Malaya

1 0 0
                                    

"Malaya"

Kailan mabibigyan ng kalayaan
Ang pusong kay tagal  ng nasaktan?
Kailan titigil sa pag tibok ang pusong
Ikaw ang tanging sinisigaw.

Malaya ka ng mahalin siya
Malaya ka ng gawin ang mga bagay na sa'yo ay mag bibigay saya.
Ang mga salitang iyan ay gusto kong marinig mula sa'yo aking sinta.

Paano mo masasabi ang salitang malaya
Gayong matagal kanang namayapa.
Gustohin mang ibalik ang nakaraan
Ay hindi na pwede't puso'y masasaktan.

Malaya kanang mag pahinga
Malaya ka na't Malaya na tayong dalawa.
Salamat sa maligayang alala na iyong ipinadama
Kahit pa panandalian lang ang saya aking sinta.
Malaya ka na, dahil hindi na kita gugulohin pa

"Kalayaan"

Ang tanging gusto ko lang ay kalayaan
Kalayaang maging masaya,kalayaang umibig
Kahit  luluha ng masaga  pa sa agos ng tubig.
Basta makalaya lang sa madilim na nakaraan.

Gusto kong isigaw  na nasasaktan ako ng subra
Pero hindi magawa, masama bang maging masaya
Kahit nasa piling kana ng iba?

Kalayaan gusto kong makantan
Pero madamot ang pagkakataon at ayaw akong pagbiyan
Sa nag iisang kahilingan.
Kalayaan makakamtan pa ba kita?
Kung alam kong hindi ko na kaya?

Kalayaan, ibigay sa'kin ako'y nag mamakaawa na
Madalim na nakaraan ako'y palayain mo na
Paki-usap bigyan mo na ako ng kalayaan.

Sa nagdaang taon, unti unti kong natutunang palayain ang sarili
Nag simula sa panigabo at bumangong muli
Kalayaan ay nakamtan ko na hindi ngalang ganun kadali
Pero hindi mo naman pagsisisihan kung kalayaan naman ang maaasam mo sa huli.

Oneshot(Completed)Where stories live. Discover now