Justin's POV
Nagising ako na masakit ang ulo,tumayo ako at pumasok sa Cr dito sa kwarto ni Josh naghilamos at nagmumug bago lumabas.Naabutan ko si Stell at Sejun sa lamesa kumakain.
"Di niyo man lang ako ginising"sabi ko sabay upo
"Wala man lang good morning dyan Jah?GOOD MORNING HA"pangsasarkastiko sakin ni Stell
"Kanina ka pa kaya ginigising ni Josh"napalingon naman ako ng magsalita si Pablo sa tabi ni Stell
Di na ako nagsalita at kumuha nalang ng pagkain saka inalala ang nangyari kagabi
Shuta?ano nga ba nangyari kagabi?
Tulala akong nakaharap sa pagkain ko at pilit inalala ang mga pangyayari kagabi,nakakahiya naman kasi kung meron pala akong ginawang kalokohan.
"Jah"
"Jah"
"Justin"
"JUSTIN DE DIOS"nagulat ako ng biglang sumigaw si Stell
"Bakit ka ba nasigaw?"inis ko siyang tinignan
"Shuta kanina ka pa tinatawag ni Josh wala ka ata sa sarili mo ea"sagot niya naman sakin
Nahiya naman akong lumingon kay Josh na nasa tabi ko na pala
"Bakit"mahinang tanong ko
"Magcoffee ka ba?"tanong niya
Mahina akong tumango sa kanya,tumayo naman siya at pumunta sa sink para ipagtimpla ako ng kape
"Ako din Josh"Sabi ni Sejun sa kanya
"Kanina ka pa dyan ngayon mo lang naisip magkape?,bahala ka dyan"Sabi naman ni Josh
"Ayy ano to dre special treatment?"pangaalaska ni Stell
"Lolo mo special treatment"pangbara naman ni Josh
Nilapag agad niya ang kape sa harap ko saka umupo para magsimulang kumain
"Ano gagawin natin?may maghapon pa tayo bago pumunta kila Jah"Sabi ni Sejun
Saka ko lang naalala na sa bahay nga pala sila magdinner ngayon
"Punta tayo studio,bisitahin natin si Ken"sagot naman ni Josh
"Taray JoKen yarn"napakunot ang noo ko sa sinabi ni Stell
Gago talaga!Bastos ng bunganga sarap silaban!
"Tama!"sangayon naman ni Pablo sa kanya
"Bilisan niyo na para makapagasikaso na tayo"sabi ni Josh at nagsimula na ulit kumain
Nauna ko matapos sa kanila kaya nauna akong naligo Kay Josh.Katatapos ko lang maligo nang mapagtanto kong di ko nadala ang towel ko.Binuksan ko ng maliit ang pinto saka sumilip.Nakita kong nakahiga si Josh sa kama habang nagcecellphone
"Josh"mahinang sigaw ko
Napabalikwas naman siya ng bangon dahil sa sigaw ko
"Bakit?"
"Abot mo nga sakin yung towel ko,ayun oh sa upuan"turo ko
Tumayo naman siya saka kinuha ang towel saka naglakad papalapit sakin
Tangina CULLEN wag mo ko tignan ng ganyan,may nabubuhay sa kaloob looban ko.!!!!! CHAROTTTTTTTTT
Tahimik niyang inabot sakin ang towel saka ngumiti ng nakakaloko
"Salamat"sabi ko saka sinara agad ang pinto
Sumandal ako sa pintuan dahil sa kahihiyan
"SANA KINAIN MO NALANG AKO INIDORO"pabulong kong sigaw
Dahil sa nangyari antagal ko nakabawi kaya napatagal ako sa CR
"Jah?di ka pa tapos?"sigaw ni Josh mula sa labas
"Patapos na"ganting sigaw ko
Nagmadali akong magayos at nakayukong lumabas.Napaatras naman ako ng makita ko siya sa harap ko.Nagulat ako nang itaas niya ang baba ko at hawakan ang collar ng damit ko.
"Tagal mo sa Cr Pero di mo naayos collar mo"sabi niya saka ako nilagpasan
POTA NAMAN NAKAKARAMI KANA JOSH CULLEN SANTOS!
