Chapter Nineteen

559 27 2
                                    

Justin's POV

Ang bilis lumipas ng araw last day na agad ng vacation namin dito.Hinanap ko si Josh gusto ko sana na kasama ko siya para makapagikot kami dahil last day na nga namin dito.Lumabas ako ng suite at naglakad.

Nakita ko naman sila Stell sa poll area pero wala don si Josh kaya nagikot pa ko para mahanap siya.Pero si Ken ang nakita ko.

"Oh Jah"bungad niya sakin

"Nakita mo si Josh?"tanong ko sa kanya

"Hindi ea wala ba sa suite niyo?"takang tanong niya naman

"Wala"

"Tara samahan kita hanapin natin"sabi niya saka ako hinila paalis ng pwesto namin

Naglakad lakad kami ni Ken nagbaka sakaling makita namin si Josh pero wala siya.Kaya naisipan namin ni Ken na kumain at tumambay muna sa garden area ng resort.

"Namiss ko na si Kuro"panimula niya

"Bakit di mo sinama?"

"Bawal daw pets dito ea sayang nga,Sana nakapaggala din siya"sabi niya saka sumubo ng ice cream.

Napahaba ang kwentuhan namin ni Ken kaya di namin napansin ang oras.

"Ano oras na"tanong ko sa kanya saka tumayo

"Hala 6:30 na Jah"sabi niya saka tumayo at nagsimulang maglakad

Sumunod naman ako sa kanya at hingal na huminto.

"Teka lang naman Ken"sabi ko habang hinihingal

"Bilis mo Jah,7pm call time"sabi niya saka nagpatuloy ulit sa paglakad

Medyo binagalan ko na ang lakad ko ng matanaw ko na ang suite namin ni Josh.Kinabahan ako bigla kaya nagmamadali akong naglakad

"Una na ko Jah"sigaw ni Ken saka lumiko papuntang suite nila

Naglakad ako papasok ng suite ng makita kong nagiimpake na ng gamit niya.

"Kala ko 7pm pa call time?"tanong ko sa kanya habang kinukuha ang maleta ko

Nilingon ko siya ng hindi niya ako sagutin

"Josh"tawag ko sa kanya

Napakunot naman ang noo ko dahil kahit paglingon hindi man lang niya ginawa

"Josh"lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya

Nagulat ako ng hawiin niya ang kamay ko

"May problema ba tayo Josh?"

Hindi parin niya ko sinasagot bagkus pumunta siya sa center table at kinuha ang cellophane ko at tinapon sa kama.Kinuha ko naman ito at binuksan.Halos manlaki ang mata ko ng makita kong sobrang dami niyang missed calls and messages

"Sinabihan kita Justin pero hindi ka nakinig"napayuko ako

"I'm sorry"

"Sorry? Seriously Justin?Magsosorry ka sakin ngayon? Sinabihan kita na magsabi ka sakin kung aalis ka at kung saan ka magpupunta para alam ko saan kita hahanapin.Tapos iniwan mo pa cellphone mo dito!"

"I'm sorry Josh"

"Stop saying sorry kasi hindi nakakatulong,halos gusto kong suyudin bawat sulok ng resort na toh makita lang kita kasi nagaalala ko sayo baka mawala ka nanaman tapos ano makikita ko?Na ansaya saya niyong nagkwekwentuhan ni Ken habang ako dito alalang alala sayo!"sabi niya saka tuluyang sinara ang bagahe niya

Hinablot niya ang bagahe niya saka tumalikod sakin.Akmang aalis na siya ng hawakan ko ang kamay niya.

"Wag muna tayo magusap Justin"sabi niya saka hinawi ang kamay ko at tuluyan ng lumabas

Hindi na Jah, Justin na....

Dahan dahan akong napaupo sa kama at tinakpan ng kamay ko ang mukha ko at don tuluyang umiyak

Ang tanga tanga mo Jah!

(Pagawayin natin sila NGAYON!May kasalanan sakin si SSOB ea,may pababe babe pa ea......UUWI MUNA KO MAISAN NGAYON!)

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now