"Lalaban si Josh anak kakayanin niya yan"alo ni Mama sakin
Yumuko lang ako at nilalaro ang kamay niya
"Bibili lang ako ng pagkain mo,magagalit si Josh kapag nagising siya Tas nalaman niyang hindi ka kumakain"sabi ni Mama saka lumabas ng kwarto ni Josh
Thankful kami dahil hindi masyadong nakielam ang media sa nangyari.Marami ring A'tin ang halos araw araw na nagpapadala ng mga pagkain at prutas para kay Josh.Even material gifts nagbibigay sila.
Tinignan ko si Josh na nakahiga sa kama
"Tangi"tawag ko sa kanya
"Tangi gising kana please nandto si Jahjah mo oh"napapikit ako
Naalala ko tuwing gigising ako yan laging tinatawag sakin
"Tangi diba sabi mo magout of town pa tayo,diba pupunta pa tayong Siargao"bulong ko
He planned to go to Siargao after we released our latest song
"Tangi malapit na maapprove leave natin oh,makakapunta na tayo don"
"Gising kana dyan Josh,namimiss ko na kakulitan mo"
"Joshieeeeeee ko please"
"Tangi gising kana dyan please naman"
"Tangi diba di mo naman ako iiwan"
"Tangi diba lahat ng plans natin gagawin natin,kaya please gising kana dyan"
Halos di na ko nakapagsalita ng maayos dahil sa iyak ko
"Tangi naman ea antagal mo nang tulog oh"
"Josh please Mahal wake up na"mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at don umiyak
Please Tangi wake up,wake up for me baby
(PATAYIN ko Kali si Josh dito?hmm!!!)
