Madilim palang sa labas ng napag usapan naming maglakbay. Kasama ko ang aking mga kaibigan, hindi ko alam pero iba ang kutob ko sa paglalakbay na 'to pakiramdam ko may mali o masamang mangyayari pero wag naman sana.
"Abby malapit na ba?" Maya maya pa'y tanong ni Akira, malayo layo na din ang aming nalakad mula sa aming tirahan. Ang daan ay puro na puno ang nakikita't wala ni isang bahay o maski Kubo manlang. Nilibot ko ang aking paningin hanggang sa may nakita akong isang tahanan na nasa pinaka gitna ito."Abby, akira,Adam kita n'yo 'yang bahay? puntahan kaya natin?" Pag tatanong ko sa kanila at dala na rin ng kuryusidad pumayag ang mga itong pumunta kami.
Pagpasok palang namin sa loob ay namangha na agad kami sa ganda ng pagka desinyo, may mga lumang painting sa gilid na hindi mo maipagkakailang magaling ang nag guhit nito, iba't ibang uri ng bulaklak na buhay na buhay. Nakakapag taka wala namang tao dito pero 'tila ba alagang alaga ang mga ito.
Naiwan ako dito sa salas habang ang mga kasama ko naman ay nag kan'ya kan'yang libot.Ilang oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik dito sa salas ang mga kasama ko nakakapag taka na.
una kung pinuntahan ang kusina baka sakaling nandun si Abby, pagkapasok ko palang dugo na agad ang aking nakita nilapitan ko ang katawan na may-ari ng dumanak na dugo "A-abby" gulat at utal kung bigkas sa kaniyang pangalan, Sino naman ang gagawa nito? Hindi ko mawari bakit si abby ang unang pinatay at ano ang dahilan ng pag patay. Dumadaloy man ang masaganang luha sa'king pisnge, pinagpatuloy ko pa rin ang paghahanap sa aking kasamahan pero bago ako umalis may nakita akong sulat sa tabi ni abby.
"Akira? Akira? Adam? saan na kayo?"sigaw ko mula dito sa hagdan paakyat, saktong pagkarating ko sa taas bangkay agad ni Akira ang aking nakita, ito na ba 'yung kutob ko kanina? Ito na ba? Pero bakit? Anong dahilan sa likod ng pagpatay sa mga kasamahan ko.
"Adam?" Patuloy pa rin ako sa pag-sigaw pero walang sumasagot, mas lalong lumakas ang kabang nararamdaman ko ng may lumabas na isang tao mula sa isang silid, hindi ko makita ang kaniyang mukha tanging labi lang nito ang nakikita't puno pa ito ng dugo "s-sino ka? A-a-anong g-ginawa mo?" Utal kong sigaw dito, ngunit isang mala-demonyong ngiti ang isinukli nito sa aking tanong. Isang kisap mata lang ay hawak na niya agad ako sa leeg, patuloy pa rin ako sa pag hikbi "Mag paalam kana sa mundo, dahil simula ngayon patay na ang A-BA-KA-DA na hinahangaan nila" Ang bulong nito sa aking tainga na siyang nag patayo sa'king maliliit na balahibo. Ang init ng kaniyang hininga na nagbigay kilabot sa aking katawan "scared?"mapaglarong tanong nito at dinilaan ang ilalim ng aking tainga tila nanigas ang aking katawan sa kaniyang ginawa, unti unti ko na ding naramdaman ang sakit banda sa aking puso. Ang pulang likido sa aking labi ay masaganang dumadaloy kagaya ng sa may parte ng aking puso, nanlalabo na din ang aking paningin
"A-d-------" Hindi naituloy ang sasabihin ng bigla nalang dumilim ang lahat. Hindi ko akalaing sa isang paglalakbay matatapos ang pagkakaibigan ng ABAKADA pero sana mabigyan ng hustisya.
YOU ARE READING
Oneshot(Completed)
RandomTHIS IS JUST A COLLECTION OF MY ONESHOT STORIES, COMPLETED (wag nalang pansinin ang daming codenames ko hahaha) Language: Tagalog-English Date/year Started: 2021 End: