𝐍𝐄𝐕𝐄𝐑 𝐁𝐄 𝐘𝐎𝐔𝐑𝐒
✍️:@𝓛𝓾𝓱𝓪
Dedicated To:
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, places, events, businesses and either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead is purely coincidental.“I was never been yours, Siane”—Unknown
Sa panahon ngayon, masasabi kung ayaw ko ng gumising pa lalo na pag kasama ko ang taong mahal ko. Meet Zion my boyfriend, napaka caring niya, mabait at minsan masungit, sa araw araw naming magkasama sa trabaho, sa date walang oras na pumalya siyang iparamdam sa akin ang pagmamahal niya.
“Sia Mahal tulala kana naman, mag tatampo na ako niyan” Nabalik ako sa realidad ng magsalita siya, nakalimutan kung nasa isang mamahaling restaurant nga pala kami ngayon para ipagdiwang ang ikalabing isang taong anibersaryo namin bilang magkasintahan.
“Ano ka ba naman mahal, wala naman akong ibang iniisip kundi ikaw at saka naalala ko lang kung paano tayo nag simula noon”Nakangiti kung sabi sa kanya sabay hawak sa kaniyang kamay para iparamdam na ayos lang at wala akong problema.
Sa loob ng labing isang taon mas lalo ko pa siyang minahal, hindi ko nga akalaing mamahalin ko siya dahil noon pa man sabi ko na sa sarili ko ‘sarili ko muna ang mamahalin ko't wag na mag nobyo’ pero nagising nalang ako na pinayagan ko na siyang manligaw at ‘di nagtagal sinagot ko din siya.
“Mahal teka lang bayaran ko muna”pag-papaalam nito, at agad ng pumunta sa counter habang ako ay nag-aantay lang dito exit dahil mag gagabi na kailangan na naming umuwi.Five days Later
Limang araw na ang lumipas simula ng mag diwang kaming dalawa, sa loob ng limang araw napapansin kung may nag babago na sa pakikitungo niya pero pilit binabaliwala ko na lamang iyon at baka pagod lang talaga siya sa trabaho niya gaya ko.
“Mahal kamusta araw mo?, Naka-uwi kaba ng maayos?”pagtatanong ko sa telepono, dahil hindi naman kami pareho ng tinitirhan.
“oo ays lang” mas naging malamig pa ang boses nito, napabuntong hininga na lamang ako sa nangyayari kung kailan ang tagal na namin, at mas minahal ko na siya ng todo ay saka pa siya magiging ganito pero siguro nga’y isa lamang ito sa mga pag subok ng aming buhay at relasyon, sana bukas o sa susunod na araw man ay maging maayos na ang lahat.“Hoy gaga ang ganda ganda mo na, grabe ka” tsk, Xyria ang madaldal kung kaibigan kahit kailan talaga, kausap ko siya ngayon sa personal dahil nandito ako sa pagmamay-ari niyang restaurant. “Tss ingay mo pa rin, nga pala kailan yung sinasabi mong party na dito din gaganapin?”pagtatanong ko habang kumakain ng fries at Burger
“Mamayang gabi teh, at isa pa wag kana umuwi may room sa taas nandun na rin ang damit na susuotin mo” sabi nito na tinanguan ko lang at pinag patuloy ang pagkain ng fries.“teh akala ko ba kayo ni Zion? Bakit nakita ko sa post niya kani-kanina lang si Kleia yung ka rs niya, yung Sikat na model baga”
tila bumara sa lalamunan ko ang kinakain kung fries, kaya ba ganun ang pakikitungo mo sa akin Zion? Kaya ba bigla kang nanlamig at tila nawawalan na ng gana? Ngunit ayaw ko munang paniwalaan ang sinasabi ng kaibigan ko gusto kong ikaw mismo ang mag sabi nito sa akin Zion. Hindi ko nalang sinagot si Xyria at nag basa nalang ng wattpad books hanggang sa nag gabi na’t mag sisimula na ang party, tapos na din akong mag-ayos kaya umupo nalang ako dito sa likod, tahimik ang pwestong ito medyo madilim kaya hindi agad mapapansin na may naka upo lalo na’t itim ang suot kung simple casual dress na above the knee.
Hawak ko ang kopita na may lamang alak, at nilalaro ang ice cube sa loob nito ng mapatingin ako sa entrance nitong restaurant, Si Zion na naka ngiti at hawak ang kamay ni Kleia umupo sila sa may center table tss umiwas nalang ako ng tingin, mukhang tama nga si Xyria na sila na nga pero napaka gago niya naman hindi manlang nag effort makipag hiwalay.
Kalagitnaan ng party ay umalis ako’t pumunta sa labas saktong nakita ko naman sila, naghahalikan mga walanghiya hindi nalang nag motel dito pa talaga sa parking lot.“tsk, Zion minahal mo bang talaga ako?, Zion naman paki explain sa'kin ‘to? Bakit, bakit mo'ko nagawang ipagpalit kay Kleia? Anong meron sa kanya na wala sa'kin? Zion Alam mo bang 11 na taon na tayo tapos tangina pinalit mo yung 5 days mo lang nakilala? Akala ko ba ako lang, akala ko ba ikaw at ako lang Zion?” hindi ko na napigilan pang umiyak, sa harapan niya, ang sakit subra gusto kung manapak o pumaslang kingina 11 na taon, pinagpalit niya lang sa 5days palang niyang kilala, asan na hustisya don?
“Hindi kita mahal siane, ang lahat ng yun ay pawang pagpapanggap lamang upang makuha ko ang nararapat sa akin. I was never been yours Siane, and will never be yours”—Zion
Kasabay ng pag alis nilang dalawa ay mas umagos pa ng subra ang masagana kung luha, nasa gitna ako ng daan at patuloy na naglalakad kahit hindi alam kung saan pupunta, sinabayan pa ng ulan na tila ba nakikiramay ito sa nararamdaman ko.
*BOOGGGSSHH*
Ara-y sakit nun ah, napa kapa ako sa ulo ko at may d-ugo. Bigla nalang dumilim ang aking paningin at hindi alam ang mga sumunod pang pangyayari. Sana Maging masaya ka sa naging desisyon mo Zion, Mahal Kita hanggang sa muli.
&.&: Socmed acc, and acceptance.
tiktok:@alas_dilim
@west_amrst
wattpad: @Ace_Vince_16
IG:@westskyer
YOU ARE READING
Oneshot(Completed)
RandomTHIS IS JUST A COLLECTION OF MY ONESHOT STORIES, COMPLETED (wag nalang pansinin ang daming codenames ko hahaha) Language: Tagalog-English Date/year Started: 2021 End: