Till next life

2 1 0
                                    

" 𝐓𝐈𝐋𝐋 𝐍𝐄𝐗𝐓 𝐋𝐈𝐅𝐄, 𝐈 𝐖𝐈𝐋𝐋 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐇𝐄𝐑."

- " Losing her isn't easy‚ but I assure that‚ till next life‚ I will love her."

" Hiro, almusal ka na," tawag sa'kin ni Xiane ang pinag-kasundo sa'kin ng mga magulang ko.
" Mauna ka na‚ wala pa akong gana. At tsaka ayo'kong kasabay ka kumain." sagot ko bago siya iwan sa hapagkainan at bumalik sa aking silid.

Kumain naman siya mag isa‚ kahit kailan talaga, walang araw na hindi ako naiinis sa babaeng 'yon‚ ayoko s'yang maka-sama. Ba't ba kasi ako ang pinag-kasundo‚ Hindi ko tuloy maka-kasama ang babaeng gusto kong pakasalan.
-
" Hiro‚ good morning! almusal ka na,"
" p'wede ba Xiane‚ 'wag na 'wag mong ipilit sa'kin 'yang sarili mo na kahit kailan hinding-hindi kita magugustuhan!" galit kong saad sakan'ya't may diin sa bawat salita na aking binigkas.
" Hiro‚ hinding-hindi ko naman pinipilit ang sarili ko sa'yo, gan'yan ka ba talaga? Ang sakit mo naman pala mahalin." masakit akong mahalin at wala akong paki doon, ayaw ko lang talaga makita ang pangit mong mukha.
" Hindi ka ba napapagod? Kasi ako pagod na akong kasama ka sa iisang bahay‚ ni hindi ko nga gusto na maka-sama ka! Mahal mo ako? Pabayaan mo ako mag-isa‚ 'wag ka maging tanga." mahabang lintaya ko na ikinaiyak niya‚ bakas sa mga mata niya na nasaktan siya sa mga salitang binitawan ko, pero dapat lang sakanya 'yon, kasi wala namang magagawa ang pagmamahal niya.

Lagi nalang akong umuuwi ng hating Gabi, lasing at nakikipag-inuman sa mga ka-trabaho ko.

" Hiro‚ dahan-dahan lang. Lasing ka na naman," pag-aalala niya sakin at inalalayan ako papasok ng bahay.
" Umalis ka nga! Kaya ko naman ang sarili ko‚" pagtataboy ko.
" pero--"Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bigla ko siyang pagbuhatan ng kamay.

Umiyak siya‚ " kahit kailan Hiro‚ hinding-hindi kita sinumbatan sa mga salitang binitawan mo. Matuto ka namang umintindi na hindi ko kasalan na magkasama tayo sa iisang bahay ngayon, at bakit sa tingin mo masaya ako na gan'to pinag dadaanan ko sa mga kamay mo? Nasasaktan ako Hiro! Pero hinding-hindi ko pagsisisihan ang mahalin ka‚ tandaan mo 'yang gago ka!" at agad akong natauhan sa mga salita niya‚ siya naman ay umakyat na sa kwarto, Ano nga bang nangyayari sa'kin? Bakit ko ba sinaktan ang babaeng iyon kung pwede namang hayaan ko na lamang ang aking puso na kusa siyang mahalin.

Kinabukasan ay nagising nalang ako na walang " Hiro‚ good morning!" at walang Xiane na nasa tabi ko‚ pero may isang sulat akong nakita.

" Hiro‚ good morning!

Alam kong gising ka na‚ kaya mo naman Ang sarili mo 'di ba? Iiwan na kita‚ kasi sa totoo lang pagod na pagod akong kasama ka. Wala tayong anak‚ pero sayo palang pagod na'ko. Iniinsulto mo nalang ako‚ pinagsabihan ng mga masasakit na salita‚ at pinagbuhatan pa ng kamay.
Tama na siguro ang lahat ng 'to, 'wag kang mag alala, Wala akong sasabihin na kahit ano sa parents natin na nasaktan mo ako.
'Wag mo na ako hanapin pa Hiro, gusto mo namang wala ako. Kahit masakit ang mahalin ka‚ minahal Kita. Hinding Hindi ko pagsisisihan ang desisyon ko‚ paalam Mahal ko. Hanggang sa susunod nating buhay, Mahal kita!
Nagmamahal,
Xiane "

dali-dali akong pumunta sa bahay nila‚ nakaramdam ako ng kakaiba, kinakabahan na nalulungkot na tila ba'y hinahanap siya at hindi sanay pag wala siya.

Naabutan ko ang mga bulaklak, sa tapat Ng bahay nila.
Sinampal ako ng mama niya, " Walang hiya ka! Dahil sa'yo Wala na siya. Hindi mo ba alam na kahit may sakit ang anak ko, nanatili pa rin siya sayo? Kasi mahal ka niya, pero anong ginawa mo? Sinaktan mo lang siya. Nakita namin sa autopsy niya na may pasa at dahil 'yon sa pagbuhatan mo siya ng kamay." galit na lintaya ng mama niya, may sakit siya? Hindi niya sinabi sa'kin?para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig mula sa mama niya.

Pumunta ako sa harap ng kabaong niya, at pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Ang kaniyang mukha na kailanman ay di ko na muling makikita.

" Sorry if I hurt you, Now you're gone because of me. Losing you isn't easy. patawad Kong ginago Kita no'ng buhay ka pa, pero I assure‚ that till next life‚ I will love you." sabi ko sa harap ng white coffin at hinaplos ko muna ito bago ako umalis, patawad muli Xiane.

Oneshot(Completed)Where stories live. Discover now