Ama

1 0 0
                                    

Sa mundong sakit ay hindi kumukupas
Kailan pa ba titino ang aking landas
Ama, asan ka na ba?
Sa pag sapit ng gabi ay hinahanap ka.

Gustong maramdaman ang higpit ng Yung yakap
Lambing na hinahanap, hanggang sa bumigat ang talukap.
Ama, kailan ka mag papakita
Isang dekada at walong taon
Na walang kumunikasyon.

Sa kunting impormasyon
Na siyang aking baon
Ika’y tuloyang nahanap
Ngunit bakit mo tinalikuran
Ang iyong katungkulan.

Hindi ko hangad ang Yung yaman
Tanging pagmamahal ng isang ama
Ang siyang aking kailangan
Tanggapin mo sana ako,
Gaya ng pag tanggap kung mas Mahal mo ang bagong pamilya mo.

Ama, Kailan ka muling makakausap?
Kailan ka makikita at ng ika’y aking mayakap.
Sa mundo na paiba iba ang aking tinatahak na landas
Asan ka ba para ako’y gabayan
At huwag pabayaan
mapadpad sa maling daan.

Ama, ilang pasakit pa ang kailangan kung pag daanan
O, hihintayin mo nalang bang ika’y tuloyan ko ng sukuan
At piliting kalimutan  na may Isa pala akong ama na siyang nag dala sa'kin na mundong puno ng kagulohan.

Oneshot(Completed)Where stories live. Discover now