𝐂𝐀𝐍'𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔 𝐁𝐀𝐂𝐊
✍️:@𝓛𝓾𝓱𝓪
Dedicated to: Lucian Manunulat Amorist(pasensya kana nak saktan Muna Kita lablots!)
Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to actual persons living or dead is purely coincidental. Do not Plagiarize my own work.“I can't Love you back, Theo”—unknown
→&.&←“Ash naman mag sabi ka nga ng totoo? Saan ka galing? Bakit lasing ka ha? Hindi naman tayo nag away pero lasing kana naman” puno ng sari-saring emosyong usal ko, hindi ko siya magawang pagalitan at baka ito’y mauwi na naman sa hindi namin pagkaunawaan. Dati pa man ay mahal ko na si Ashley, hindi ngalang niya iyon kayang pantayan pero makasama siya ay sapat na sa akin kahit pa hindi ako ang mahal niya.
“babe nagka-ayaan lang kami nila Thea na mag bar kanina wag kang mag-alala ayos lang ako. Itutulog ko muna ito” medyo matino pa naman siyang kausap ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang sakit at lungkot sa mga mata niya, mga luhang nagbabadyang tumulo pero hindi ko na pinakialaman pa iyon bagkus ay tinanguan ko na lamang siya at umalis na din sa kaniyang silid.
Nakilala ko si Ashley sa park dati, umiiyak siya ng mga oras na iyon. Hindi ako magaling sa pag-comfort kaya binigyan ko na lamang siya ng panyo na tinanong niya pa sa akin kung anong gagawin niya sa panyo na iyon, Hindi ko siya sinagot dahil alam kung sa kaloob looban ko ay nagagalit ako sa taong nanakit sa kaniya, Nagtiis akong masaktan basta makita lamang siyang masaya tapos makikita ko siyang umiiyak dahil sa walang kwenta niyang boybestfriend, simula nung araw na iyon sinabi niya sa akin na kung pwede ay mag panggap kaming magkasintahan hindi ko alam kung anong pumasok sa kukute ko’t pumayag ako sa alok niya gayong alam kung masasaktan din naman ako sa huli.
Pero lahat ng iyon binaliwala ko dahil wala namang araw na pumalya siyang iparamdam sa'kin ang halaga ko pero sana totoo dahil kung hindi iwan ko nalang.It's been 3days since nakita kung lumabas ng silid si Ash, gusto ko sana siyang isama mamaya para makilala niya din sila ni mama, mamaya na muna yan isipin. Kakatapos ko lang magluto ng ulam at magsaing ng kanin, naka handa na lahat sa mesa at tanging si Ash at ako na lang ang kulang, tinahak ko agad ang daan patungo sa kwarto niya ng makarating ay agad akong kumatok.
“Ash kakain na tayo bumaba kana” mahinahon na sabi ko’t maya-maya pa’y lumabas na din siya pero parang may mali ang lamig ng aura niya, maging ang mga tingin nito’y subrang lamig na din hindi naman siya ganito dati.Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nag hugas ramdam kung nasa salas lang si Ash kaya ng matapos ako ay nilapitan ko na agad siya, pero ang nakakapag taka ay nandito ang backpack niya, pati maleta “Ash? Saan ka pupunta't nandito lahat ng gamit mo sa salas?”puno ng kuryusidad na pagkakatanong ko sa kaniya, agad naman itong humarap sa'kin at ngumiti ng tipid.
“Babalik na ako sa tirahan ko Theo, Salamat nga pala sa pag-aalaga sa'kin, at pag bigay halaga sa'kin. Salamat din sa kunting panahon” natigilan ako sa sinabi niya aalis na siya? Ganun kadali yun?
“Ash? ganun nalang ba talaga kadali yun? Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Bakit hindi nalang ako Ash?”pinipilit na huwag umiyak sa harapan niya kahit pa nasasaktan na ng subra ayaw ko namang manatili siya dahil lang sa awa.
“I’m so sorry Theo, but I only love my bestfriend no one can that, Theo No one” Pigil ang kaniyang luha ng bangitin niya ang mga salitang iyon, Alam kung Hindi ko mapapantayan o mahihigitan ang pagmamahal mo sa kanya Ash, pero mamahalin pa rin kita kahit masakit na.
“Kahit minsan hindi mo talaga ako minahal Ash?” puno ng emosyong tanong ko’t ngumiti ng mapait sa kaniya.“I can't Love you back Theo. I don't deserve that kind of love, just find someone who's more deserving, I'm so sorry” pagkatapos niyang banggitin ang mga iyon ay umalis na agad siya habang ako ay naiyang nakatulala sa kawalan masyadong masakit ang mga salitang binitawan ng taong Mahal ko, Sana naging masaya ka sa desisyon mo mahal kong Ashley,
hanggang sa muli nating pagkikita.&.&:
_@hiro for A/A
_@Luha for dedications.
_@tears for collaboration
YOU ARE READING
Oneshot(Completed)
RandomTHIS IS JUST A COLLECTION OF MY ONESHOT STORIES, COMPLETED (wag nalang pansinin ang daming codenames ko hahaha) Language: Tagalog-English Date/year Started: 2021 End: